Chapter 24

35 2 2
                                    

Leola's pov

"You alright pre?" Tanong ni Selina saakin pag alis ni Sophia.

"I think so? I mean, okay lang naman din saakin yung friends lang kami. I'm just glad that I'm not keeping this feeling" sabi ko

"Saka baka tama siya, baka masiyado akong mabilis to the point na I'm not sure of what I'm feeling" inakbayan ako ni Selina

"Pasok na tayo? Mahaba haba pa ang party" yaya ni Selina

"Mauna ka na" maikling sabi ko. Malapit ng lumubog ang araw dahil anong oras na rin, pumunta ako sa tinatambayan ko sa ilalim ng puno at saka nagsuot ng earphones. Naramdaman kong may tumabi saakin pero wala na muna akong pakealam kung sino.

"Selina told us what happened, are you okay?" Tanong ni Kaitlyn, humarap ako sakaniya. Yung tatlo nakatayo sa likod niya

"Yeah, I'm fine naman. Dito lang muna ako for the meantime habang pina process sa utak ko yung nangyari" saad ko at ngumiti, she smiled at me warmly and gave me a pat on my back.

"We're here for you" sabi niya at tumayo

"Sure ka dito ka lang?" Tanong ni Elea, tumango ako. Sumunod na ulit sila kay Selina papasok sa auditorium

"Oh, why are you still here?" Tanong ko ng mapansing nakatayo parin si Callie sa gilid ko, umupo siya at tumabi saakin.

"I'm not comfortable leaving you alone" Saad niya, hindi ako sumagot at hinayaan lang siya magsalita. Tumingala ako at tinignan ang langit na kulay pink at orange ngayon.

Nagbuntong hininga siya at pinagpatuloy ang sasabihin.

"Hays, what am I doing? You probably need some space" sabi niya at tumayo, pinagpag niya ang damit niya at nagsalita ulit.

"Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako" aalis na sana siya ngunit pinigilan ko ang mga kamay niya. Nagulat siya at napatingin saakin.

"Dito ka lang" umupo siya ulit at sumandal naman ako sa puno.

"Hindi ko na alam mararamdaman ko, masakit pero it's for the best" pagpatuloy ko sa sinasabi ko, tahimik lang siyang nakikinig sa tabi ko kaya dinere-deretso ko na ang pagsasalita

"After what happened with me and Amanda, I don't know if I'm ever capable of loving someone or to be loved by someone" saad ko, tahimik lang talaga siya at hindi kumikibo para bang malalim din ang iniisip.

"Don't get me wrong, I've moved on. Unti unti na akong nagiging masaya. Pero minsan napapatanong nalang ako eh, mahirap ba talaga ako mahalin? Gustuhin?" Natawa ako at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok ko, tinignan ko si Callie dahil napansin kong tahimik siya.

"Callie?"

Nagulat ako ng yakapin ako ni Callie, hindi ako makakilos at parang may kuryente akong naramdaman ng magdikit ang mga balat namin. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa kusa na siyang bumitaw.

"Sorry" saad niya

"Saan naman?" Tanong ko

"Dahil niyakap kita" umiwas siya ng tingin at nagpatuloy

"Sabi kasi ng parents ko pag malungkot ang isang tao yakapin lang daw para gumaan ang pakiramdam" ngumiti ako sakaniya at saka tumayo.

"Alam mo ba kung anong magpapa gaan ng pakiramdam ko ng tuluyan?" Tanong ko

"Huh? Ano?" Tanong niya

"Ice cream tayo, sagot ko na" yaya ko sakaniya

"Pero paano yung acquaintance? Hindi pa tapos" nagaalalang sabi niya

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon