Nagising ako dahil nahihirapan akong huminga. Parang may nakadagan saakin kaya imulat ko ang mata ko. Hindi ko mapigilan ang mapamura ng makita ang mga batang 'to na nakisiksik sa kama ko at dahil hindi na kasya at dinaganan na ako ng iba.Konti na lang talaga at ibabalik ko na sila sa pinagmulan nila.
"Hmm." Mabilis akong bumangon kaya nahulog ang ibang bata sa sahig.
Hindi ko na tiningnan kung sino sila at umalis ng kama. Hindi na rin ako nag aksaya na ibalik sila sa kama. May sarili na ngang kwarto, saakin pa nakitulog.
Paglabas ko ay tumungo ako sa kusina para magluto. Naiiyak ako, dati ang kailangan ko lang na gawin ay gumising at boom, may pagkain na paggising ko.
Nakaka-miss din pala ang maging soro.
Nagsaing muna ako bago magluto ng ulam. Habang nilalaga ko pa ang karne ay bumalik ako sa kwarto at nakita kong tulog na tulog pa ang mga bata.
Napabuntonghininga ako at hinawakan sa paa ang mga batang nahulog sa kama at binuhat para ibalik sa kama. Wow, grabe naman matulog ang mga batang 'to.
Pumasok na ako sa banyo para maligo. Nakalimutan ko, may pasok nga pala ngayon. Buti na lang maaga akong nagising dahil sa mga batang 'to.
Isiuot ko ang uniform at napasimangot dahil medyo masikip sa bandang dibdib ng uniform ko. Bakit naman kasi ang laki ng cocomelon ko rito?
"Mama?"
"Oh?" Inayos ko ang buhok ko at tumingin kay Three na gising na.
"Aalis ka po?"
"Papasok ako ng school. Marunong naman siguro kayo maligo, ano?" Marahan siyang tumango.
Binuhat ko naman siya at sabay kaming lumabas ng kwarto. Sakto naman na malambot na ang karne kaya nilagyan ko na ng pampalasa ang sabaw.
Naghain na ako ng kanin para lumamig. Isa isa namang lumabas ang mga bata mula sa kwarto ko.
"Bakit ba kayo natulog sa loob ng kwarto ko?" taas kilay na tanong ko.
"Kasi po takot po ako mag-isa," mabilis na sagot ni Twelve.
"Ako po nagkaroon ng nightmare," sabi ni Ten.
"Ako po—"
"Shh! Tahimik na at kumain na lang kayo. Sa susunod huwag ng matutulog sa kwarto ko ha? Ang dami dami niyo at para tayong sardinas na nagsisiksikan ro'n." Mabilis naman silang tumango at nagsandok ng pagkain.
Kumain na rin ako at pagtapos ay kinuha na ang bag ko para umalis.
"Huwag kayo lalabas. Kung nagkakalat kayo, linisin niyo kundi babalik talaga kayo sa pinanggalingan niyo," sabi ko at sinuot ang sapatos ko.
"Opo, Mama."
"Ingat po."
"Bye po."
Lumabas na ako at isinara ang pinto ng dorm. Naglakad ako papunta sa dorm nila Kreyos at akmang kakatok ng biglang bumukas ang pinto.
"Nuisance."
Sumama ang tingin ko sa kanya. "Alam mo ba kung anong sinasabi mo?"
"Do you think I'm stupid?" Nagngitngit ang ngipin ko sa inis at gustong gustong kaltukan ang ulo niya kaso pinigil ko ang sarili ko.
Baka mamatay siya kapag ginawa niya 'yon edi magalit pa saakin ang mga tao sa kahadian niya.
"Alis, ang pangit pangit mo humaharang ka sa daan." Pwersahan ko siyang itinulak patagilid pero hindi man lang siya gumalaw. "Ano ba?!"
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...