Lana
So why are we curious about that fox? Simple, because she's too cute! Hindi na makatao ang anyo niya! She seems not real kasi almost perfect na siya.
'Yung malambot niyang balahibo, kulay asul niyang mata. Ang cute niyang boses at ang...
"Ugh, don't touch me." Ang hindi niya kagandahang ugali.
Pero still, ang cute niya pa rin hindi ba? At least cute pa rin siya. Hehe.
"Lana! Why you took so long?! We need to go!" Napasimangot naman ako ng sigawan ako ni Nana.
Impokritang babaeng 'to. Lagi na lang akong inaaway, akala mo boss ko. Ha! Kay Fiera lang kakalampag.
"Coming!" sigaw ko at inilagay sa bulsa ko ang pocket bag.
Hinanap ng mata ko si Fiera at napasinghap ng makita ko siyang nasa ulo ni President. I mean ni Pierce uh, Kreyos. Whatever, ang dami naman kasing tawag sa kanya.
Actually we have two Presidents in this school. The President of wizard users and the President Elemental users, at siyempre nasa elemental user si Kreyos.
Ang wizard kasi ay madalas na may wand na ginagamit. Kapag wala sila ng bagay na 'yon, walang silbi ang kapangyarihan nila. Sa Elementalist naman ay madalang lang ang gumagamit ng wand, at karamihan ay may dugong bughaw, kasi nga hindi na nila kailangan non pero may iba pa rin na gusto pang matuto sa paggamit ng wand kaya nagti-take sila ng extra classes. Kasama na ako doon siyempre!
Ialana Tevoe ang buo kong pangalan, to make it short, Lana nalang. Kuryente naman ang kapangyarihan ko pero sobrang hirap ma control! Kasi kailangan kong maiwasang huwag madamay ang kasamahan ko kapag nagpapalabas ng kuryente, madalas kasi kumakalat 'yon. Tehee.
"Kumpleto na ba tayong lahat?" tanong ni Mira at tumingin pa saamin para makasigurado. "Okay! Let's go! Malayo pa ang lalakbayin natin."
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school ng marinig namin ang pamilyar na sigaw. Omg! Si Luca at George 'yon!
"Wait for us!" sigaw nito kaya lahat kami napalingon dito.
Hinihingal silang huminto sa tapat namin. "Sasama kami."
"Ugh," ungot ni Mira, nakita kong sinamaan pa nito ng tingin si Luca bago naunang maglakad.
Napahagikgik na lang ako.
"Grabe, ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'yon. Hate na hate ako," natatawang sabi ni Luca at ako naman ay hindi mapigilan ang mapangiti.
Hindi na lingid sa kaalaman namin ang pagkagusto ni Mira kay Luca. Kahit palaging nag-aaway ang mga 'yan. Pfft, halatado masyado pero si Luca parang tanga e, manhid.
"Oh. May alaga ka pa lang kasama?" tanong naman ni George kay Kreyos ng makita si Fiera
"Just look, don't touch her." Nakita ko naman ang paglabas ng maliit na dila ni Fiera kaya hindi ko maiwasan ang mapakagat ng labi.
Ang cute niya talaga!
"Fiera, bakit hindi ka matulog sa 'kin," nakangiti kong sabi at inilahad pa ang dalawang kamay ko.
Please, come to me baby. Huhu.
"Ayoko, iipitin mo lang ko," sabi niya.
Napanguso naman ako. Ang sungit talaga niya pero lalo siyang nagiging cute sa paningin ko.
"Tara na! Naghihintay na si Mira sa karwahe oh!" sigaw ni Nana at naglakad na rin papunta sa sasakyan namin.
Hays, ang layo naman kasi ng lugar kung saan naming gagawin ang quest. Kailangan pa naming huminto sa dalawang bayan.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...