27

4.7K 338 27
                                    


"Good morning, Fiera. Ang aga mo ngayon." Natigil ako sa pag inom na tubig at lumingon sa likod ko.

Ngumiti ako kay Achilles.

"Oo, gusto ko lang sana humiga muna sa kama kaso nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako rito. Ikaw ba?" Binuksan niya ang mini refrigerator at kumuha ng lalagyan na may kulay tskokolate na laman.

Binuksan niya rin ang isang drawer at inilabas ro'n ang tinapay.

"Nagugutom na ako kaso hindi pa sila tapos magluto," natatawang sabi niya.

"Hala, pwede makahingi?" tanong ko.

Tumango naman siya at umupo sa upuan.

"Come here." Umupo na rin ako sa upuan.

Kumuha siya ng tinapay at pinalamanan ng sa tingin ko ay tsokolate na galing sa jar. Iniabot niya saakin 'yon at ngumiti.

"Here, sikat ang palaman na 'yan saamin," sabi niya.

"Thank you!" Mabilis akong kumagat sa tinapay at nagulat ng malasan ko ang tamis nito.

Lasa siyang nutella!

"Ang sarap!"

"Mabuti naman at nagustuhan mo," sabi niya at kumain na rin.

Na-miss ko ang nutella. Ang sarap naman kasi niya i-palaman sa tinapay lalo na kung medyo mainit init pa. May kamahalaan nga lang pero dahil mayaman naman ako noon ay afford ko ang bumili nito.

"Teka, saan mo 'to nabibili?" tanong ko.

"Ah, sa bayan. You can buy this for two copper." Nanlaki ang mata ko.

"Two copper lang?! Ang mura!" Natawa siya at bahagyang lumapit para mapunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang kamay niya.

"Ang cute mo kumain." Napalunok ako.

Bigla akong nahiya shuta.

"Ano 'to? Nagtataksal ka na saakin, Achilles?" Mabilis kaming napalingon sa babaeng kakarating lang.

Kung hindi ako nagkakamali ay ang pangalan niya ay Astrid.

"Tsk, tigilan mo nga 'ko." Natawa naman ang babae at umupo sa tabi ko.

"Hi, good morning," nakangiti niyang bati.

Ngumiti rin ako. "Good morning din, kain?"

Muli siyang tumayo at kumuha ng mangkok. Kinuha niya ang palaman at binuhos doon bago isinawsaw ang tinapay.

"Bakit ang aga niyong dalawa? May something ba sa inyo?" tanong ni Astrid habang ngumunguya.

"No, I just want to be her friend," sagot ni Achilles.

"Sus, sabihin mo crush mo siya," pang-aasar niya.

Namula naman ang muka niya. "Astrid!"

"Oh! Guilty, oh!" Hindi ko mapigilan ang matawa.

Nang matapos kaming kumain ay ibinalik na namin at hinugasan ang mga ginamit namin. Lumapit ako kay Achilles pero nagulat ako ng mapatid ako sa kung ano kaya nasubsob ang mukha ko sa likod niya.

"Fei, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Achilles at inalalayan akong tumayo ng maayos.

"Ayos lang," sabi ko at napalingon sa sahig.

Wala namang nakausli ah!

"Opps!" Napatingin ako kay Astrid na malawak ang ngiti habang nakangiting saamin.

Talaga naman ang babae 'to!

"What the hell are you doing, Fiera?" Napalingon kami sa nagsalita at ng makita si Kreyos ay mabilis akong humiwalay kay Achilles.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon