CHAPTER 6

3.1K 83 0
                                    

Maugong ang mga sasakyang nagsidatingan sa Venico's Bar, ang pinakasikat at pangmayaman na bar sa lugar na iyon. Halos magkasabay lang na dumating ang grupo nila Lian at Brian at ang grupo naman nila Gregory kung saan ay naroon din sina Laurice at Jessica. Kanya-kanyang akbay na babae naman ang iba.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad ni Lian kay Laurice ng makita ito.

"Eh ikaw? Andito ka rin naman ah." pabaladbad na tugon naman nito.

"Watch your words young lady, I'm older than you." galit pero maalumanay namang turan ni Lian.

Sumimangot lang naman si Laurice sa kapatid at lumayo ng bahagya. Nakita naman ni Jessica si Brian at agad nitong niyakap ang binata saka siniil ng halik. Nabigla naman si Brian pero tumugon na rin siya ng halik at inakbayan ang babae.

"Wow! It's just like a reunion, right Lian." sambit naman ni Greg na nakabuka pa ang magkabilang palad.

Ngumisi naman si Lian at nakipagkamayan kay Greg tanda ng pagkskasundo nila at ng kani-kanilang mga kasamahan.

"So, lets go inside and let's have fun." yaya ni Greg.

Pumasok silang lahat sa loob at nag-inuman. Masaya ang lahat, marami silang pulutan at inuming alak sa kanilang table. Todo awat naman si Lian sa kapatid na si Laurice sa tuwing nakikita niya itong tumatagay. Magkapatid nga talaga sila dahil parehas silang mahilig gumimik. Di nagtagal ay parang may pumasok na anghel sa bar na iyon. Halos lahat ng naroon ay nakatingin sa mga bagong dating.

Nagkatitigan ang mga grupo nila Lian at ang magkakaibigang sila Cedrick sa oras na iyon. Nakita naman ni Lia ang dalawang kapatid at parang tinusok bigla ang kaniyang puso ng makita si Brian na inaakbayan ni Jessica samantalang ang kamay naman nito ay nakakawit sa balakang ng babae. Napahawak siya sa braso ni Cedrick at nanginginig siya.

Napansin naman ni Brian ang paghawak ni Lia kay Cedrick kaya mas lalo pa siyang nag-alburuto sa galit. Hinawakan ni Brian ang mukha ni Jessica at siniil ng halik upang ipakita sa kasintahan o dating kasintahan na may kapalit na ito. Hindi iyon nakayanang tignan ni Lia kaya iniba niya ang tingin.

"Lets go guys, doon tayo sa side para mas komportable." pagyaya ni Cedrick ng mapansin ang pag-iiba ng mukha ni Lia.

Nag-order ng maiinom at pulutan sina Cedrick. Hindi naman maiwasan ni Lia ang mapatingin sa kinaroroonan ni Brian. Kitang-kita niya ang sweetness ni Brian at Jessica. Gusto niyang lumuha pero pinipigilan niya. Pinisil lang ni Faith ang kamay niya dahil napansin nito ang kakaiba sa itsura niya.

"Don't mind them Lia. Brian doesn't deserve you kaya bayaan mo na siyang makipaglandian sa babae na yan." mahinang sambit ni Faith sakaniya. Pero kahit na anong gawin niya ay talagang nakakaramdam siya ng selos kay Jessica at doble pa iyon dahil aminin man niya o hindi, naiinggit siya kay Laurice dahil lagi silang may bonding ni Lian. Samantalang siya ay hindi pa niya naranasang makasama ang kahit na sino sakaniyang mga kapatid. Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng concern ni Lian para sa kaniya. Maalala niya noon, laging kakampi ni Laurice si Lian. Kahit na alam nito na si Laurice ang may kasalanan ay siya ang napapasama. Si Laurice palagi ang pinagtatanggol ni Lian at wala siyang ibang matakbuhan kundi ang kaniyang yaya Lourdes.

Napaluha na siya pero agad niyang pinahid. Dahil hindi na niya makayanan ang sama ng loob ay tumayo siya at dali-daling lumabas ng bar. Doon niya ibinuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata. Sinundan siya agad nila Mitch, Faith at Nina. Tumayo naman si Cedruck upang sundan sana sa labas ang mga kaibigang babae pero hindi pa siya nakakalabas ay hinarang siya ni Gregory.

Nakangisi si Greg na parang nang-aasar. Nakamasid lang naman sina Marcus, Joaquin, Neo, JC at Nico sa kanila.

"Kumusta na Cedrick? Ayos yung scandal niyo ni Lia ah." usal ni Greg.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon