Mabilis ang paghakbang ni Laurice patungo sa kaniyang silid. Pagpasok niya ay agad tinungo ang ilalim ng kaniyang mesa ngunit labis nalang ang kaniyang panghihinayang nang wala na ang envelop roon na kinalalagyan ng mga tape. Halos baliktarin na niya lahat ang kaniyang mga magazines pero wala talaga ang envelop.
"Shit! Where are they?" bulalas niya habang nililibot ang mga mata.
Hindi siya nakuntento kaya hinanap niya sa kabuuan ng kkaniyang silid baka sakaling nailipat niya ang envelop sa pinaglagyan. Ilang minuto rin siyang naghanap pero wala talaga siyang nakita. Sapo ang kaniyang ulo na naupo sa kaniyang kama. Kinakabahan na rin siya sa mga sandaling iyon. Anumang oras na makita ang tape na iyon at mapanood ay siguradong madidiin na siya. Sumabay pa ang pagtatapat ni Viola kay Cedrick. At siguradong abot-langit na ang galit nito sakaniya. Mas lalong mapapalayo ang loob nito sa kaniya. Isa pang inaalala niya ay ang magiging reaksyon ng lahat kung mapapatunayang pawang paninira lang ang lahat kay Lia at siya pa ang mastermind, siguradong kahiya-hiya siya at baka siya na ang itakwil.
"Oh no! It should not be happen." pagwawala ng isip niya.
Inalala niya kung saan ba niya huling inilagay ang mga tape pero tanging sa ilalim lang ng kaniyang mesa ang maalala niya kung saan ay isiniksik niya sa kaniyang mga magazines. Hindi na niya napansin ang magazine ni Lian na kinuha noon sa silid nito dahil abala ang isip niya kung paano siya makakalusot sa kaniyang ginawang kasalanan kung sakali man. Naalala niya ang kanilang mga katulong at mabilis siyang bumaba mula sa kaniyang silid. Tinawag niya lahat ang mga ito na ipinagtataka naman ng lahat.
"Sino sa inyo ang huling pumasok ng room ko?" mataray niyang tanong sa mga kasambahay.
"Ako po mam!" sagot ng isa.
"May nawawala akong gamit at hindi ko mahanapan, baka naman pinakialaman mo?" taas-kilay niyang sambit.
"Naku hindi naman po ako nangunguha ng hindi akin maam. Ano po bang gamit ang hinahanap niyo baka sakaling naisantabi ko lang po sa silid niyo?"
Hindi naman agad makasagot si Laurice. Alangan sabihin niya ang talagang hinahanap.
"Ah---basta, pero yung mga magazine ko doon hindi niyo ba binawasan?"
Umiling lang ang mga ito.
"Ah maam, baka po yung magazine ni sir Lian ang hinahanap niyo? Naghahanap po kasi siya kanina, hindi ko lang sigurado kung pumasok siya sa room niyo." saad ni Lorena na siyang lalong nagpakaba kay Laurice. Agad niyang tinungo ang silid nito pero pagpihit niya ay nakalock abg pinto.
"Lorena! Lorena!" malakas na tawag niya na halatang nagmamadali pa.
"Bakit maam?"
"Nakalock ang silid ni Lian, kunin mo ang duplicate key, bilis!"
"Ho?"
"Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Kunin mo na ang pinapakuha ko bilisan mo, bobo!" pagalit niyang tugon at agad naman nitong kinuha ang susi pero bago pa man nahanap ito ay siya namang pagdating ni Lian kasama sina Brian at Jigs. Sakto namang hawak na ni Lorena ang duplicate key ng makita niya ang mga ito.
"Ay, nandito na pala si sir Lian at kasama pa ang gwapung-gwapong si sir Brian." usal ng kasambahay sa sarili na may kilig pa saka binalik ang susi sa kinuhanan.
Pagkatanaw ni Laurice sa baba ay nakita na niya sina Lian. Agad siyang pumasok sa kaniyang silid upang hindi siya makita.
"Come to my room, may panonoorin lang tatong video." yaya ni Lian kina Brian at Jigs. Gulung-gulo na rin ang isip ni Brian upang ihanda ang sarili sa maaari nilang madiskubre.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...