In a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...
Nagmamadali akong nag paalam kay Leola dahil nga magkikita kami ni Jaimee. Hindi naman sa pagiging marupok, bestfriend ko rin naman siya bago naging kami.
Umuwi muna ako sa bahay para mag bihis at nag paalam na rin ako kay mama.
"Ma, alis muna ako may nakikipag kita saakin bestfriend ko eh" paalam ko sakanya
"Oh sige umuwi ka agad pagkatapos"
"Sige po, bye!" nakipag beso ako sakanya saka mabilis na umalis
Sumakay ako ng taxi papunta sa park ng isang mall kung saan kami mag m-meet up. Habang nakasakay sa taxi tumawag saakin si mama.
"Nak, umalis muna ako may emergency sa trabaho. May dala ka bang susi?"
"Opo ma. Ingat ka po sa lakad niyo"
"Oh sige nak, ikaw din. Umuwi ka na agad pag katapos niyang lakad mo. Sige na bye, love you"
"Sige po, love you too" sagot ko sabay baba ng telepono
Halos 20 minutes din bago ako nakarating sa meet up place namin. Naglakad ako papasok ng mall at tinanong saan dito ang park.
"Deretso lang po kayo ma'am tapos pag dating po sa pinaka dulo may exit po doon and kumanan lang po kayo." Saad saakin nung manong guard
"Sige po kuya, thank you!" Agad kong sabi
Nang marating ko ang park umupo muna ako sa isang bench at tinext si Jaimee
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Makalipas ang 15 minutes wala parin siyang reply kaya naisip kong tawagan ito ngunit hindi ito sumasagot. Naisip kong mag lakad lakad muna sa park at baka maka salubong ko siya. Kumain na rin muna ako.
Inabot na ako ng dapit hapon kakahintay at wala parin siyang reply sa mga texts ko. Pero kahit na ganun nag tiyaga ako mag hintay sakaniya, baka busy pa.
Gabi na at halos ako nalang mag isa dito sa park. Kung meron mang tao dito yun ay yung mga may girlfriend or boyfriend.
'sa harap ko la talaga naglandian, the audacity?'
Hindi parin sumasagot sa mga tawag at texts ko si Jaimee kaya naman ay napagpasiyahan kong umuwi na.
"Bakit ba kasi ako pumayag makipag kita? Nasayang lang oras ko, galing mo talaga Jaimee.. you did it again"
Nang makauwi ako ay sakto kakauwi lang din ni mama.
"Oh kakauwi mo lang din?" Tanong niya saakin.
"Opo, kumain na din po ako dun. Maliligo at magpapahinga na po ako." Mabilis kong sagot
"Oh sge na, may klase ka pa bukas."
Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Hindi ko akalaing hindi sumipot si Jaimee, pinagod ko lang ang sarili ko.