Mabilis na lumipas ang araw at ngayon malapit nang matapos ang exam. Abot tenga ang ngiti nang mga kasama ko habang nagtatago kami. Sa isang linggo naming paghahanap ay mayroon na kaming labing pitong gem at sa tingin namin ay sapat na 'yon para makasama kami sa top.Karamihan sa nakuha namin ay sa mga grupo na unang sumugod saamin. Kasalanan nila kasi kinakalaban nila kami.
"Ilang oras na lang ba ang natitira?" tanong ni Isabela.
"Five hours pa," sagot ni Ricky.
Hindi na ako nagsalita at inayos ang mga gem. Inilagay ko 'yon sa malaking tela at hinigpitan ang pagkakatali. Kung sakali man na may makahanap saamin at agawin ang gem namin.
"Good day, students. Kaunting oras na lang at matatapos na ang exam," ani nang boses ni Headmaster.
Hindi namin alam kung saan nagmumula 'yon kaya nakinig na lang kami.
"So I'll give the name of the group who has more gems. The currently in the first place, is Fiera's group."
Nagkatinginan naman kaming lahat at napangiti. Hindi kami sumigaw dahil kapag ginawa namin 'yon ay baka mahanap nila kami.
"The second place is Kreyo's group and the third is Jack's group. That's all, good luck."
Nawala na ang boses ni Headmaster at kami naman ay tuwang tuwa. We didn't expect to be in the first place kaya naman ay tuwang-tuwa kami. Agad ko namang napansin ang biglang pananahimik ni Ricky.
Akmang tatanungin ko siya nang tumingin siya gamit ang nanlalaki niyang nga mata.
"May paparating!"
Agad kaming kumilos para umalis pero huli na dahil bumukas ang bato na ginawa naming pinto paea sa kweba. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita si Kreyos.
"Kayo lang pala," sabi ko at nakahinga nang maluwag.
Ngumisi naman siya saakin. "Give me your gems." Bumalik ang panlalaki naman ng mata ko
"Hoy! Makuntento ka sa place mo!" sigaw ko sa kanya at niyakap ang tela na may lamang gem.
"Nah, give me your gems, Fiera. Obey your master." Sinimangutan ko siya.
"Hi Fei," nakangiting sabi ni Mira na kasama pala nila.
"No!"
"I don't have a choice." Mabilis tumakbo palapit saakin si Kreyos na kaagad ko namang iniwasan.
"Takbo!" sigaw ko sa mga kasama ko.
Agad naman kaming tumakbo nang makakuha kami ng tyempo. Mira, Nana, Kreyos, George at Luca. Sila ang magkakasama.
"Ah!" Muntik na akong madapa nang biglang may magbato nang apoy sa direksyon ko.
Saglit kong binalingan ang likod ko at nakita ko si Kreyos na para bang handa akong patayin. Napasigaw ako.
"Guardian mo ako, punyeta ka!" Tumingin ako kay Gine na seryoso pa rin ang mukha habang tumatakbo. "Gine, harangan mo sila."
Tumango siya at pinagalaw ang mga puno para harangan ang grupo nila Kreyos. Nag-focus lang ako sa pagtakbo at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong namin ang grupo nila Jack.
"Si Fei, tumatakbo!" sigaw ni Lana.
"Kunin ang gem!" Gusto kong sumigaw sa inis at iniwasan ang mga kapangyarihan nila na pinapatama nila saakin.
Ilang minuto na akong tumatakbo at nagsisimula na akong makarandam nang pagod kaya hinarap ko sila. Pero laking gulat ko dahil si Kreyos na lang pala ang humahabol saakin.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...