Leola's pov
Tanghali na ako nagising dahil napuyat ako kakalaro kagabi, tinignan ko ang orasan at nagulat ako ng makitang 1 pm na.
"1 NA?! KAILANGAN KONG PUMASOK NG MAAGA" nagmadali ako nagtungo sa banyo at naligo, kumain na din ako ng kung anong makita ko sa ref dahil wala ng oras. Nag toothbrush ako at inayos ang damit ko atsaka dumeretso sa bahay nila Selina
"Ang galing galing mo talaga, Leola" pustahan papagalitan ako ng baklang toh
"Napuyat ako kagabi pre, sorry na eh"
"Asaan yung bouquet?" Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong nakalimutan ko yung bulaklak, aish ano baaaa 3 pm ang acquaintance tapos 2:15 na!!!
"Kuhain mo na sa bahay ninyo, malapit na maprint yung letter. Nilagyan ko pa ito ng design sa canva ah. Deretso ka na sa university, lalagay ko sa locker mo yung letter. Di ako magdadala ng bag" bilin ni Selina. Dali dali akong kumuha ng taxi at saka nagtungo sa bahay
"Kuya wait mo ako parang awa mo na, may kukunin lang po ako saka deretso na tayo sa st. Michael" saad ko sa driver, mabait naman kaya naghintay talaga siya.
Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang bouquet, nagpabango na rin muna ako at saka kumaripas ng takbo pababa. Sumakay na ulit ako sa taxi at saktong 2:45 ako nakarating sa campus. Pasimple akong dumaan sa locker at iniwan ang bulaklak doon, baka kasi may magtanong kung para saan yun.
Sa labas palang ng auditorium maririnig mo na ang malakas na music. Pumasok na ako sa auditorium dahil magsisimula na ang acquaintance party, nakita ko rin kung saan ang table nila Selina, Kaitlyn, Callie, Eleanor at Kalila kaya tumabi ako sakanila.
"Late ka nanaman?" Mataray na saad ni Kalila
"Late ako nagising!" Pasigaw kong saad dahil hindi kami magkarinigan sa lakas ng music.
"Nakita mo na ba si Soph?" pabulong na sabi ni Selina
"Hindi pa, nandito na ba?" Tinuro niya ang table nila Sophia, Alaina, Trinity, Alessia at Kendra kaya napalingon ako. Kinabahan ako dahil sa pag amin ko mamaya, unti unti na ako nagsisisi sa desisyon ko.
"Good afternoon ladies and gentlemen, welcome to our acquaintance party" pasimula ng emcee
"To start this program let's call on father Vicente for our opening prayer, after the opening prayer let's hear Mr. Enriquez for our opening remarks" saad naman ni emcee no. 2
"Let's bow our heads and close our eyes, Father in heaven we thank thee for this wonderful Friday afternoon" pasimula ni father, kinakalabit naman ako netong si Selina kaya di ako makapag dasal ng maayos.
"Ano ba yun?" bulong ko
"Wala lang" demonyo talaga toh eh.
Nang matapos si father nagpalakpakan naman kmi dahil umakyat sa stage si Mr. Enriquez na dean namin.
"Good day ladies and gentlemen! We welcome you all to our acquaintance party! Siguro maraming nagtataka kung bakit nauna ang acquaintance sa prom niyo eh noh? Dahil gagraduate na kayo naisip ko na mag lunsad ng ganitong programa upang ma enjoy niyo ang nalalabing buwan niyo dito sa campus na ito. At alam kong maraming transferee dito, ito na ang chance niyo para makilala ang isa't isa" mahabang paliwanang ni Mr. Enriquez
Naburyo ako at pasimpleng tinitignan ang table nila Sophia, tahimik silang nakikinig sa dean habang eto ako nasa cross arms at nakatingin kung kani-kanino. Tinignan ko rin sila Selina sa tabi ko, nagtugma ang kulay ng damit ni Kaitlyn saka ni Selina. Hindi ko naman binigyan ng meaning kasi nga sabay sabay kami namili, baka yun din sabi ni Kaitlyn sakaniya na suotin.
![](https://img.wattpad.com/cover/272470568-288-k191882.jpg)
BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
Novela JuvenilIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...