Leola's pov
"Hoy ano ba saan ba tayo pupunta? At bakit ayaw mong sumabay tayo kila Kaitlyn?" Naiiritang tanong ni Selina habang nag lalakad kami pauwi. Sabi niya ayaw niya mag taxi, ewan ko dito laging pahirap.
"Basta" sagot ko
"Anong basta?" Bumuntong hininga ako
"Ang totoo niyan gusto ko muna lumayo" saad ko habang deretso ang tingin sa dinadaanan namin
"Nagdadrama ka nanaman ba?"
"Hindi noh! May gusto rin sana ako sabihin at alam ko may gusto ka ding sabihin saakin. Kanina ka pa kaya wala sa mood, kinakausap ka ni Kaitlyn tapos ayaw mo"
"Ano ba sasabihin mo?" Tanong niya
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya at tinuon ko ang tingin ko sa kalsada, nagiisip ng kung ano ano. Napapatulala nalang kasi ako ng walang dahilan. Nagsalita nalang ulit ako ng mabalik ako sa katinuan
"Lux, napansin mo ba na iba pakikitungo saakin ni Sophia?" Tanong ko
"Oo, matagal ko ng napapansin. Parang may gusto siya sayo eh" sagot nya
"Same thought!"
"Bakit? Umamin ba sayo?"
"Hindi, pero kahapon kasi dumaan sa feed ko yung retweets niya. Nacurious ako kaya tinanong ko naman si Alaina, ayaw ako sagutin pero nagbigay ng clue eh" sagot ko
"Oh ano namang clue?"
"Bading daw si Soph, eh sa room natin dalawa lang naman tayong bading ah? So its either me or you" sagot ko, napaisip naman siya
"Sabagay, tingin nga"
Pagkasabi niyang yun pinakita ko sakanya yung conversation namin ni Alaina, kahit ako ganyan rin reaction ko nung nalaman ko.
"Oh anong plano mo?" Tanong niya
"Plano?" Tanong ko
"Anong gagawin mo kay Sophia?" Tanong niya
"Gagawin? Eh hindi naman natin alam sino saatin bet non" Sagot ko. Napatigil ako at napaisip..
"Hintayin nalang natin umamin" sabi ko sakaniya
"Pero kung ikaw, Leo.. sa tingin mo kaya mong gustuhin si Soph?" Tanong niya, natahimik ako saglit
"Possible namang magustuhan ko si Sophia, pero sinasabi ko na agad sayo Lux na hindi pa ako ready. Masyado pang occupied ang puso at isip ko. Siguro titigil muna ako at mag focus nalang sa priorities" mahabang paliwanag ko
"Sabagay, hindi pa maka get over kay pookie bear Amanda eh" sabi niya habang tumatawa.
"May progress na ako noh! Eh ikaw kailan ka aamin kay Kaitlyn?" Pagsusungit ko
"Kaitlyn? Hindi ko alam, sa ngayon mas pipiliin ko munang maging magkaibigan kami.. para at least makikeep ko siya forever. Pero kanina kinilig talaga ako sa pinaggagawa niya, hindi naman siya yung hindi sumipot sa meet up kahapon pero siya yung nanuyo" Kinikilig niyang sabi
"Oo, tiklop ka eh. Nawala angas ng bff ko" ngisi ko
"Hobby mo talagang bwisitin ako eh noh" pagtataray niya saakin
Habang naglalakad kami pauwi ay nag uusap kami ng seryosong usapan. Kinuwento niya rin ang nangyari sakaniya kahapon kaya wala siya sa mood. Ang tigas kasi ng ulo sabi ko wag na makipag kita dun eh. Kaya rin pala badtrip siya at lahat ng tao sinusungitan, kahit ako sinusungitan nito kanina.
Habang nag kwekwento ako sakanya bigla siyang nag salita at nag sabi ng pangalan.
"Si Izzy yun ah?" Sabi niya na siyang pinagtakahan ko
![](https://img.wattpad.com/cover/272470568-288-k191882.jpg)
BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
Teen FictionIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...