Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang final exam na tinatawag. Akala ko ay isa isa ang mangyayari pero sabi ni Ma'am Kluveya ay sabay sabay raw. Kumbaga may gagawin kaming task na aabot daw nang ilang araw kasi sa kagubatan namin gagawin at siyempre hindi naman pweden maging madali since graduating na kaming lahat.Oh 'di ba? Ilang buwan lang ako nag-aral, graduating na kaagad ako. Ngayong araw na magsisimula ang exam kaya naman naghahanda na kami ng dadalhin namin.
Unfortunately, hindi kami magka-grupo nang mga Royalties kasi nga Royalties sila. Means, posibleng makalaban namin sila. Lima lang sa isang grupo kaya malamang ay may matatanggal sa kanilang pito.
Ako naman ay naging ka-grupo ko si Ricky, Isabela, Viana, at si Gine. Classmate rin namin siya na obviously hindi ko masyadong pinapansin kasi wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko.
Si Gine ay morena, may katangkaran at tahimik. Pero masasabi kong may silbi siya sa laban dahil kaya niyang manipulahin ang nga puno at halaman. Mas maganda 'yon dahil nasa kagubatan kami.
Si Viana, ang kapangyarihan niya ay charmer. It means, kapag natamaan ka nang kapangyarihan niya ay susundin mo ang lahat nang gusto niya at hindi 'yon mawawala hangga't hindi mo natatapos ang pinapagawa niya.
Si Ricky, matalas ang pandinig niya. Medyo useless sa labanan pero magagamit din para maging aware kami sa nangyayari sa paligid.
"I hate being in this grup!" sigaw ni Ricky na kanina pa nangma-maktol.
Napairap ako at kinuha ang bag ko. Ilang minuto na lang bago kami i-teleport sa kagubatan. Siyempre, mahihiwalay kami sa ibang grupo.
"Edi huwag kang sumama, wala namang may kailangan sa 'yo rito," sabi ko at nauna nang lumabas.
Sumunod naman sila saakin.
Marami nang estudyante sa paligid at hinihintay na lang ang Headmaster na magsalita. Sinubukan kong hanapin ang mga Royalties pero hindi ko makita sa dami nang estudyante.
"Ricky," tawag ko sa pangalan niya at humarap sa kanya. "Kapag hindi ka nakipag-cooperate ngayon, umasa kang wala kang makukuhang diploma."
Suminghal lang siya at umiwas nang tingin.
"Good day, students. Today will be your final exam." Tumingin na ako sa harap nang marinig ang boses ni Headmaster.
"To pass, you need to find a gem. It has different color but it has same shape." Itinaas niya ang kulang pulang gem
"More gem, the higher the points you'll get. You only have one week. Good luck, students. I hope you will enjoy this exam."
Nagkaron nang magic circle sa ibaba namin kaya nagdikit kaming lima. Sa isang iglap ay napunta kami sa gitna nang kagubatan.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Isabela.
"Ricky, may naririnig ka bang malapit na tao saatin?" tanong ko kay Ricky.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa ibang direksyon kaya napabuntonghininga ako at kinuha ang patch niya. Bawal kasi estudyante ay mayroon patch na ibibigay sa leader at oo, ako ang leader.
"Take this, find one on your own," sabi ko at ibinati sa kanya ang patch.
Mabilis naman niyang sinalo 'yon. "I can find one!"
Ngumusi ako. "Good luck."
Iniwan namin si Ricky doon at naghanap nang liblib na lugar kung saan pwede namin maging base. Sa huli, ay nakakita kami nang kweba. Hindi malaki o maliit, sakto lang para saamin.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...