Kuya?!"Bakit nandito at saka, bitiwan mo nga si Fei!" Lumapit saamin si Lana at hinila ako palayo kay Ferdinand.
So that's why. Familiar ang apelyido niya kasi kapatid niya si Lana. Kung titingnan mo nga naman, may pagkakahawig silang dalawa.
"Oh, is she your friend?" tanong ni Sir Ferdinand.
Sumimangot naman si Lana.
"Yes, and please, huwag mo landiin si Fiera," sabi ni Lana.
Ngumisi naman si Sir Ferdinand.
"We're actually having a date since I lost to her, siya na mismo ang nagsabi." Nanlalaki ang mga matang napatingin saakin si Lana kaya agad kong dinipensahan ang sarili ko.
"Hoy! Sabi ko charot charot lang eh!" Natawa naman siya.
"Ugh, Kuya! Huwag mo rito dalhin ang ka-tomboyan mo. Look, Fiera is our precious and beautiful friend," inis na sabi ni Lana.
Napatabingi naman ang ulo ko. Tomboy?
"Huh?! I already told you not to say that!" sigaw ni Sir Ferdinand.
"I'll say it whenever I want!" Mabilis na humarap saakin si Lana at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Hey! Don't you dare!"
"She's not a boy! She's a she! A girl! A person who has petchay! She's a tomboy! She forced me to call her, him and kuya so don't let her fool you." Napakurap ako at sinulyapan si Sir Ferdinand na nailing na lang.
She? Babae? Siya?
Tiningnan ko ang ulo nito hanggang paa. Niloloko ba ako ni Lana?
"Nangjo-joke time ka ba?" taas kilay kong sabi.
Napasinghap siya at mabilis na kinuha ang pitaka niya. Inilabas niya doon ang picture.
"Look! She's just masculine kaya aakalain mong lalaki siya but she's actually a girl! She's Ferina! Not Ferdinand!" Napaubo ako nang makita si Sir Ferdinand na nakasuot ng dress katabi si Lana.
Nakaumbok na rin ang dibdib nito kaya for sure ay may nakalagay sa dibdib niya para paliitin 'yon ngayon.
Oh, he's a trap.
"Ano, are you still going out with him?" Napatingin ulit ako kay Sir Ferdinand na nakangiti ngayon.
Nagkibit-balikat ako. "Bakit hindi?"
"No!" Pinigilan ko ang matawa at tinapik ang balikat ni Lana.
"Magpapahinga na ako. Ma'am, Sir. Mauna na po ako."
Matapos kong magpaalam ay tumungo ako sa clinic maipagamot ang sugat ko at siyempre para may dahilan ako kung bakit ako a-absent sa next subject ko.
Seryoso talagang babae si Sir Ferdinand. Ah! Na trap ako, nakakainis. Bakit kasi ang gwapo niya? Sarap pa pisilin ng muscles.
"Hi," bati ko sa nurse at umupo sa isang higaan.
"Hi," bati niya pabalik.
Nang humarap siya saakin ay nagulat ako nang makita si Nana. Bakit siya nandito?
"Fei? Bakit ka nandito at anong nangyari sa 'yo?" kunot-noo niyang tanong.
"Katatapos lang ng test ko, I passed." Napangiwi naman siya at lumapit saakin.
"Congrats, pero, hindi ba kaya mo namang pagalingin ang sarili mo?" Ngumuso ako at humiga sa kama.
"Pagod ako, ang lakas kaya nang nakalaban ko," sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...