Hindi mapakali si Brian sa kinaroroonan. Parang gusto niyang sunggaban ang pinsan at bigyan ng malakas na suntok. Lalo na at parang ayaw ni Lia na alisin ang pagkapulupot niya sa mga braso ng pinsan. Pakiramdam niya ay naloko siya nito. Halos alam ni Arone ang lahat ng mga nangyari sakanila ni Lia tapos lihim pala itong may gusto sa dalaga.
Naansin naman ni Lia ang hindi maipintang itsura ni Brian. Tahimik lang ito na para bang ayaw silang lingunin. Nang makita niyang napatitig si Brian sakanila ay lalo naman niyang idinikit ang katawan kay Arone. Nagmukha tuloy silang magkasintahan. Pero wala siyang pakialam kung anong sabihin ng mga taong naroon. Ang gusto lang niya ay iparamdam kay Brian ang mga naramdaman niya noong ito naman ang may kasamang ibang babae.
Nakita ni Lia ang mga magulang at kamag-anak kaya naman hinila niya si Arone at ipinakilala sa mga ito. Parang naiimagine naman ni Brian na ipinapakilala ni Lia si Arone bilang boyfriend nito. Iniisip pa lang niya ay napakasakit na. Parang inaararo ang puso niya at hindi na niya kaya ito. Hindi na niya mapigilan pa ang damdamin.
"Bro, mauna na akong umuwi." pamamaalam niya kay Lian.
"Ha? Why bro? Ang aga pa."
"I feel stress bro"
Natawa naman si Lian sa alibi niya.
"Stress? Sure ka?"
"Basta bro, I have to go."
"Okey pero nag-invite sina Cedrick. Punta daw tayong lahat sa resto ni JC sa sabado, birthday daw ng kambal. You need to come bro, peace offering natin sakanila." tugon ni Lian na pabulong. Kaarawan kasi nila Nico at Nina na kaibigan ni Lia. At bilang pakikipagkaibigan ay imbitado silang lahat. Hindi naman tumanggi si Lian bilang tanda na rin ng pagkakaibigan.
"Okey bro, pupunta ako." sagot naman niya na parang wala sa sarili.
Nagpaalam naman si Brian sa mga magulang na mauna ng umuwi. Nagtaka naman si Lia ng hindi na mahagilap ng niyg mga mata si Brian.
"Umalis na siguro siya." usal niya sa sarili.
Hinatid ni Lia si Arone sa labas ng gate ng nagdesisyong umuwi na ito.
"Lia, thank you sa pag-imbita mo sa akin at nakilala ko din ang parents mo." masayang turan ni Arone.
"Salamat din sa presence mo Arone. You're such a nice person."
"Ako dapat magpasalamat sayo ng lubos dahil binigyan mo ako ng pag-asa."
Hinawakan ni Lia ang palad ng binata.
"Ano ka ba, alam ko naman na totoo ka at lahat ng tao nagbabago kung gugustuhin niya. Sana, ipagpatuloy mo lang yan. Nararamdaman ko naman na mapagmahal ka." wika niya sabay haplos sa mikha ng binata.
Kinuha naman ito ng binata at dinampihan ng munting halik ang kamay niya saka masayang nagpaalam. Nasaksihan naman ni Brian ang eksenang iyon ng bummalik siya sa mansyon ng mga Vallejo upang balikan sana ang naiwan niyang cellphone. Para siyang nanigas sa nakita niya. Nanikip ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit. Hindi niya namalayan na umagos na ang luha niya sa kaniyang pisngi. Bakit kung kailan pa siya natauhan ay ganito pa ang mangyayari. Parang namatay ang kaniyang puso sa dami ng saksak nito. Kinabig niya ang sasakyan at pinaharutot ito. Wala na siyang pakiaalam pa kung anuman ang mangyari sakaniya. Gusto niyang ilabas ang kaniyang sama ng loob. Tumungo siya sa bar at doon nagpakalunod sa alak. Walang ibang nasa isip niya kundi si Lia. At kahit ilang babae pa na kulang nang ay maghubad sa harapan niya ang lumalapit sa kaniya sa bar na iyon ay ipinagtutulakan niya ang mga ito.
Pagkagising ni Brian ay naalimpungatan siya. Sa sofa pala siya nakatulog at naroon na pala siya sa knilang bahay. Bakit pa siya nakauwi samantlang lasing na lasing siya kagabi?
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomantikMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...