Chapter 34

28 2 0
                                    

Stella's pov

Nakita ko sa story ni Selina na magpupunta sila sa Tagaytay kaya naman dali dali akong sumunod.

"Nakasunod ako sakanila, ako na ang bahala dito" sabi ko kay ate Cindy saka ko binaba ang tawag. Kung hindi ko lang naman kapatid to hindi ko itutuloy tong binabalak nilang masama eh.

*Flashback
Habang nag rereview ako kumatok sa kwarto ko si ate Cindy, binuksan ko naman ang pinto at nakangiti siyang tumingin saakin. Umupo siya sa kama ko

"Stella, gusto mo ba ng trabaho?" Tanong niya

"Po? Anong trabaho? Hindi ko na kailangan nun ate, maganda naman ang buhay natin dito saka kahit tayong dalawa nalang masaya tayo" paliwanag ko

"Alam ko, pero wala namang sahod toh Stella" pagkukumbinsi niya

"Ano po bang trabaho yan?" Tanong ko

"Simple lang, ipapasok kita sa St. Michael University" saad niya

"Po? Hala pangarap kong university yun!" Na excite ako ng marinig ang dream university ko

"Pero pag pasok mo sa university na yun, may tao kang pagmamasdan at ang pinaka trabaho mo ay ang mahulog siya sayo para makakuha kami ng impormasyon" nakangisi niyang saad

"Impormasyon tungkol saan, ate? Tama ba tong gagawin ko?" Tanong ko

"Kailangan lang niyang ma inlove sayo at makuhaan mo siya ng impormasyon, wag ka magalala babantayan kita" paliwanag niya. Ipinakita saakin ni ate ang picture at ang pangalan ng target

"Leola Guerrero?" Tanong ko

"Kung hindi natin kayang sundan si Max, yang kaibigan niya ang pupuntiryahin natin" saad ni ate saka tumawa. Umalis siya sa kwarto ko at pinagmasdan ang picture, mukhang inosente tong taong toh pero gagawan nila ate ng kasamaan.

*End of flashback

Dahil choosy si Leola Guerrero, naisip ko na sa kaibigan niya na si Selina Santos gawin ang plano kong pag papainlove saakin. Magkaibigan na kami ni Selina kaya naman mapapadali na itong trabaho ko.

Nakita kong pumasok sila sa hotel room nila kaya naman kamuha rin ako ng kwarto malapit sa room nila. Naririnig ko na nagkakatuwaan sila at ilang sandali pa tumahimik na ang kwarto nila, siguro tulog na kaya natulog na din ako.

Kinabukasan narinig ko nanaman ang ingay nila, tinignan ko ang orasan at nakitang 6 am palang. Bumangon na ako at handa ko na silang pagmasdan ulit. Sumakay sila sa van papunta sa isang park dito sa Tagaytay, nag hiwa-hiwalay sila at dahil si Selina na ang target ko siya ang sinundan ko. Kasama niya ang maingay nilang kaibigan at umupo sa bench habang kumakain ng streetfood. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan ngunit nahuli ako nung babaeng maingay, maling desisyon pala na dito ako malapit sakanila nagtago

"Stella?" Tanong nung babaeng maingay at napaharap naman si Selina



Selina's pov

Nagpunta kami sa park bago umuwi para masulit naman ang magandang tanawin dito, nag partner partner nanaman kami at dahil malakas ang trip namin ni Kaitlyn sila Callie at Leola ang pinagpartner namin. Humiwalay sila at sa tingin ko papunta sila sa isang bilihan ng stuff toy, sila Eleanor at Kalila naman nagpipicture at kami naman ni Kaitlyn kakain muna ng streetfoods

Umupo kami sa bench at nag-usap, kinikilig ako dahil ito ang unang beses na kaming dalawa lang ang magkasama kumain. Maya maya pa nagsalita si Kaitlyn

"Stella?" Saad niya, nagulat ako at tumingin kay Stella

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon