"Wow. You're a Mom now," kumento ni Nana habang nakatingin sa mga batang na nasa loob ng dorm namin ngayon.Hindi ko alam ang pangalan nila at nai-stress ako dahil ang gulo nila tingnan.
"Hindi mo naman kailangan na panatilihin sila rito, pwede mo naman sila ibalik muna tapos i-summon na lang ulit," sabi ni George.
Napatango naman ako. May punto siya.
"Okay, ibabalik ko muna sila," sabi ko kaya mabilis na napatingin saakin ang mga bata.
"Mama, we don't want po."
"That place is too dark po."
"Mama, don't you love us?"
"Let us stay here, Mama."
Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaninong mga anak ba 'to at naging familiar ko pa? Worst, tinatawag pa akong Mama. Sa ganda kong 'to mukha ba akong Ina?
"Ngayon lang ako nakarinig ng guardian na may familiar," natatawang sabi ni Mira.
"Mama raw oh, huwag mo raw silang iwan." Sinamaan ko ng tingin si Luca.
Konti na lang papasabugin ko ang mga 'to. Lakas mang-asar eh.
"Umupo nga kayo lahat dito," utos ko sa mga bata at itinuro ang sofa.
Mabilis naman silang sumunod. Good, dahil boss niyo ako at hindi Mama. Char, ang sama ko naman.
"Pangalan n'yo?" tanong ko.
"Wala po kaming pangalan, kayo po ang magbibigay saamin," sabi ng batang babae na may asul na mata na may maikli at kulot na kulay asul din na buhok.
"Ayoko, pangalanan n'yo sarili n'yo," taas kilay kong sabi at inilagay ang kamay ko sa magkabilang bewang.
"Pero gusto po namin ikaw."
"Bigyan mo po kami ng pangalan, Mama."
"Oo nga po, Mama."
"Chicken nugget." Gulat akong napatingin sa batang nagsalita ng chicken nugget.
Bakit nasingit 'yan?
"Fine. Kung mapilit kayo." Pinakatitigan ko sila ng maigi at nag-isip ng pwedeng ipangalan sa kanila.
"Meron na po ba kayong naisip?"
"Teka, masyado kang atat." Naningkit ang mata ko at napatang-tango.
Perfect 'to na maging pangalan nila.
"Ikaw si One, ikaw naman si Two, Three, Four, Five, Six, Seven, Eight, Nine, Ten, Eleven, at Twelve." Proud akong ngumiti. "May pangalan na kayo."
"Ay 'te, pinag-isipan mo na 'yan?" tanong ni Isabela.
"Oo, at baka maisip ko rin na tanggalin 'yang dila mo kapag hindi ka tumahimik." Napasimangot naman siya na ikinairap ko naman.
"Ang ganda po ng pangalan namin," nakangiting sabi ni Five.
"Oo nga po," pag sangayon ni Three.
Humarap naman ako kay Kreyos na busy sa libro na binabasa n'ya.
"Kreyos."
"What?"
"Payag ka bang maging Ama ng anak ko?" tanong ko na ikinatigil n'ya sa pagbabasa.
"Uy, Fei, ano 'yan ha!" sigaw ni Jack.
"Payag ka na 'te, malaman 'yang si Fei oh," sabi naman ni Isabela.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...