Leola's pov
Ang init dito sa grounds, hanggang mamaya pa tong P.E namin panigurado. Absent ang next teacher namin kaya nag extended si sir ng oras, hays imbes na maka tambay na sa music hall eh.
Naglalaro kami ni Kaitlyn at sila Selina at Callie naman ang naupo, pinagmamasdan nila kaming dalawa pero hinayaan ko na sila.
"Di ka ba naiinitan?" Tanong ko kay Kaitlyn
"Kanina pa nga ako init na init eh" reklamo niya
"Hays torture toh si sir, di ba pwede mag break?" Tanong ko
"Ewan ko lang, pero pagtapos ng next game time out muna. Nahihilo na ako" saad ni Kaitlyn
Tumingin ulit ako sa pwesto nila Selina pero wala na sila, siguro nasa cafeteria. Hindi ko naman napansin na tumira na yung kalaban namin, nalaglag ang shuttlecock sa likod ko. Agad ko naman itong pinulot at titira na sana ako nang biglang bumulagta si Kaitlyn sa tabi ko.
Sinubukan ko siyang gisingin at buhusan ng tubig ngunit hindi iyon gumana, binuhat ko siya at dinala sa clinic.
Hiniga ko siya sa bed at dali dali naman siyang chineck ng nurse, pinahintay niya ako sa labas at pinapasok din pagtapos niyang icheck si Kaitlyn.
"Nurse, ayos lang po ba siya?" Tanong ko sa nurse na nag checheck sakaniya
"Okay lang naman siya, masiyado lang siyang napagod at nababad sa initan kaya siya nahimatay" sagot nung nurse
"Maiwan muna kita dito at kukuha lang ako ng cold compress para mag cool down ang katawan niya" utos niya, tumango naman ako at umupo sa upuan katabi ng bed. Habang pinagmamasdan ko si Kaitlyn pumasok sa clinic sila Selina, Callie, Eleanor at Kalila.
"Ano nangyari?" Nagaalalang sambit ni Selina
"Nahimatay sa sobrang pagod at init" sagot ko. Tumahimik lang sila at saka naman pumasok ang nurse.
"Sige na bumalik na kayo sa klase ninyo, magpapahinga muna siya. Balikan niyo nalang siya mamayang break time" sabi ng nurse. Bumalik kami sa grounds at ni cancel na ni sir ang extended time niya dahil sa nangyari. Mag review nalang daw kami kasi may quiz kami bukas. Ang ibang mga kaklase ko sa cafeteria at library tumambay habang ako naman patungong music hall, tagal ko ng hindi nakatambay dito
Pagpasok ko ng music hall agad ako umupo sa pwesto ko kung san ako tumutugtog parati. Tumunog ang pinto ng hall kaya sinilip ko kung sinong pumasok
"Selina? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya
"Wala, nag aalala kasi ako kay Kaitlyn" sagot niya
"Nasaan si Callie? Iniwan mo?" Tanong ko
"Hanap mo ako?" Saad ng isang babae pag pasok ng music hall
"Dito ka pala tumatambay pag nawawala ka eh" pagpatuloy niya
"Oo, pag tinatamad ako mag review at ayokong kumain nandito ako. By the way bakit din kayo nandito?" Tanong ko
"Ayun nga, nag aalala kasi ako kay Kaitlyn" Sabi ni Selina
"Ano ka ba, nahimatay lang yun dahil sa pagod. Nagpapahinga lang yun at maya maya magigising na rin" sagot ko
"Hays kung alam ko lang na mangyayari toh hindi na sana kami umalis dun sa pwesto namin" natigilan ako sa sinabi niya. Nag kunwari akong hindi sila nakitang umalis para malaman ko kung saan sila nagpunta
"Umalis kayo? Saan kayo nagpunta?" Inosente kong tanong
"Sa cafeteria, bibilhan sana namin kayo ng tubig kasi init na init kayo habang naglalaro. Di ko naman inaasahan na ganito mangyayari eh, late na pala yung pag bili namin ng tubig" paliwanang ni Selina. Tama nga ang hinala ko, hindi niya gusto si Callie at Kaitlyn parin talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/272470568-288-k191882.jpg)
BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
أدب المراهقينIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...