Chapter 4

103 3 1
                                    

Leola's pov

Break time na at hindi namin naisip magpunta sa cafeteria ni Lux, tumambay kami dto sa grounds at si Selina naman nag kwekwento saakin ng panaginip niya.

"Tapos binato na ako ni mama ng unan – nakikinig ka ba?!" Sigaw ni Lux.

Amp! Di naman kailangan sumigaw buiset na babae toh

"Hindi mo naman kailangan sumigaw sa tainga ko! Oo nakikinig ako! Pero mas tumatak sakin yung binato ka ni tita ng unan hehe" asar ko, sinungitan niya naman ako.

"Mukha kasing hindi ka naman nakikinig! Kung kani-kanino ka nakatingin, ano hahanap ka nanaman ba ng bago?"

"Baliw! Nakikinig ako sayo!" inis kong sabi

"Kanino ka ba kasi nakatingin?!" Habang sinasabi niya un napatingin siya sa direction kung saan din ako nakatingin.

"Nakita mo na? Nakita mo ng mag kasama si Chester saka si Amanda? Sa harap ko pa talaga" Malungkot na sabi ko

"Leola akala ko ba mag momove on ka na? Kasama sa pag momove on ang pagkalimot sakanya. Kung gusto mo talagang sumaya at makalimutan na siya, simulan mo sa pag iwas sakanya, kung nakikita mo man siya ilayo mo na yang tingin mo. Isipin mong masaya na siya kaya dapat maging masaya ka na rin." mahabang eksplenasyon nya.

Sana nga ganun kadali Selina, sana talaga.

Habang nasa klase, lagi akong napapatulala. Ganito pala pag broken hearted? Parang gusto ko nalang maging single habang buhay para hindi ako masaktan ng ganito.

"Ms. Guerrero! Ano ba kanina pa kita tinatawag! Lutang ka nanaman!" Sigaw saakin ni ms. Garcia

Tinignan ko lang eto at nag tataka, hindi ko naman siya naririnig na tinatawag ako ah?

"Uy Leo tinatanong ka ni ma'am ano raw yung force sa sarili mong definition" bulong sa akin ni Eleanor.

"Ma'am force is a push or pull of an object, without force objects won't move" paliwanag ko at may halong kaba ang aking boses.

Terror pa naman toh si Ms. Garcia, para ka niyang papatayin sa isip nya, pero kasundo ko naman siya. Sadyang di lang ata ako okay ngayon.

"Very good, sa susunod pay attention to my class Ms. Guerrero, understood?" Sabi niya saakin habang masama ang tingin.

Tumango nalang ako at nag pasalamat kay Eleanor. Buti attentive siya at halos seatmates lang kami, ang layo kasi ni Selina eh! Lagi kasi kaming pinaghihiwalay ng teachers namin dahil pareho kaming maingay.

"Okay class, we'll have a group activity. Start counting from 1-5 and go to your perspective group number. You have 30 minutes to finish this activity" paliwanag ni Ms. Garcia pagkatapos ng lecture.

Pagkatapos nang bilangan lumapit saakin si Selina, si Kaitlyn, si Eleanor, si Kalila at si Callie. Kapag nalulutang ako lalapit talaga yang mga yan saakin, nakasanayan na ugali nilang lima.

"Leo, sa tingin ko dapat na kitang tulungan. Yung hindi na puro advice" sabi ni Selina na siyang pinagtaka ko

"Tulong? Anong tulong?"

"Iuuntog kita sa pader ganun, o di kaya ihuhulog kita sa 2nd floor pababa sa grounds" sabat nya pa

"Anong- woy! Ako tigilan mo ah! Para saan naman yon?!"

"Lutang ka kaya sa class ni Ms. Garcia, pati nga group number mo di mo alam hangga't di sinasabi sayo ni Eleanor!" Sabat naman ni Kalila

"Alam naman namin kung bakit eh, dahil nanaman yan kay Amanda tama ba?" Dagdag ni Kaitlyn

Tumingin ako sakanilang lima, sa maikling panahon simula nung naging mag kakaibigan kami kilala na nila agad ako?

