Marahang tiningala ni Lia ang ulo.
"Cedrick?"
"Anong ginagawa mo dito Lia? Gabing-gabi na ah saka ano itong mga dala mo?" pagtataka ni Cedrick sa kaniya.
"Pinalayas na ako ni daddy sa bahay." pagtatapat naman niya.
"Ha? Get on the car Lia, mag-usap tayo." sambit nito saka tinulungan ang dalagang dalhin ang mga gamit sa loob ng sasakyan.
Mabagal ang takbo ni Cedrick habang nakikinig sa kwento ng dalaga at ang dahilan ng pagpapalayas sa kaniya. Nagulat naman siya nung sinabi ni Lia ang tungkol sa video.
"Paano tayo nagkaroon ng ganong video, Ced?"
Nag-isip muna si Cedrick bago nagsalita.
"I have no idea, Lia." usal ng binata.
Pahikbi ang pagiyak ni Lia. Paano kaya niya mapapatunayan na siya ang babae sa video na iyon at pwede ring hindi si Cedrick ang lalaki.
"Anong gagawin natin Ced? Sirang-sira na ako. Ayokong ganito kasama ang tingin nila sa akin ng matagal."
Itinigil ng binata ang sasakyan saka lumingon sa umiiyak na si Lia. Naawa siya sa kaibigan. Masakit nga naman sa isang babae ang sitwasyong iyon. Kung siya nga na lalaki ay magdudulot din sa kaniya ng kahihiyan, kay Lia pa kaya. Para sa kaniya madali lang siyang makamove on dahil lalaki siya pero ang kaibigan, dangal nito ang nakataya.
Hinawakan ni Cedrick ang palad ng kaibigan saka pinisil.
"Dont worry Lia, everything will be gonna fine. Magtulungan tayo para itama ang mali nilang paratang sa atin."
Ramdam naman ni Lia ang concern nito sakaniya. Mabuti nalang at meron siyang mga kaibigan na dumadamay sakaniya.
"Saan kita dalhin ngayon Lia? Alangan namang dalhin kita sa bahay ko, baka mas lalo tayong pag-initan." tumingin lang si Lia sa binata.
"Ah, I have an idea. Dalhin nalang kita kay Faith." usal nito at tinungo nga nila ang bahay ng kanilang kaibigan.
Matalik na kaibigan din ni Lia si Faith. Dahil ayaw sakaniya ni Laurice ay si Faith na ang itinuring niyang kapatid at ganon din ito sakaniya pagkat wala rin itong kapatid at ulilang lubos na rin.
Pagdating nila doon ay ikwinento lahat ni Lia ang mga nangyari. Labis naman ang kalungkutan ni Faith at niyakap nalang niya ang kaibigan at nangakong hindi siya pababayaan.
Kinabukasan ay napag-usapan ng mga magkakaibigan ang kinakaharap ngayon ni Lia at Cedrick na problema. Sa kanilang grupo,si Cedrick ang pinakalider. Natuto siyang mamuhay mag-isa ng itinakwil din siya ng kaniyang mga magulang dahil sa maling impresyon din nila sa kaniya.
Si Marcus naman ay nag-iisang anak ng mag-asawang negosyante kaya laki sa layaw.
Si Neo,ang laging may suot na salamin dahil may deperensya ang mga mata nito. Lumaki ito sa hirap at dahil sa sipag ng mga magulang ay naging maluwag ang kanilang pamumuhay. Maunawain ang kaniyang mga magulang at tanggap ng mga ito ang kaniyang mga kaibigan.
Si Joaquin, mahilig kumilatis sa mga makina ng sasakyan sinabayan pa nang pagtuturo sakaniya ng kaniyang ama ng pagkukumpuni ng makina kaya natuto siyang mekaniko. Siya ang laging nag-aayos ng sasakiyan ni Cedrick sa tuwing may laban ito sa karera.
Si JC naman ay isang chef at may sariling restaurant na siyang palaging tambayan nila katulad ngayon.
Ang kambal na sina Nico at Nina ay nasa ibang bansa ang mga magulang. Halata sa muka ni Nico na mabait at mapagpakumbaba samantalang ang kakambal na si Nina ay palaban.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomantikMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...