Tanghali na ng magising si Lian. Nagbihis siya dahil may pupuntahan ito. Ngunit wala na ang susi ng kaniyang sasakyan na ipinatong niya sa mesa.
"Nakita niyo ba yung susi ko?" tanong niya sa mga katulong pagbaba niya.
"Hindi naman po sir!" sagot ng mga ito.
Pagpunta niya sa garage ay wala na ang sports car niya.
"Nasaan yung sasakyan ko?" tanong niya sa guard na nakabantay sa kanilang gate.
"Inilabas po ni maam Laurice sir." sagot ng guard.
"What? Bakit mo pinabayaang ilabas niya?" gulantang niyang turan.
"Sabi po kasi niya sir alam niyo naman daw po na gagamitin niya." paliwanag ng guard.
"Ano? Hindi naman siya nagpapaalam sa akin ah. Kahit kailan talaga yang babae na yan, wala ng ginawang mabuti." hasik niya at pumasok na sa loob. May kakaiba na siyang napapansin sa kay Laurice s mga nagdaang araw. Parang hindi na normal ang ibang galaw nito. At kung ano ang dahilan ay hindi niya alam.
Gabi na pero hindi pa umuuwi si Laurice. Hindi rin makontak ni Lian ang mobile nito. Ayaw din sabihin ng mga kaibigan ng kapatid ang kinaroroonan nito. Mas lalo na siyang nag-alburuto sa galit.
Birthday ni Jules ng gabing iyon. Ang pinsan nila Lia sa mga Vallejo. Dahil sa kakulitan nito sa pag-iimbita sa kaniya ay napapayag siyang dumalo kasama si Faith. Naroon na sila sa bahay mg pinsan niya ng dumating sina Laurice at Jessica kasama ang ibang mga kasamahan nito. Tanging sila lang ang pinsan nito na naroon. Walang gaanong bisita ito kundi mga kaibigan lang. Nasa terasa sa taas ng bahay sila kung saan ay doon ang reception ng party.
"Bakit nandito si Lia?" inis na tanong ni Laurice kay Jules.
"So what kung nandito siya? She is my cousin too." depensa naman ni Jules. Sumimangot lang si Laurice.
"Anyway Jules, happy birthday and this is my gift for you." wika ni Lia sabay abot ng isang mahaling wine sa pinsan.
"Wow! Thanks couz!" masayang tugon nito sa kaniya.
"Asan pala si Lian? He suppose to be here."
"Baka may inasikaso lang." usal ni Laurice at nakihalubilo sa kaniyang mga kakilala kasama si Jessica.
"Nandyan na yung kapatid mo." usal ni Faith kay Lia ng makita si Laurice.
"Don't mind her Faith. Everything is gonna be fine." mahinahon niyang tugon.
"Kasama niya yung babae ng boyfriend mo."
"He's not my bpyfriend anymore, Faith. And I accept it." sagot niya. Hindi na umimik si Faith.
Tumayo si Lia upang kumuha ng pagkain ng pasadiya siyang binangga ni Laurice.
"Ano bang problema mo?" hasik ni Lia.
"Ikaw, dahil nakakairita ka." sigaw nito sa kaniya. Hindi niya malaman kung lasing ba ang kapatid dahil hindi naman ito amoy alak.
"E di umlis ka sa paningin ko." pabaladbad niyang sagot at hahakbang sana siya ng hilain ni Laurice ang buhok niya. Itinulak niya ito at napaatras sa mesa.
Itinulak din siya at napasangga sa bakod ng terrace. Nagulat siya ng kapain ni Laurice ang kutsilyo na nasa ibabaw ng mesa at nakaangat ito papalapit sa kaniya. Nagulantang ang mga taong naroon. Maging si Faith ay hindi alam ang gagawin.
"Laurice,ibaba mo yang knife na hawak mo." boses ni Jules pero parang walang naririnig ito.
Isasaksak na sana ni Laurice ang kutsilyo kay Lia pero nasangga niya ito. Nagtulakan ang dlawa hangga sa natumba sila pero hindi pa rin nabibitawan ni Laurice ang hawak na kutsilyo. Parang may demonyong sumanib sa utak ni Laurice dahil interesado talaga siyang isaksak iyon kay Lia. Napalakas ni Laurice ang pagtulak kay Lia ng sandaling iyon kaya napaatras siya muli hanggang sa harang ng terasa. Nasa itaas sila kaya konting kamali lang ay isa sakanila o silang dalawa ang mahuhulog mula doon.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...