28

4.7K 325 16
                                    


"Fiera? Anong ginagawa mo rito at bakit mag-isa ka lang?"

Mabilis na nangilid ang luha ko ng makita si Achilles kasa ang iba pang Royalties. Buhat buhat ko pa rin ang madaming pagkain sa kamay ko. Kanina pa ako nabibigatan pero hindi ako makahinto kasi maraming tao sa paligid, baka makaharang ako sa daan.

"Waah! Tulong!" Napakurap naman sila at agad akong tinulungan sa pagbubuhat ng dala ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Finally!

"So why are you alone? Hindi ba dapat kasama mo ang Royalties niyo?" tanong ni Achilles.

Napanguso ako at pinisil pisil ang braso ko.

"Bumili kasi ako ng palaman na pinalaman natin kanina, tapos nakalimutan ko pala na magpaalam na bibili ako kaya naiwan nila ako," sabi ko.

Natawa naman siya. "So you really brought some, huh?"

"Bakit naman ang dami mong dalang pagkain?" tanong ni Athena.

"Bigay ng mga tao," sagot ko.

"Do you have money?" tanong ni Alexandria.

"No."

"That's explain why you didn't rent a carraige." Kinuha niya ang pito na nakasabit sa leeg niya at pumito.

Agad na may pumutang karwahe sa harap namin.

"Bring this to the Lord's mansion." Inilagay nila lahat ng pagkain sa karwahe.

Mababait naman pala sila. Salamat talaga at nakasalubong ko sila, akala ko ay mamamatay na ako sa bigat ng binubuhat ko kanina.

"Do you want to come with us? We're going to amusement park," sabi ni Achilles.

Mabilis na nanlaki ang mata ko.

Amusement park?!

"Mayroon dito?!" Tumango siya.

"Of course, so, wanna come?"

"Oo naman!" excited na sigaw ko.

Never kasi akong nakatapak sa amusement park kahit na minsan ay nadadaanan ko kapag nagta-travel ako mag-isa dati noong ako pa si Nina. Eh kasi wala akong kasama no'n pero ngayon meron na.

"Baka hanapin ka ng mga kasama mo," sabi ni Agatha.

Umiling ako. "Ayos lang 'yon, kaya naman nila na wala ako. Tara na!"

NAKATINGALA ako sa mataas na ferris wheel na nasa harap ko. Nakakalula kung titingnan mo mula sa baba, paano kaya kapag nasa taas ka na?

"Gusto mo sumakay?" tanong ni Achilles.

Mabilis akong napalingon sa kanya at nagtaka dahil nawala ang iba naming kasama.

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Naghiwa-hiwalay, they want different rides so, yeah."

"Ay gano'n ba, ikaw? Bakit ka nandito?" Ngumiti siya at inilagay ang kanay niya sa ibabaw ng ulo ko.

"I want to go with you, let's have fun together," sabi niya.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatitig sa kanya. Bakit ba ang bait niya? Huhu. Kasalanan niya kapag na-fall ako. Sigurado ako na maraming naghahabol sa lalaking 'to, ngayon pa nga lang ay nakikita kong boyfriend material na paano pa kaya kapag mas nakilala ko pa? Baka masabi kong husband material na siya.

"Why? Is there's something wrong?" tanong niya.

Napakurap ako at ngumiti.

"Wala, ang gwapo mo," sabi ko.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon