"S-sino kayo?!" Agad akong nagising ng makarinig ako ng sigaw ng isang bata."I am the one who should ask you that," sabi ni Kreyos na mukhang nagising din sa sigaw niya.
Naniningkit kong tiningnan ang batang lalaki na nakatayo sa harap namin. Gula-gulanit ang madumi niyang damit at may payat na pangangatawan. May hawak siyang espadang kahoy na ngayon ay nakatutok saamin.
At higit sa lahat, isa siyang demi-human!
Anong ginagawa ng isang batang demi-human dito?
"You should not be here, kid," muling usal ni Kreyos.
Napatingin ako sa tent kung saan unti-unti ng naglalabasan ang mga kasamahan namin.
"What's happening?" inaantok na tanong ni Nana.
"Um-umalis na kayo dito. Mapapahamak lang kayo, may malaking dragon na nakabantay dito," nanginginig na sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Kreyos.
"Ah 'yon? Patay na 'yon," simpleng sabi ko kaya nakatanggap ako ng kaltok galing kay Kreyos.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang epal.
"An-ano?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nabitiwan niya ang hawak niyang kahoy at napahikbi. "Ligtas na ako."
"Paano ka ba napunta dito?" tanong ni Lana at nilapitan ang bata.
Inalalayan nila ang bata na makaupo sa bato.
"Isa akong alipin na nakatakas lang sa abuso kong amo. Hi-hindi ko alam kung paano ako napunta dito, basta ang alam ko lang ay nahulog ako sa tubig, " pagliwanag niya.
Ahh. Masyado naman pahamak ang boobs ni statue.
"Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito pero hindi ko inaasahan na may mapupunta rin dito," dagdag niya pa at pinunasan ang luha.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana ako lumayo kina Ina."
"Alam mo ba ang labasan dito?" tanong ni Luca. Nakatanggap naman siya ng batok mula kay George.
"Kung alam niya edi sana wala na siya dito." Ngumiwi lang si Luca at hindi na nagsalita pa.
"We need to get out of here immediately," sabi ni Kreyos kaya agad silang nagligpit ng mga gamit.
Napatingin naman ako sa bata na ngayon at parang malalim ang iniisip.
"Huwag kang mag-alala, ibabalik ka namin sainyo." Tumingin ito sa 'kin at ngumiti.
"Salamat po," sagot niya at hindi ko alam kung nagmamalik mata ako o hindi.
Naging pula kasi ang mata niya.
"Let's go! Ang bagal niyo naman kumilos!" sigaw ni Mira kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Ugh, gusto ko ng umuwi," reklamo naman ni Lana.
Napangiwi na lang ako at hinayaan na lang silang magreklamo. Sila ang may gusto nitong quest tapos nagre-reklamo ang mga gaga.
"We still need to find out how can we remove the crystal to Fei before we go back." Sinulyapan ako ni Kreyos matapos niyang sabihin 'yon kaya napairap ako.
"Crystal?" takang tanong ng bata saamin.
"Oo. The vampire's divine crystal, nilunok ni Fei." Pigilan iyo ako, sasakmalin ko 'tong lalaking 'to.
"Sa tingin ko makakatulong ako," sabi niya kaya napahinto kaming lahat sa paglalakad.
Nakita ko pa ang pagaalinlangan sa mata niya bago bumuntong hininga at nagsalita.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...