"Oo nga Leo, tama sila Kaitlyn at Lux. Hindi ka naman ganyan noon eh, simula nung naghiwalay kayo andaming nagbago sayo." Dagdag ni Eleanor

Siguro nga tama sila, dahil kay Amanda. Alam kong mali na nagiging ganito ako pero bakit hindi ko mapigilan? Ganun ba talaga kasakit para saakin?

Hindi ko sila sinagot at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa.

"Leo makinig ka, dahil kay Amanda lagi ka ng tulala sa klase. Leola maawa ka sa sarili mo, hindi yan yung Leola na nakilala namin. Oh siya, pupunta muna ako sa grupo ko para sa group activity, ayusin mo sarili mo" pagkatapos ni Selina sabihin yun ay lumipat na siya ng pwesto para sa group activity namin.

"Kami rin Leo, kaya mo yan. Pag-isipan mo ng maayos yang kilos mo, maraming naninibago sayo" saad ni Kalila

Nang matapos ang klase lumabas kami ni Selina at pareho kaming tahimik, siguro dahil sa pinagusapan kanina. Nagulat kami ni Selina ng biglang may tumulak saamin kaya napalingon kami.

"Luxie! Sabay ako sainyo" sabi ni Kaitlyn saamin, tinignan ko naman si Selina.

"Bakit? Nasaan sila Eleanor?" Tanong ko

"Yun nga eh! Nawala bigla yung tatlong iyon kaya hinanap ko agad kayo, sainyo nalang ako sasabay" sabi niya at ngumiti nang malaki, nagkatinginan naman kami ni Selina saka kami tumango.

"Lakad tayo?" Tanong ni Selina, nagulat naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya.

"Hoy alam mo ba kung gaano pa kalayo ang bahay natin mula sa university na toh tapos maglalakad tayo?" Iritang tanong ko

"Payag ako!" Sigaw ni Kaitlyn

"It's 2 to 1 Leo, panalo ang team lakad. Isa pa wag ka ngang choosy, mag exercise tayo" sabi ni Selina saakin. Nagbuntong hininga naman ako saka sumunod sakanila.

Makulimlim na at ang layo pa namin sa bahay nila Kaitlyn, mauuna kasi naming hintuan ang street nila kaya siya ang mauunang umuwi.

Kumakain si Kaitlyn ng fishball pauwi nang biglang umambon. Pinasilong pa muna niya yung fishball niya imbes na makauwi na kami pare pareho.

"Woy wait lang mababasa ung fishball ko, tigil muna tayo rito sa puno" sabi ni Kaitlyn

"Paano nalang kapag lumakas na ang ulan? Wala akong dalang payong" Sabi ko sakanilang dalawa

"Kaitlyn malayo layo yung bahay namin ni Leola sainyo. Mababasa kami kapag nagpatagal pa tayo" saad ni Selina

"Wait lang malapit na ito maubos" sabi ni Kaitlyn at nag wait sign pa

"Argh bakit pa kasi naglakad pa tayo" sabi ko sakanila at nakisilong sa isang puno

"Hindi naman namin alam na aambon noh" sabi ni Selina saakin. Lumakas na ang ulan kaya tinignan ko silang dalawa.

"Oh diba? Minsan kasi makinig kayo saakin" pagtataray ko kila Selina, natawa naman sila.

"Hintayin nalang natin tumila" sabi ni Kaitlyn. Pinanood lang namin ang ulan habang nagkwekwentuhan sa mga bagay bagay, basa na nga ako halos.

Hindi rin naman nagtagal ang ulan kaya naglakad na ulit kami pauwi. Etong dalawang babaeng toh sa harapan ko nagkukulitan pa, pag nasagasaan tong dalawang toh sila rin ang masisisi eh.

"Single pa po ako" sabi ko sakanila

"Issue mo Leo" sabi ni Kaitlyn

"Whatever" sabi ko sakanila at nagpatuloy sa paglakad

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon