14

6.5K 368 12
                                    

"Ahhh!"

"Ayoko na!" Panay lang ang pag sigaw ko habang iniiwasan ang mga bolang apoy na pumupunta sa 'kin.

Duh! Ang alam ko lang pang counter sa apoy ay tubig at hindi tubig ang kapangyarihan ko!

I really really hate him! Tinotoo niya nga ang sinabi niya sa dorm. Someone will train me and that someone is their strongest mage who didn't need to do chants! How dare he! Magiging impyerno ang isang linggong pananatili ko dito sa palasyo!

"Focus, Fei. Hindi pwede na lagi kang tatakbo," sabi ni Sammuel.

Sammuel is not that old. Mga nasa 40's base sa narinig ko pero ang gwapo niya pa rin tingnan. I'm just telling the truth but I still hate the idea being trained by him! Mamamatay ako!

"Time freeze!" naiiyak na sigaw ko habang patuloy pa rin ang pag-iwas.

"Sa tingin mo ba bibigyan ka ng kalaban ng pahinga?" Humalakhak si Sammuel na ikinakilabot ko.

Parang demonyo. Parehas sila ni Kreyos.

"Ahh!" Napapikit ako sa hapdi ng tumama sa 'kin ang apoy niya.

"You can't protect the Prince if you're like that," nakangising sabi niya habang naglalakad papalapit sa 'kin.

May apoy sa kamay niya at handa ng ibato 'yon sa 'kin. Unang araw ko mukhang pupuruhan ako. Mawawala ang ka cute-an ko!

Napasinghap ako ng tuluyan niya ng ibato sa 'kin ang apoy. Oh no.

"H-heaven's shield!" sigaw ko.

Lumitaw naman ang puting ilaw na bumalot sa buong katawan ko.

"It's no use," nang-aasar niyang sabi at sunod sunod akong pinaulanan ng apoy.

Nagngitngit ang ngipin ko sa inis at pilit na pinipigilan ang pag-atras sa lakas ng impact na tumatama sa shield ko.

"You're too weak for a guardian." Isang malaking apoy ang pinakawalan niya dahilan para masira ang barrier.

Hayop naman oh!

Akala ko ay hindi lalagpas 'yon sa barrier pero laking gulat ko na lang ng dumeretso 'yon sa 'kin. Tumalsik ako kung saan at parang nandilim bigla ang paningin ko.

Papatayin niya ba ako?! I can't feel my body right now! Paniguradong nasunog na rin ang balahibo ko dahil nararamdaman ko ang hapdi sa mismong balat ko.

Pilit akong tumayo at salamat dahil nagawa ko. This mage is too ruthless! Mukhang sini-seryoso niya ang pagti-train sa 'kin pero bakit parang sobra naman?! Hustisya! Ang sakit kaya!

"Balak mo ba akong patayin?!" inis na sigaw ko.

Ngumiti lang siya ng matamis. "Guardian can't easily die so don't worry." Napasinghap naman ako ng muli niya akong batuhin ng apoy kaya mabilis akong umiwas kaso natamaan pa rin ako.

Damn it! Now it's a direct hit! Hindi na ako makagalaw!

"Maging aral sana sa 'yo 'to. You're not taking the training seriously but I do," sabi niya.

Sinasabi ko na nga ba.

Wala na akong magawa kundi ang indain ang pagtama ng apoy sa katawan ko. Damn it! Maiiyak na ako sa sakit.

"Report: You obtain fire immunity. Zodiac spirit, Aquarius, she can heal your wounds, do you accept?"

Wait what?! That was the voice I heard in the cave!

"I repeat, Aquarius, she can heal your wounds, do you accept?"

"Y-yes," sagot ko kahit nagtataka.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon