Humihikab-hikab pa ako habang nakasabit sa balikat ni Kreyos. Sobrang aga naman kasi naming umalis at napuyat pa ako dahil kay Kreyos. Nakuha nga niya ako pero hindi naman niya ako hinayaan na umalis sa tabi niya! He hugged me like a pillow last night and it gives me terrible feeling."Can we take a rest?" pagod na sabi ni Nana.
"Fine. One hour," sabi ni Kreyos kaya natuwa naman ang iba naming kasamahan.
Si George at Luca naman ay agad na kumilos para magtayo ng tent at ang mga babae ay naghanda naman ng makakain. Mukhang na-scam kami sa sinabi ng bampirang 'yon ah. Mukha kasing matatagalan pa kami sa paglalakad. Madaling araw kasi kaming umalis tapos tanghaling tapat na ngayon.
Nang matapos sila Luca sa paggawa ng tent ay ako ang unang pumasok doon para humiga at matulog. Naamoy ko rin ang mabangong iniihaw nila Lana.
Duh. Nakakatamad kayang kumain kapag inaantok ka! Kaya sleep first muna.
Muli akong humikab at hinayaan ang sarili ko makatulog.
"FEI? Fei, gising. Kakain na." Napamulat ako at nagh-inat ng katawan.
Kakain na agad? Parang pumikit lang ako sandali ah.
Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng tent dahil bukod sa gusto ko ng kumain, gusto ko na rin matapos ang misyon namin ngayon.
Tumingin ako sa paligid at napakunot ang noo ko dahil hindi ko makita sila Lana. Kahit si Kreyos, lahat sila wala. Saan sila nagpunta at bakit masyadong mahamog dito?
"Nasaan kayo?!" sigaw ko pero walang sumagot.
Lumapit ako sa lutuan at tinignan ang laman non. Tubig lang at mukhang mainit pa. Nakapatay na rin kasi ang apoy at bukod doon, wala ng ibang laman.
"Kreyos?! Lana?! Nana?!" patuloy kong sigaw at napatigil dahil may nakita akong isang babae na nakaupo mag-isa sa bato.
Sobrang haba ng kulay pilak nitong buhok at sa tingin ko ay umaabot 'yon hanggang talampakan. Wow, haba ng hair. Nag rejoice ka ba girl? Joke.
"Hello, nakita mo ba ang kasamahan ko?" tanong ko dito.
Napatigil naman siya at napalingon saakin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatulala sa kanya. Kahit mayroon siyang tatlong guhit sa magkabilang pisngi na parang pusa ay ang ganda niya pa rin tignan. Bumagay din sa kanya ang kulay ginto nitong mga mata. OMG, is that Diyosa?
"Si-sino ka?" mahinang tanong niya at napansin ko ang paggalaw ng tenga niya na parang kagaya ng tenga ko.
"Ako si Fei, hinahanap ko ang—"
"Fei! Fei!"
"—kasamahan ko. Hindi ko kasi alam kung saan sila nagpunta," sabi ko.
Tumitig naman siya sa 'kin at dahan-dahang lumapit. Hindi ko alam kung bakit pero nananatili lang din akong nakatitig sa kanya. Bakit ba? Ang ganda niya, eh, parang wala ka nang maiipintas sa mukha niya.
"Pamilyar ka," sabi niya at akmang hahawakan ako ng makarinig ako ng malakas na pag sigaw.
"Fiera!" Mabilis akong napamulat at napabangon.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nag-aalalang nakatingin saakin at si Lana na halos maiyak na.
Teka? Ano 'yon, panaginip?
"Huh? What happened?" tanong ko pero yakap lang ni Lana ang natanggap ko.
What the?
"You're not waking up," sabi ni Kreyos at pinitik ang noo ko. "You made us worry," sabi nito at lumabas ng tent.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...