Pagbalik namin sa base ay nakita wala pa sila Viana kaya naman ay naghanda na kami nang pagkain. Hindi masyadong gumalaw si Isabela at nakahiga lang sa nilatag niyang sapin sa sahig dahil nanghihina raw siya. Ganyan din ang nangyayari saakin noong mababa pa ang mana ko.
Natapos na akong magluto ay hindi pa rin bumabalik sila Viana. Nakatulog na rin si Isabela habang yakap yakap ang gem niya kaya naman ay sumilip muna ako sa labas para tingnan kung nasaan sila.
Sakto naman na nakita kong naglalakad sila papalapit dito. Balak ko na sanang hanapin, eh.
"Your higness!" sigaw ni Viana at kumaway pa saakin.
Napatingin ako kay Gine na may dalang basket nang prutas. Nag-gem hunting ba sila o nag-harvest nang mga prutas?
"Bakit ang tagal niyo?" tanong ko.
"I'm sorry, your highness, a huge bear attacked us when we're finding a gem. We didn't find one but we found fruits," sabi niya.
Napatango naman ako at kinuha ang mga prutas kay Gine. Ang wierd naman nang mga prutas dito, nakakain ba talaga 'to?
Pumasok na kami sa kweba at ginising si Isabela para kumain. Mabilis lang ang ginawa namin at si Viana ang unang kumuha sa mga prutas. Binalatan niya ang kulay pula na bilog at may lamang kulay green sa loob. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiwi.
"Hindi ba lason 'yan?" tanong ko.
Tumawa si Viana. "Of course, not! Here, this is ginga, taste it."
Kinuha ko ang piraso nang prutas. Inamoy ko 'yon at napakurap nang maamiy ko ang pamilyar na amoy. Kinagatan ko siya at agad na nanubig ang bagang ko nang malasahan ang lasa ng mangga.
"Asin." Inuabot saakin ni Gine ang asin kaya naman ay sumawsaw ako rito.
"Ano lasa?" tanong ni Isabela.
Ngumisi ako sa kanya. "Lasang mangga."
Nanlaki ang mata niya at agad na kumuha.
"Mangga nga!"
Napatawa na lang ako at inubos ang kinakain. Ngayon ko lang naalala may maliit pala ang pangil kaya kapag kumakagat ako ay nagkakaroon ng dalawang butas.
Hahay, ang sarap kumain nang mangga kapag wala kang sira sa ngipin.
"Is that a gem? You found one?!" Tumango naman si Isabela at proud na inangan ang gem niya.
"Ako ang nakakita at kumuha," aniya na para bang muntik niya nang mawala ang gem.
Napailing na lang ako at mabilis na naalerto nang makarinig ako nang kaluskos. Napatingin ako sa lagusan at hinawakan ang arnis ko.
"Fei? Bakit?" Hindi ako sumagot at hinintay na may pumasok sa loob.
Nang makita ko ang paa nito ay agad akong sumugod. Ihahampas ko na sana sa kanya ang arnis nang makitang si Ricky 'yon. Ang dungis niya at wala na rin ang magic bag sa kanya.
Anong nanyari rito? Ilang oras lang siyang nahiwalay, ah?
"Bakit ka nandito?" taas kilay kong tanong.
Nahihiya siyang tumingin saakin.
"I-I heard your voice so I followed it. I g-got rob," nahihiya niyang sabi.
Humagalpak naman nang tawa si Isabela.
"Deserve! Ang yabang mo kasi," sigaw niya.
"Shut up!"
"Oh? Bakit ka pumunta rito?" Namula ang pisngi ni Ricky at iniabot saakin ang patch niya.
"I'm sorry, I promise I will cooperate." Napangisi naman ako.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...