Nakatayo ngayon ako sa Veranda habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Kreyos kanina. Napaka unreasonable naman kasi ng sinasabi niya. Mabait si Achilles, hindi niya kasi kinikilala ang tao.Napabuntonghininga ako at tumitig sa madilim na kalangitan. Aalis na kami bukas pabalik sa kaharian nila, gusto ko pa sanang mag-stay para makapag libot libot pa ako pero si Kreyos ang nagdesisyon eh.
"Hey, why are you still awake?" Napalingon ako sa likod ko at napangiti.
"Hi, Achilles, nagpapahangin lang," sabi ko.
Ngumiti rin siya pabalik. "Iniisip mo ba ang nangyari kanina?" tanong niya.
Hindi ako sumagot kaya lumapit siya sa tabi ko.
"Don't worry, ayos lang 'yon. Baka masyado lang siyang protective sa 'yo," sabi niya.
"Ewan ko, dati naman siyang hindi ganyan," nakasimangot na sabi ko. "Madalas nga na walang pakialam saakin 'yon."
"Hmm, baka he likes you." Agad akong natawa sa sinabi niya.
"Napakaimposible naman no'n," sabi ko.
"You're beautiful, Fiera. Hindi na nakakagulat na maraming magkagusto sa 'yo, and I'm one of them." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Sorry, friend lang talaga ang tingin ko sa 'yo," nakangiwi kong sabi.
Nagkibit-balikat siya at inabutan ako ng gatas. Mainit init pa 'yon.
"It's fine, I know you will say that. Here's my milk, baka makatulong sa 'yo na makatulog kaagad." Kinuha ko naman 'yon at nagpasalamat.
"Sure ka? Eh gagawa ka ulit ng para sa 'yo?"
"Of course, nakasanay ko na ang uminom ng gatas bago matulog," sabi niya at natawa.
Natawa na rin ako. Ang cute naman, parang bata lang.
Uminom ako ng gatas at tumingala sa kalangitan. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makaramdam ako ng hilo. Anong nangyayari?
"I'm sorry my Love, but I want you to be mine," sabi niya.
Kumabog ang dibdib ko at ang nakangising mukha na lang ni Achilles ang huli kong nakita bago mawalan ng malay.
NAGISING ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nakatali ang dalawa kong kamay sa kama at mayroong magic circle sa lapag. Ano bang problema ng mga tao ngayon?!
"You're awake." Mabilis kong sinamaan si Achilles ng makita ko siya.
Nakangiti siya habang may hawak na tray na sa tingin ko ay pagkain ang laman. It's wierd, hindi ko magamit ang lakas ko o ang kapangyarihan ko.
"Anong kailangan mo?" mariin kong tanong.
Ibinaba niya ang pagkain sa gilid bago umupo sa kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko kaya agad kong iniwas ang mukha ko.
"You're the one I only need, Fiera." Bumigat ang paghinga niya at lumamlam ang tingin niya sa 'kin.
May sira ba 'to sa ulo?!
"Baliw ka ba?! Akala ko ba okay lang?!"
"Of course, it's not. You're my greatest possession now," nakangiti niyang sabi.
"Baliw ka na, bitiwan mo ako!" sigaw ko.
Sumeryoso ang mukha niya at sinapo ang pisngi ko. So lahat pala ng kabutihan na ipinakita niya saakin. Ay hindi totoo?
"I won't ever let you go, Fiera. Kahit pa na itali kita habang buhay rito, gagawin ko. Huwag ka lang mawala." Ginulo niya ang buhok ko at kinuha ang pagkain sa gilid.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...