16

6.8K 377 51
                                    


Habang naglalakad mag-isa ay may nararamdaman akong sumusunod sa 'kin. Bakit nga ba ako mag-isa? Tanghali na kasi at tulog pa sila Kreyos na mukhang napagod sa ginawa nilang kung anong ritwal kahapon. Tumulong din sila kasama ang head master nila kuno para pagtibayin ang barrier na ginagawa nila.

Mukhang naubusan ng mana kaya heto ako ngayon, nagugutom. Pinababayaan ako ng amo ko, nakaka ouch. Pwede ko naman gisingin pero dahil mabait ako hahayaan ko nalang muna sila.

This past few days, I enjoyed being with them. Kahit madalas nila akong inisin. They're my friends, even they don't say that I am their friend, I still consider them as my good companions.

I noticed that I am being open to them na hindi ko naman ginagawa sa past life ko. Ang cringe man pakinggan pero parang nagkakulay ang black and white kong mundo. Lol.

"Fiera!" Napahinto ako at napalingon sa dalawang tao na sumigaw sa pangalan ko.

Elf and a witch? I think I saw them before. Saan nga ba?

"Hello! Can you come with me? I have foods oh," nakangiting sabi ni Witch girl.

Teka, anong meron?

"No. You come with me Fiera, I have more foods than her. Mas malaman!" masiglang sabi nito at bahagya pang umalog ang hinaharap niya.

Suminghap ako. Malaman nga.

"Ako ang unang nakakita sa kanya, Grace!" Nakasimangot na sigaw ng witch.

"Ako kaya!" Depensa naman ng elf na sa tingin ko ay Grace nga ang pangalan.

Tapos ayon, nag-away sila sa harap ko kung sino ba ang kukuha sa 'kin. Hindi ba pwedeng both nalang since may pagkain naman kayo pareho?

Nahagip naman ng paningin ko si president Quinn na naglalakad habang may bitbit na folder.

Si Quinn! Maalagaan niya ako!

"President!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin na nakakunot ang noo.

"Fiera? Did I just heard you talk?" sabi niya pero umiling din kalaunan. "I think I am imagining things."

"I talked!" sabi ko.

Natigilan siya at napatitig sa'kin.

"Salamat pala sa pag aalaga mo sa'kin noon ah? I appreciate that." Tumikhim naman siya at hindi nakalagpas sa'kin ang pamumula ng mukha niya.

See! Sa sobrang cute ko namumula siya dahil sa 'kin.

"Uhm. You want to come to my dorm?" Mabilis akong tumango kaya binuhat niya ako. "Okay then, let's go."

Yes!

Mabilis ang lakad ni President patungo sa dorm niya. Pansin ko na walang masyadong estudyante dahil malamang ay class hour na.

Pero may nakikita akong iilan na dumadaan at napapatingin saamin. Bakit naman hindi? Ang cute na si Fiera ay hawak ng isang hot chick na babae?

Pagdating namin sa dorm niya ay maingat niya akong ibinaba sa sofa.

"Stay here," sabi niya kaya nagtaka ako.

Ano naman kaya ang gagawin niya?

Sinunod ko naman siya at luminga linga lang sa paligid. Minsan ay napapatingin ako sa daan kung saan siya pumunta. Anong nangyari? Ayos lang kaya siya?

"Sorry for waiting." Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harap ko.

May gulay, may karne, may cake, at kung ano ano pang putahe ang nakalapag. Wait, is she serious? Mayroon bang handaan ngayon?

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon