04

7.8K 459 25
                                    


"What?" gulat na sabi ko. Ibig niyang sabihin Goddess din siya?!

"Yep, I was planning to build my own world but I realized that I can be the one of the Goddess here in Tania's creations. Wala rin kasi akong talento sa paggawa," sabi niya at natawa pa ng bahagya

"And you can interact with people?" She nooded.

"Binabantayan ko ngayon ang kalikasan, since it's connected in my magic. Halos karamihan ay kilala ako pero hindi nila alam na kapatid ako ng gumawa sa kanila, it's fine tho, sapat na saakin ang katayuan ko ngayon." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Kaya pala may pagka Maria Clara ang galaw niya. Pero wait, kung may kapatid si Tania, may mga magulang sila?

"Sino ang mga magulang niyo?" Umiling siya sa tanong ko.

"I don't know. Basta ang alam ko, isa lang kaming bilog na liwanag noon. Hindi lang naman kaming dalawa ni Tania ang nabuhay pero si Tania lang talaga ang may kakayahang makapag paikot ng mundong ginagalawan mo ngayon," sagot niya.

Ahh! So sa dating mundo ko, wala talagang Diyos na pinapaniwalaan ng halos lahat ng tao? Ang dami dami pa namang naniniwala sa kanya pero hindi naman pala siya nag e-exist. Buti na lang hindi nagalit ang totoong lumikha ng mundong 'yon.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng tao ako pa ang napili niyang kunin para i-reincarnate sa mundo niya," nakasimangot na sabi ko.

Tsaka napaka-brutal naman ng pagkamatay ko! Nahulugan ng bato? Grabe! Nakakadiri siguro ang histura ko kasi na pisat ako ng bato.

"I see, so you're reincarnated?" Tumango ako.

Kapatid naman pala siya ni Goddess Tania kaya hindi na siya magugulat about sa reincanation.

"You must be special then," usal niya kaya napatawa ako.

Special? Ano namang special sa 'kin?

"Imposible," sabi ko. "Sabi niya nakita niya lang ako noong isinilang ako sa mundo namin, anong espesyal doon?" natatawang tanong ko.

Isipin mo, normal na tao lang akong ginawa ng Diyos sa dati kong mundo tapos sasabihin ni Mayina na espesyal ako? Ha! Special child siguro.

"It's rare to her to look for someone and let that person reincarnate here, kaya niya namang gumawa ng sarili niyang tao," sabi niya.

"Malay ko, basta ang alam ko hindi ako espesyal," simpleng sabi ko bago tumayo at nag inat ng katawan.

"Tatlo lang ang ibig sabihin nito, una, baka nagkamali ang pagkakagawa sa 'yo ng Diyos mo sa dati mong mundo, pangalawa, isa kang summon at pangatlo." Tumitig ito saakin at ngumiti. "Sekreto na 'yon."

Napasimangot naman ako ay hinampas ang binti niya gamit ang paw ko. Wow, sana all makinis.

"Pabitin ka fo," sabi ko at umirap pero tawa lang ang isinagot niya.

"Babalik na ako sa dorm nila, kahit hindi ko na ginagabayan ang aroganteng lalaking 'yon, doon padin ako titira. Boss ako e." Ngumisi ako bago bumaba sa upuan at naglakad na palayo.

"Mag-iingat ka," rinig kong sabi ni Mayina

"Ikaw din! Nice to meet you!" sigaw ko at tumakbo para mabilis na makapunta sa dorm.

May mga estudyanteng napapatingin sa akin sabay bulong ng kung ano at dahil nakatingin sila saakin marahil ako ang pinag uusapan nila. What's wrong with them? I'm just a cute little fox who's running around here. Bahala sila riyan basta ako cute.

Nang marating ko ang dorm ay sinubukan kong kumatok pero mahinang tunog lang ang nilikha ng kamay ko.

"Pabukas!" sigaw ko at hindi naman ako nagkamali dahil may nagbukas ng pinto. "Sala—"

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon