"Fiera," mahinang tawag niya at maliit na ngumiti. "Ang sama ng pakiramdam ko, 'te."Suminghot ako para pigilan ang pagiyak ko.
"Aalis tayo rito." Binuhat ko siya at pumunta kung nasaan sila Mira.
"Fei, ayoko pang mamatay," umiiyak na sabi niya.
Pagak naman akong natawa.
"Paano ka mamamatay, bruha ka. Masamang da-damo ka, 'di ba?" Bahagya naman siyang natawa.
Nang makarating kami doon ay inumpisahan ko nang pagilingin si Isabela.
"Sandali lang 'to," sabi ko.
Napalunok ako dahil hindi gumagana ang kapangyarihan ko.
"Bakit hindi gumagana?!" inis na sigaw ko.
Muling nagsituluan ang luha ko at inis na sinuntok ang kamay ko sa lupa.
"Fei!" sigaw ni Mira.
Tumigil ako at sinubukan ulit pero ayaw talagang gumana. Mabilis kong niyakap si Isabela at pumikit.
"Huwag mo akong iwan, please. Huwag pati ikaw," umiiyak kong sabi.
"Ha-ha, mahal mo na a-ako n'yan?" Mahina siyang natawa.
"A-ako si Nina, 'di ba gusto mo akong maging kaibigan? Huwag mo akong iwan at magiging magkaibigan tayo."
"Fr-Friends na nga tayo, eh." Umubo siya dugo kaya mas lalo akong napaiyak.
"Isabela, please. Hahanap ako ng paraan para gumaling ka." Mabilis akong tumayo pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napaupo ulit ako.
"Okay na ako," nanghihina siyang ngumiti. "Masaya akong naging kaibigan ko kayo." Pinunasan niya ang luha ko. "Nina."
Bumagsak ang talukap ng mata niya at nawalan na rin ng lakas ang kamay niya.
"Isabela, hindi nakakatuwa!" sigaw ko at marahas siyang inalog.
Natulala ako at mariing ikinuyom ang kamao ko.
Kinuha ko ang dalawang espada at mabibigat ang mga paa na lumapit sa babae. Pinatay niya ang mga kaibigan ko!
"Ahh!" Mabilis akong sumugod at may galit ang bawat paghampas ko ng espada.
"The Guardian is already mad, didn't you like my gift?" nakangising tanong niya.
Nagngitngit ang ngipin ko sa galit at mabilis siyang sinipa. Tumalsik naman siya at hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon para tumayo. Ipapatama ko na sana sa kanya ang espada ng mabilis siyang nakailag.
Pinunasan niya ang dugo sa bunganga niya at ngumisi.
"Finally, some worthy opponent."
Muli akong sumugod sa kanya at panay lang ang tawa niya na mas ikinagalit ko. Kasabay kong umatake si Kreyos pero hindi pa rin namin siya mapuruhan.
"Ack!—" Mabilis ang kilos ko para hawain ang kamay niya na sakal sakal si Kreyoz pero itinapat niya ang palad niya sa 'kin at nagpalabas ng kapangyarihan.
Bumagsak ako sa lupa pero agad din akong tumayo.
"Bitiwan mo siya!"
"Aw, is he your lover?" Ngumisi siya. "I think your love story will have a tragic ending."
"Ahh!"
Agad akong nanghina at natulala ng sa mismong harap ko pinatay si Kreyos. Binutas niya ang dibdib nito at tinapon na lang kung saan.
"What will you do now, Guardian?"
Nakita ko ang pagputol ng linya saaming dalawa ni Kreyos. Na blanko ang isip ko at naglakad palapit sa katawan niya. Lumuhod ako sa harap nito at wala sa sariling tumingin sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...