Callie's pov
Pumasok ako ng maaga ngayon dahil mag uusap daw kami ni Kaitlyn, ano nanaman chika netong bruha na toh. Nagpunta ako sa cafeteria at nakita ko siyang kumakaway
"Callie!" Sigaw niya, agad naman ako umupo sa tabi niya at inalok niya ako ng juice.
"Anong bagong chika?" Saad ko
"Walang chika, pero may tatanong sana ako"
"Ano naman yun?"
"Gusto mo ba si Luxie?" Nabuga ko yung juice dahil sa sinabi niya, hays si Leola nga! Si Leola nga yung gusto ko! Assuming talaga tong mga ito.
"Hindi ah! Bakit mo naman naisip yan?" Tanong ko
"Lagi kayo magkasama eh, sabi din ni Leo unti nalang daw pagkakamalan niya na magkagustuhan kayo"
"Hoy hindi, kaibigan lang talaga turing ko sakaniya noh" sagot ko
"Eh si Leo gusto mo ba?" Tanong niya, natigilan ako sa sinabi niya saka hinarap siya
"Si Leo?" Tanong ko
"Oo, feeling ko kasi gusto mo siya. Tuwing magkakasama tayo ilang na ilang ka sakaniya, nung nagpunta din tayo sakanila sinadya kong lumipat ng pwesto para pagmasdan ka. Eh nakatulog ako hehe" sagot niya, bumuntong hininga ako at tinignan siya mata sa mata.
"Wag ka maingay ah, oo gusto ko siya. Nung nakaraan ko lang din na confirm" pag amin ko
"Yieeeeeee, sabi na eh!" sigaw niya, hinampas ko naman siya kaya napatakip siya sa bibig niya
"Hoy secret lang natin toh ah, pag sinabi mo F.O na tayo 10 years" pagbibiro ko
"Oo eto naman, wala ka bang tiwala saakin?" Sagot niya, nakita ko naman si Selina na pumasok ng cafeteria at tumabi samin
"Aga niyo ah" bati niya, tumabi naman sakaniya si Kaitlyn
"Wala pa si Leo?" Tanong ni Selina, tumingin naman saakin si Kaitlyn ng nakangiti
"Aba malay ko" sagot ko. Nagring na ang bell at hanggang ngayon wala pa rin si Leola, nasaan na kaya siya..
Umupo kami sa pwesto namin nng dumating si Mrs. Diaz. Tumingin siya sa aming lahat at napansing bakante ang upuan sa likod ni Selina
"Absent si .s. Guerrero?" Tanong niya, um-oo naman ang mga kaklase ko.
"Okay so dahil absent siya, transferee student muna ang uupo diyan" announce ni ma'am
"May transferee tayo, ma'am?" Tanong ng kaklase ko
"Oo, ms. De Vera kindly introduce yourself in front of our class" saad ni Mrs. Diaz, pumasok ang bago naming kaklase at kumaway
"Good morning everyone! My name is Stella Kate T. De Vera. Nice to meet you all" saad ng bagong classmate, nag tinginan naman kami nila Selina at Kaitlyn.
"Sige pwede ka na maupo sa tabi ni ms. Vargas" utos ni ma'am, tinuro ng mga kaklase ko ang upuan ni Leola at agad din siyang umupo. Nagkakagulo ang boys namin dahil may itsura ang babae. Maputi, katamtaman ang height, mahaba ang buhok at mapupula ang labi.
Natawa naman kami ng biglang iurong ni Kaitlyn ang upuan niya. Nakangiti ang bagong transferee saamin kaya nginitian namin siya pabalik. Mukha naman siyang friendly eh, nagpakilala kami sakaniya.
Habang nag t-take down notes may kumatok sa pinto ng room, binuksan ni Mrs. Diaz at nagulat kaming lahat ng makita si Leola
"Ms. Guerrero, bakit late ka?" Tanong ni Mrs. Diaz
"Ma'am sorry po, napuyat po ako kagabi" sagot niya
"Alam mo ng maaga ang pasok natin nagpupuyat ka?"
"Sorry po" paumanhin ni Leola
![](https://img.wattpad.com/cover/272470568-288-k191882.jpg)
BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
JugendliteraturIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...