"Kumusta ka na Miguel?" kaswal na tanong ng babae.
Halos hindi makapagsalita si Miguel. Ang tagal na ng panahon na hindi niya nakita ang babae. Mahigit dalawampung taon na ang nakalipas mula ng huli niya itong nakausap at nakita.
"Dianna?" halos hindi niya mabigkas.
"Its good to see you again Miguel. Can we talk seriously?" usal nito sakaniya.
Hindi naman siya tumanggi at pumasok sila sa kaniyang opisina.
"Matagal na ang panahon na hindi naging maganda para sa ating lahat Miguel, kaya wag mo sanang isipin na sa pagbabalik ko ay may iba akong pakay." pagsisimula ni Dianna.
"Bueno, ano ang maipaglilingkod ko sayo Dianna?"
"Ang anak niyo ni Karmina." deretsang tugon ni Dianna.
Hindi naman makaimik agad si Miguel. Nakikita niya sa mukha nito na sabik siyang makita ang pamangkin.
"Bakit? Anong kailangan mo sa kaniya?"
"Tinatanong pa ba iyon Miguel? Gusto ko siyang makita sa ayaw at sa gusto mo. Kadugo ko siya at gusto kong iparamdam iyon sa kaniya." seryosong wika ni Dianna.
"Lumaki na siya na may kinikilalang ina. Wag na sana natin pang baguhin ang kasalukuyan, Dianna."
"Wala namang kailangan baguhin Miguel. Kailangan lang naman nating harapin ang katotohanan na ipinagdamot mo siya sa amin." seryoso paring tugon ni Dianna.
"Kung nagawa ko man siyang ilayo noon, yun ay para rin sa kaniya. Ayoko rin namang magmulat siya na walang masilayan na ina."
"Naging ina ba si Julianna sa kaniya Miguel?"
Hindi nakapagsalita si Miguel.
"Alam kong sa pamamagitan ni Lia ay naaalala ni Julianna ang pagtataksil mo sa kaniya. At hindi ako tanga para isiping minahal niya si Lia na gaya ng pagmamahal niya sa mga anak niya."
"Hindi naman sa ayaw ko na makilala ka niya pero baka gugulo pa ang lahat, Dianna."
"Wala na ang kaniyang ina, wala na rin ang aming mga magulang. Ako nalang ang natitira niyang kadugo, Miguel. Wag mo naman sanang ipagkait sa akin na makasama siya alang-alang man lang kay Karmina." maemosyong wika ni Dianna.
"Don't make this so hard Dianna."
"There's no hard with that, Miguel. Walang masama kung makilala namin ang isat-isa. Nasaan siya Miguel?"
Walang maisip si Miguel na isasagot. Paano ba niya sasabihin na si Lia ay pinalayas niya. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na mangyari ito.
"Ano Miguel? Nasaan si Lia?"
"Hin----di ko alam! I mean maybe nasa bahay ng kaibigan niya." nauutal na sagot ni Miguel.
"Ano? Nakatira si Lia sa ibang tao? Bakit?" pagtataka ni Dianna.
"May nangyaring kailangan ipaliwanag Dianna. Malalaman mo rin ang lahat, kailangan lang na...." hindi naniya naituloy ang sasabihin.
"Matagal ko ng sinusubaybayan si Lia, hindi lang ako lumalapit sa kaniya dahil gusto ko maging maayos sa atin ang lahat. At alam kong naging mabuting anak siya. Ngayon, bakit wala sa poder mo si Lia?"
Hindi naman makasagot si Miguel. Alam niyang malawak ang pag-iisip ni Dianna at kahit pa sabihin niya ang dahilan ng pagpapalayas niya kay Lia ay siguradong susumbatan siya nito sa katotohanang hindi tama ang ginawa niya sa anak na pagtatakwil.
"Wala kang maisagot sa akin Miguel? Hindi bale na, hahanapin ko nalang siya." sambit ni Diannasaka tumayo.
"Aalis na ako Miguel. Iyon lang naman ang nais kong sabihin sa iyo. Sige tutuloy na ako." muling usal ni Dianna at tinalikuran na si Miguel na hindi man lang nakasagot sakaniya.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...