37

4.1K 274 16
                                    


Pagbalik namin sa academy ay parang linta kung makadikit saakin si Kreyos. Medyo naiilang at naiirita ako sa pagdikit dikit niya saakin kasi hindi ako sanay sa ikinikilos niya ngayon.

"Hoy, anong nangyari sa inyo kanina?" tanong ni Isabela nang makalapit saakin. "Nakuha ba niya ang gems? Sabihin mong hindi, Fiera! Tatanggalan talaga kita ng balahibo sa buntot!"

Itinulak ko ang mukha ni Kreyos at tinanggal ang kamay niya sa bewang ko pero binabalik niya pa rin 'yon.

"Nakuha ko," sabi ko at sinamaan ng tingin ang lalaking 'to. "Humiwalay ka nga sa 'kin!"

"Bakit may ganyan?!" sigaw ni Lana ng makita kami.

"Ano 'yon, nagkaroon lang ng exam, meron na kaagad na ganyan?" nakangising tamong ni George.

Sinamaan ko sila nang tingin.

"Gusto raw ako ni Kreyos, I mean, hindi na nakakagulat kasi maganda ako," taas kilay kong sabi. "Pero lintek naman kasi parang linta kung makadikit! Mukha ba akong mawawala?!"

"Your highness! Ah! I'm hurt!" sigaw ni Viana at naiiyak na tumakbo paalis.

Napaawang ang labi ko dahil ro'n.

"Whoa, gusto ka talaga ni President? Ibang klase ng karisma, ah," usal ni Nana.

"Fiera, Kreyos and Jack's group. Please come here infront."

Ayon, papangaralan na kami. Matapos kaming parangalan, mag-speech at mag bigay nang mga medal sa mga estudyante ay pinaalis na kaagad ang mga kami para makapagpahinga dahil bukas raw nang gabi ay pupunta kami sa Palasyo nila Kreyos para mag-celebrate.

"Congratulations saatin! Graduate na tayo!" tili ni Lana.

Graduate?

"Ha? Tapos na? I mean, gano'n na ang graduation niyo?" taka kong tanong.

"Oo, may iba pa bang gagawin?" Napakamot ako nang pisngi.

Gano'n? Walang maglalakad sa gitna habang naka toga? Well, wala naman pala ako sa mundo namin kaya dapat hindi na ako magtaka pa. Napalingon ako sa tabi ko at nakahinga ng maluwag dahil wala na si Kreyos.

"First place tayo! Tingnan mo 'tong mga sampung ginto!" sigaw ni Isabela.

Napailing na lang ako. Siyempre paghahatian namin 'yan. Kinuha ko ang pera kay Isabela at pinapila ang mga kagrupo ko. Buti na lang at hindi pa sila umaalis.

Unang pumila si Isabela na malaki ang ngiti. Napairap naman ako at ibinigay ang dalawang ginto sa kamay niya.

"Thank you, bebe," nakangiting sabi niya at umalis.

Sumunod naman si Viana. "Ah! It's such an honor, your highness! I'll serve you forever!"

At si Gine. "Salamat," mahina niyang sabi ng matanggap ang ginto pero nagtaka ako dahil hindi pa siya umaalis.

"May kailangan ka pa?" tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin.

"You're a great leader, Fiera. It's nice to meet you," sabi niya tsaka umalis.

Napakurap naman ako at napangiti. Siyempre ang huli, si Ricky. Kumamot ito nang ulo niya at nakaiwas ang tingin saakin habang nakalahad ang kamay niya.

Ibinigay ko naman ang parte niya.

"Th-thank you and I'm sorry for being mean to you. Yo-you're actually strong and beautiful," nahihiya niyang sabi.

Napangisi naman ako. "Crush mo na ako n'yan?"

Namula naman ang mukha niya ay sinamaan ako ng tingin.

"As if!" sigaw niya at mabilis na umalis.

Napatawa naman ako.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon