"Axelle?" usal ni Lia saka lumapit sa babae.
"My god Axelle, what happened to you?" muli niyang usal na may halong pangamba sa nakikitang itsura ng kaibigan lalo ng makita niyang duguan ito.
"I have no time Lia, anytime matunton nila ako dito. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang magpaalam sayo."
"Pero baka mahirapan ka. Magtago ka muna sa bahay, hindi ka magagalaw doon." pagyaya niya na may halo na ring takot.
"No need Lia, baka madamay ka pa at si tita Dianna." sagot naman ni Axelle na bakas ang hapding nararamdaman sa kaniyang tagiliran na nabaril.
"Pero paano ka maglalakad. Mahihirapan ka!" turan naman niya na labis ang kabsng nararamdaman para sa kaibigan.
"Don't worry! Nandyan na ang mga kasamahan ko. Lia, kung ano man ang magiging problema mo sa hinaharap, maaasahan mo ako. At alam kong magkikita pa tayo muli." sinseridad niyang sambit.
"Axelle!"
"Oo Lia, parte ka na ng buhay ko kaya bilang tunay na kaibigan, asahan mo ako sa darating na mga panahon." pagkasabi ni Axelle ay nagyakapan sila saka humakbang ito ng bahagya.
"Paalam Lia." usal ni Axelle at kinawayan siya.
"Paalam din sayo at salamat. Mag-ingat ka sa pupuntahan mo." tugon naman niya saka kumaway din sa papalayong si Axelle hanggang sa ni anino nito ay hindi na niya nakita.
Hindi makapaniwala si Lia sa mga nangyayari sa bago niyang kaibigan ngunit buo ang paniniwala niya sa mga ipinagtapat nito sakaniya at kailanman man ay hindi niya ito makakalimutan. Bumalik na siya sa bahay dahil natatakot na rin siya sa labas. Pagkauwi ay ibinalita niya kay Dianna ang pag-uusap nila ni Axelle at ang pag-alis nito. Hindi na rin nagulat pa si Dianna dahil kilala na rin niya si Axelle.
Halos araw-araw ang paghahanap nila Cedrick kay Viola. Nagbakasakali sila sa isang bar kinagabihan. Sa labas palang ng bar ay alam nilang naroon ang grupo nila Greg dahil sa kotse nito na nakapark at isang escapade na van na madalas gamitin ng mga barkada nito. At sa isang sulok kung saan sila pumwesto ay nakita niya roon si Viola na nakakandong kay Greg. Lumabas sila agad upang hindi sila makita.
"Tol, sigurado bang hindi nila tayo nakita?" tanong ni Greg sa mga kaibigan.
"Siguradong hindi Ced, pano halos lahat sila may kanya-kanyang kandong na babae." usal ni Nico. Samantalang nakaisip ng kalokohan si Joaquin at napapangisi ito.
"Joax anong nangyayari sayo?" ani Marcus.
"May naisip ako para naman makaganti-ganti rin tayo sa Greg na yan."
"Ano yun?" sabay-sabay na tanong nilang lahat at sinabi naman nito agad ang plano sa mga kaibigan.
Halos lasing na silang lahat nila Greg. Pagewang-gewang na rin ang paglakad ni Greg habang nakaakbay kay Viola. Pero labis nalang ang pagkainis nilang lahat na makitang butas na lahat ng gulong ng kanilang sasakyan.
"Shit!" bulalas ni Greg saka sinipa ang kaniyang kotse.
"Magtaxi nalang kami ni Viola. Maiwan na kayo dito at ayusin niyo ang gulong ng sasakyan ko." turan ni Greg saka pumara ng taxi. Ang hindi nila alam ay may mga taong sumusunod sa kanila.
Pumasok sila sa isang maliit na apartment kung saan ay doon lumipat ng tirahan si Viola.
"Diyan pala nakatira ang babaeng yan. This time, hindi na siya makakawala pa. I will do everything para malinis ang pangalan ni Lia." turan ni Cedrick sa mga kaibigan saka sila umalis sa lugar na iyon.
Kinabukasan ay bumalik sila doon at siniguradong wala na doon si Greg. Tanging si Nico, Marcus at Joaquin nalang ang kasama ni Cedrick dahil sina JC at Neo ay may kaniya-kaniyang trabaho. Kumatok si Cedrick sa pintuan na agad naman pinagbuksan ni Viola at nagulat siya sa nakitang mga tao sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...