Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Buti na lang talaga at may kakayahan akong pagalingin ako sarili ko. Kung ipagkukumpara ang lakas namin ay walang wala ako kaya nakakatakot kapag nakalaban namin siya. Baka nga kahit isama ko pa ang mga Royalties ay wala kaming palag."Fei, kanina pa malalim ang iniisip mo. May nangyari ba?"
Lutang akong tumingin kay Lana. Bakit ba kapag may iniisip ako, siya lagi ang unang nakakapansin?
"Wala, wala naman," sagot ko at tumingin sa suot niyang damit. "Ang ganda."
Hapon na at naghahanda na kami para sa party mamaya. Nakasuot na sila nang gown at ako ay tinatamad pang magbihis dahil katatapos ko lang suklayan ang buntot ko.
"Bagay ba?" nakangiti niyang tanong at umikot.
Tumango ako. Bagay naman talaga sa kanya. Hapid na hapin ang dress sa kanya kaya nakikita ang kurba niya. Kung nasa mundo lang siya ng mga tao ay pagaagawan na siya ng mga modeling agencies.
"Lalabas na ako, magbihis ka narin." Tumingin ako sa pulang dress na nakalapag sa higaan.
Nang makalabas si Lana ay tsaka ko na napagpasyahang magbihis. Sumakto naman saakin ang dress kaya sinunod ko nang suotin ang sandal na may two inches na taas.
Humarap ako sa salamin at ngumisi. Shuta, ang sexy ko naman sa damit na 'to. Nag-pose pa ako at nagpa-cute sa salamin. Ang ganda ganda ko tapos mabubugbog lang dahil sa lalaking 'yon. Hmp, mukhang kailangan ko pa magpalakas para matalo siya.
Inayos ko ang buhok ko at lumabas na sa loob ng kwarto. Nakasalubong ko ang mga babae na nakatitig lang saakin. Muli akong napangisi.
"Ang ganda ko, 'no?" Ngumuso naman si Isabela.
"Unfair! Favorite ka ba ni God?"
"Hindi, favorite ako ni Goddess," sabi ko at nag-flip hair.
"Mama, take care po, ah." Humarap ako sa mga bata.
Gusto ko man na isama sila, hindi pwede kaya dito muna sila sa loob. Nakapagluto na rin naman ako ng makakain nila kaya wala nang problema.
"Oo, mag-iingat ako." Ginulo ko ang buhok ni Four at tumayo nang maayos.
"Tara na." Lumabas na kami nang dorm at naglakad patungo sa exit ng academy.
Nandoon nakaabang ang mga lalaki.
"Oh, they're here—oh shit. Ang gaganda," sabi ni George.
Lumapit naman sa 'kin si Kreyos at pinisil ang pisngi ko
"You're beautiful as always," bulong niya.
Nag-init ang pisngi ko at kumabog ang dibdib ko. Kailangan ko siguro lumayo kay Kreyos dahil kinakabahan amo palagi kapag lumalapit siya.
"Ang pangit mo, as always," balik kong sabi sa kanya.
Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.
"Love birds! Ano ba, sakit niyo sa mata!" sigaw ni Isabela na nasa karwahe na.
"Let's go," usal ni Kreyos at hinila ako papasok sa isang karwahe.
Habang bumibyahe ay nakadikit lang saakin si Kreyos at pinaglalaruan ang kamay ko. Sa harap naman namin ay ang nakangiting mukha ni Lana at nakasimangot na mukha ni Nana.
"Sa harap pa talaga namin naglalandian," usal ni Nana.
Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Kreyos pero hinigpitan niya lang 'yon. Kalma, Fiera. Baka si Kreyos naman ang susunod mong masipa palabas ng karwahe.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...