Fiera
Holy shit! As in holy shit! This is the first time I'll go to another place. Kasi nga 'di ba nasa loob na ako ng campus nila ng mga ilang araw at parang walang balak lumabas ng mga 'to sa school, but, we're here! Doing some quest! I'm excited huhu.
Ngayon ay nakahiga ako sa lap ni Lana kasi alangan naman kay Kreyos 'no?! Nakikita ko palang ang bukol niya kinikilabutan na ako, paano pa kaya kung madikitan ko?
Oh yesh plish.
Nina, parang tanga. Ang harot mo.
Napairap na lang ako sa naisip ko. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Hindi pa naman ako baliw, malapit na. Ang tamihik kasi nila, wala ba silang pag uusapan? Ang boring din, hindi din naman ako inaantok.
Nagising kasi ang buong diwa ko ng magkaroon kami ng kalaban kanina. Nakakatakot, nakakadiri ang hitsura ng halimaw, mas nakakadiri pa sa una naming nakalaban pero mas nakakadiri padin si Kreyos.
Hindi ko alam kung ilang oras kami maglalakbay gamit ang karwahe na 'to, tapos hetong si Kreyos ay patulog tulog lang. Wala ba silang snack? 'Yung pwedeng ngatngatin para sa biyahe? Gutom na ako oh.
Iniangat ko ang tingin ko para tingnan si Lana na natutulog din kaya napasimangot ako. Hindi naman din kasi ako makagalaw kasi nanghihina ang katawan ko. Hindi ako inaantok o ano pero pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas.
Alam mo 'yung pakiramdam ng tumakbo ka ng pagkalayo layo layo layo at pagkabilis bilis bilis bilis? Ayon, basta ganon.
Hindi ko alam kung ilang oras kami bumiyahe pero nakarating kami sa isang bayan. Napasilip ako at napaawang ang labi ng may makita akong kakaibang mga nilalang.
Para silang tao! Pero may buntot, sungay, tenga ng hayop, at kung ano ano pa! Shems! 'Yung iba may balahibo pa at mukha silang malambot at masarap hawakan. Mukha rin silang friendly.
"Demi-humans," napatingin ako kay Kreyos na nakatingin pala sa 'kin. "Demi-humans ang tawag sa kanila. Most of them are animals and they're weak but this place is made fo them," dagdag niya kaya napatango ako.
"Madalas silang bibu-bully ng mga tao o ng mas malakas sa kanila, they saw them as a slave but they're really strong if they're trained and study hard for their power." Napatitig naman ako sa kanila.
Mabuti na lang at may sarili silang lugar kung saan ay masaya sila, walang nang-aaway sa kanila, walang deskriminasyon. Siguro kahit na anong payapa ang mga kaharian ay mayroon pa rin itong sari-sariling digmaan sa nasasakupan o sa mga tao nila.
"We're here." Bumaba kami sa isang malaking bahay at nakangiti kaming sinalubong ng mga Demi-humans.
Shems. Ang cute.
"Welcome to eres inn!" Namangha naman ako sa ganda ng tutuluyan namin ng makapasok kami.
Kahit puro kahoy ang nakikita mo sa paligid nagmumukha pa rin elegante. Hindi ko rin mapigilan ang mapatingin sa iba. Ugh, I wish I'm in a form of human right now, ang sarap himasin ang mga balahibo nila. I-pet sila ganon.
"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako," reklamo ni Jack at hinimas himas pa ang tiyan niya.
Sumagayon naman ang iba. Siyempre pati ako, malayo rin kasi ang nilakbay namin.
"After we put our things in our room," walang emosyong sabi ni Kreyos.
"Do I have room?" tanong ko at tiningala siya.
"No. You're sharing with me." Napasimangot naman ako at dahil hindi niya ako buhat ay huminto ako sa paglalakad at lumapit kay Mira.
Kung makikihati lang din ako, bakit pa sa kwarto niya? Duh!
BINABASA MO ANG
That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓
FantasyMatapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabuhay sa ibang mundo, hindi bilang isang tao kundi isang Guardian. Isang soro na may siyam na buntot o kitsune kung tawagin sa bansang Japan. ...