Pakiramdam ni Laurice ay nanlalamig siya sa mga sandaling iyon. Hindi na niya alintana ang sugat sa kaniyang noo dahil na kay Lia na ang pag-aalala niya.
"Lia! Lia please wake up." usal niya at hindi mapigilan ang paghagulgol. Parang gusto niyang durugin ang sarili. Siya ang dahilan ng lahat at labis ang pagsisisi sa sarili. Kung nakinig sana siya kay Lia, hindi sana nangyari ang lahat. Pinakiramdaman niya ang pulso ng kapatid. Pumipintig pa naman ito pero mahina. Kailangan niyang maidala agad sa hospital si Lia dahil hindi niya mapapatawad aang sarili kapag mawala pa ito. Lumingon siya sa labas at nakita niyang papunta sa kinaroroonan nila ang mga taong laman ng malaking truck na nakabangga sana nila kung hindi lang nailihis ni Lia ang kanilang sasakyan.
"Mama, tulungan niyo po kami. Kailangan ko pong maidala ang kapatid ko sa hospital. Nanghihina po ang pintig ng pulso niya."
Atubili namang umupo ang driver ng truck sa driver seat upang paandarin ang sasakyan pero sa kasamaang palad ay ayaw itong umandar. Mas lalo ng naiyak si Laurice sa pag-aalala sa lagay ni Lia dahil wala pa ring malay ito. Saka niya naisip na tumawag sakanila. Pero nag-aalangan siyang tawagan ang mga magulang sa maaaring reaksiyon ng mga ito kaya si Lian nalang ang subukan niyang tawagan dahil walang nagdaraan na sasakyan.
Sunud-sunod ang tunog ng cellphone ni Lian. Kanina pa niya naririnig pero tinatamad siyang damputin at dahil makulit ang caller ay kinapa nalang niya ito.
"Hello!" sagot niya na nakapikit parin.
"Lian, naaksidente kami ni Lia. Wala siyang malay at ang dami ng dugo na lumalabas sa kaniya. Please Lian dalhin na natin siya agad sa hospital."
Nabalikwas siya pagkarinig kay Laurice.
"Hintayin niyo ako diyan. Nasaan kayo ngayon?" agad niyang tugon. Pagkatapos makausap si Laurice ay mabilis siyang bumaba at pinatakbo agad ang sasakyan. Hindi muna siya nagsabi sa mga magulang dahil ayaw niyang mabigla ang mga ito. Baka kung ano pa mangyari sa mommy nila.
"Bakit sila magkasama sa ganitong oras." ang nasa isip ni Lian habang binabagtas ang daan. Nasiyan niya ang nakaparadang dumptruck sa gilid hanggang sa mahagip ng paningin niya ang kotseng nakabangga sa isang puno.
"God!" ang naibulalas niya.
Pagkarating niya ay halos manghina siya sa nakitang itsura ng dalawa niyang kapatid lalo na si Lia na nakasuot pa ng pajama na pranela at ang puting-puti niyang suot na t-shirt ay pulang-pula na ngayon dahil sa umaagos na dugo. Agad nitang inilabas si Lia sa loob ng kotse at isinakay sa kaniyang sasakyan. Si Laurice naman, sapagkat mahina rin ito ay agad na tinabihan si Llia at isinandal ang ulo nito sa kaniyang mga braso. Nagpaalam naman si Lian sa taong umalalay sa kaniyg mga kapatid at agad dinala si Lia sa Vallejo Medical Hospital.
"Nurse pakibilis, hindi na humihinga ang kapatid ko." sigaw ni Lian sa mga taong naroon sa hospital sapagkat pahina ng pahina ang pintig ng pulso ni Lia. Maging si Laurice ay inalalayan din upang masuri dahil nanghihina rin ito. Hindi malaman ni Lian kung ano ang gagawin niya. Balak na niyang tawagan ang mga magulang para sabihin ang nangyari.
Samantala, nagising si Julianna dahil sa masamang panaginip hanggang sa tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa. Nagtaka pa siya ng makita ang pangalan ni Lian sa screen ng cellphone niya. Agad niya itong sinagot at halos magimbal siya sa narinig mula sa anak. Nanginginig siya at halos walang mailabas na salita. Dumaloy lang ang luha sakaniyang mga mata.
"Lian,bantayan mo ang mga kapatid mo. Pupunta kami diyan ng daddy mo." bilin ni Julianna na sobrang nginig sa takot. Ginising niya agad ang asawang mahimbing na natutulog at sinabi ang nangyari.
Wala silang sinayang na oras aat agad na tinungo ang hospital pinagdalhan sa mga annak na kanilang pag-aari.
"Nasaan ang mga anak ko? Ako ang aasikaso sa mga anak ko." agad na bungad ni Julianna ng nakapasok sila sa loob ng hospital.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...