Kinuha ni Lian ang dalawang tape at nagtaka siya sa nakalagay sa case ng bawat tape na original at fake. Kinutuban siya ngunit hindi niya mawari kung bakit. Nakatuon lang ang kaniyang mga mata sa mga tape. Sandali pa ay ibinalik niya ang mga iyon sa envelop. Ipinatong niya sa mesa at babalik na sana sa kaniyang silid pero parang minamagnet ang kaniyang mga paa pabalik at muling tinitigan ang envelop. Kinalaunan ay kinuha rin niya ito at dinala sa kaniyang silid.
Pagpasok niya at agad binuklat ang magazine. Nanf makita ang hinahanap ay tinawagan niya ang supplier niya ng mga car accessories. Pagkatapos at tinuon ang atensyon sa envelop. Nilabas niya ang mga ito at isasaksak sana sa kaniyang dvd ng magring ang kaniyang cellphone.
"Hello bro!"
"Hi bro, can we talk?" saad ng nasa kabilang linya.
"Ha? Mukang importante yan bro ah"
"Yes bro!"
"Where?"
"Sa venico, I'll wait you there. Bye!" tugon ni Brian at pinatay agad ang cellphone saka mabilis na umalis papunta sa pinag-usapan nila ni Lian. Tinawagan rin niya ang mga ibang kaibigan nila at napag-usapang magkikita silang lahat doon.
Nagbihis naman agad si Lian. Isinantabi muna ang mga tape na kinuha niya sa silid ni Laurice. Pagkabihis ay umalis din siya agad.
Samantala, naglalakad-lakad si Lia sa paligid ng resort. Sumasagi sa isip niya ang bagong kaibigan na si Axelle. Nag-aalala siya para sa kaniya. Iniisip rin niya ang kalagayan nito ngayon. Ang bilis niyang nakagaanang loob si Axelle. Marahil ay parehas din silang bigo sa pamilya at parehas na lumalaban. At bilang tunay na kaibigan ay hindi niya ipagsasabi sa iba ang tungkol sa pagkatao ni Axelle. Hinding-hindi kahit kailan.
Napasulyap siya sa tatlong bata na nagtatakbuhan. Siguro ay magkakapatid ang mga iyon at masaya silang naglalaro. Kailanman ay hindi niya nakalaro ang mga kapatid sa ganong paraan at saya. Hindi niya magawang alisin ang kaniyang paningin sa mga bata ng biglang may nakabanggaan siyang tao.
"Oopps!" bulalas ng nakabangga niya. Nagkatitigan sila na para bang nagsusukatan sila kung sino ang mauunang magsalita.
"Nasaktan ka ba?" sabay nilang tanong sa isa't-isa. Nagkatawanan silang dalawa.
"Are you alright?" siya na ang unang nagsalita.
"Oo naman! Ikaw nga dapat ang tanungin ko eh."
Nginitian niya ito. "I'm okey!" tanging sagot niya.
"By the way, I'm Arone Santillan!" pagpapakilala nito sabay abot ng kanang kamay.
Kumunot ang kaniyang noo. Santillan? Ang nasa isip niya.
"I'm Lia, Lia Vallejo!" at saka inabot din ang kanang kamay.
"Do you know Brian Santillan?"
Hindi niya alam kung paano pa niya bigkasin ang salitang Oo.
"Yes! I know her?"
"How do you know him?"
"Ahhmm, he is my ex boyfriend." nauutal niyang sagot.
"So I know you. Ikaw pala talaga si Lia." masaya niyang tanong.
"Yes, kaanu-ano mo siya?"
"He is my cousin!" agad na sagot ng binata. Sandaling natahimik si Lia.
Tinitigan niya ang binata sa panlabas nitong kaanyuan. Gusto niya ang ilong ng kaharap dahil matangos ito. Maganda rin ang pangangatawan nito at kung tutuusin ay mas gwapo si Arone kaysa kay Brian at mas maputi pa. Mas malakas nga lang ang appeal ng dating kasintahan.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...