26

4.8K 290 35
                                    


Bakit ang laki naman nito?

Hinawakan ko ang itlog at kinatok. Hindi naman 'to madaling mabasag 'di ba? Totoong itlog ba 'to? Idinikit ko ang tenga ko sa itlog pero wala akong marinig kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Fake siguro.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at napangiti ng may makitang banyo sa loob ng kwarto. Doon na ako umihi. Naghugas ako ng kamay at napatingin sa sarili sa salamin.

"Huh?" Hinawakan ko ang mukha ko.

Tangina, ang ganda. Pinakatitigan ko ang mata ko at napangiti nang makitang kulay asul 'yon. Ang slim din ng mukha ko. Gosh, napakaganda ko naman.

Ngumiti ako sa harap ng salamin at nag-peace sign. Shuta ang ganda ko!

"Ahh!" Nagulat ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw kasabay ng bahagyang pagyanig ng lugar.

Mabilis aking tumakbo palabas ng kwarto.

"Royalties, nandito na ang wyvern," nag-aalalang sabi ng centaurus.

Tumakbo naman ako pabalik sa sa kwarto namin at nakita ang mga kasama ko na nagmamadaling nagbihis ng damit pang proteksyon.

Nakarinig ako ng malakas na pagsabog at sinundan 'yon ng malakas na sigaw ng dragon. Dahil ang tagal nila maglagay ay nauna na akong lumabas.

Mula sa malaking bintana ay nakita ko ang wyvern na panay ang buga ng apoy. Ang laki naman nito! Baka patay na kami bago namin matalo 'yan.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para makalabas na agad ng mansyon.

"You're here." Napatingin ako sa nagsalita at napangiti ng makita ko si Achilles.

Ang gwapo niya kahit bagong gising.

Nandito na rin ang mga lalaki pati ang Royalties sa kaharian na 'to. Ang bagal talaga ng mga babaeng 'yon.

"Let's take it down," seryosong sabi ni Alexandria.

Naghanda na silang lahat na lumusob at ako ay umupo na lang sa gilid. I mean, marami sila tapos malakas naman siguro kaya hindi na nila ako need.

Kaya nila 'yan, mahihirapan nga lang.

Ah!

"Ako na bahala sa mga sibilyan," sabi ko at tumulong sa pagpapalikas ng mga tao.

"Ang anak ko, naiwan sa loob!" Napatingin ako sa tinuturo niyang nasusunog na bahay.

"Ayaw mo ng toasted child?" tanong ko.

Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya mabilis akong napaiwas.

"Joke lang, eh." Tumakbo ako papunta sa bahay na nasusunog.

"Mama! Mama!" Itinapat ko ang kamay ko sa bahay at nagpalabas ng tubig.

Nagmumukha akong bumbero nito.

Nang maapula ang apoy ay nakita ko ang bata na umiiyak. Obvious na sobrang basa ng damit niya at may kaunting lapnos ang katawan niya.

"Halika ka." Binuhat ko siya at itinakbo kung saan naroon ang ang safe zone.

"Ang sakit, ang sakit po!" umiiyak na sigaw niya.

"Gusto mo dagdagan natin?" Mabilis siyang umiling. "Oh edi manahimik ka at sumasakit ang tenga ko sa lakas ng boses mo."

Nang makapunta kami sa safe zone ay agad siyang niyakap ng Mama niya. Pinagaling ko naman ang sugat niya.

"Huwag kang umiyak lang kapag nangyari 'yon, big boy ka na. Kailangan mong maging matapang." Ginulo ko ang buhok niya at napatingin sa Wyvern.

Mukhang nanghihina na ito dahil hindi na pantay ang pagpagaspas ng pakpak niya.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon