Leola's pov
4 months later
Apat na buwan na rin ang lumipas at lalo kami naging close anim, lalo na si Selina. Napag alaman namin na pareho din kami ng ugali kaya mas lalo kaming nagkasundo. Nagsimula na rin akong makakilala ng mga bagong kaibigan, hindi ko na rin kasi nakikita sila Zachary at Skylar dahil may iba na rin silang mga kaibigan.
Matatag pa rin naman kami ni Amanda, minsan nakikita ko sila mag kasama ni Chester pero hindi ko na ginagawan ng malisya dahil pinanghahawakan ko ang sinabi niyang mahal niya ako.
Naging maayos pa rin naman ang relasyon namin ni Amanda hanggang sa nakipag hiwalay siya saakin 2 months ago.
*Flashback
Hindi kami nag kikita ng girlfriend ko na si Amanda, lagi siyang absent dahil lagi raw siyang may sakit. Pinupuntahan ko naman siya paminsan minsan para alagaan, pero tuwing nandoon ako lagi namang sumusulpot si Chester.Makalipas ang dalawang linggo nag simulang maging cold ang pakikitungo saakin ni Amanda. Lagi niyang sinasabi na wag na akong bumisita sakaniya, hindi ko na rin pinilit dahil nagiging busy na ako sa school.
Pumasok na siya sa school nung nakaraang linggo dahil okay na raw ang pakiramdam niya, nang mag uwian nagkita kami ni Amanda sa tapat ng school at kasama niya si Chester.
"Love, kamusta okay ka na ba talaga?" Pagaalala ko. Tinignan niya lang ako ng walang ekspresyon sa mukha.
"Leo, let's end this" sabi niya, nagtaka naman ako
"Gutom lang yan, love. Tara kain?" Tanong ko, huminga naman siya ng malalim.
"Leo, ayaw ko na maghiwalay na tayo. Sobra ka ng napapalapit sa bago mong kaibigan at nagseselos ako!" Sigaw ni Amanda
"Huh? Eh pwede naman nating pagusapan toh. Wag naman sa ganitong paraan" mahinahon kong sabi
"Sinabi saakin ni chester ang lahat, habang wala ako eto yung ginagawa mo saakin?" Mangiyak ngiyak niyang sabi.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko
"Leo, nakita ka ni Chester na niyayakap mo ang isa mong kaibigan. Ang sweet niyo pa raw, hindi mo manlang ba naalala na may girlfriend ka?" Tanong niya, nagtaka naman ako sa sinasabi niya.
"Ano? Wala akong niyayakap na kaibigan ko! Oo close kami nila Lux pero miski isang beses hindi ko sila niyakap!" Paliwanag ko
"Amanda, walang araw na hindi kita naisip. Lagi naman kita binibigyan ng assurance diba?" Unti unti ng tumulo ang mga luha ko.
"Sinabi ni Chester saakin ang lahat, kitang kita niya ang ginagawa mong kalokohan habang absent ako" sabi niya, tinignan ko naman si Chester at wala siyang ekspresyon na tumingin saakin.
"Paniniwalaan mo ba yan kaysa saakin? Eh kayo nga lagi kayo magkasama hiniwalayan ba kita? Amanda, ilang buwan palang nakalipas simula nang makilala mo si Chester. We've known each other since 1st year highschool, pakinggan mo naman ako oh" saad ko.
"Wag mo ibalik saakin yung pinaggagawa mo, itigil na natin toh" napaiyak nalang ako sa nangyari kahit hindi ko maintindihan ang tunay niyang dahilan.
Sila rin naman ni Chester lagi magkasama at nakakaselos ang pinag gagawa nila pero hindi ko ginawa sakaniya ito dahil malaki ang tiwala ko sakaniya. Nagpunta ako sa park at doon ko binuhos lahat ng luha ko.
Tinawagan ko si Selina para samahan ako
"Lux, di ko alam kung paano ako magsisimula ulit, I'm freaking messed up. At ang masakit pa, pinaniniwalaan niya ang Chester na yun" Sabi ko sakaniya
"Nandito lang kami para sayo, iiyak mo lang yan" sabi niya
*End of flashback
"Lux, Napaka sakit parin. Ilang buwan na ang lumipas pero sobra parin akong nasasaktan. Pero siya? She's happy with someone else now. And okay na rin yun para saakin, seeing her happy makes me okay. Even though I am not the reason anymore." Paliwanag ko kay Selina.
"Leo, alam mo kung mahal mo talaga siya, let her go. Marami pang babae na magpapatibok ng puso mo. Wag kang mag mukmok na parang bata kasi hindi niya deserve ang mga luha mo." Pagpapatahan niya saakin.
"Napakahirap eh." Paiyak na sabi ko.
"Baka nangyari lang ang hiwalayan niyo kasi hindi naman talaga siya ang para sayo." Saad ni Lux.
"Ang saklap pa dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ng hiwalayan. Ako ba talaga ang mali? O si Amanda at Chester na?" Mahinang tanong ko.
"Akala ko talaga siya na eh"
"Anong siya na?" Tanong ni Selina
"Siya na yung soulmate ko" sabi ko at pinunasan ang luha ko
"Leo, wag mong madaliin ang paghanap sa soulmate mo. Lahat tayo may soulmate at may tamang panahon para magkakilala kayo" sabi niya saakin. Tama siya, malay natin nasa paligid ko lang ang soulmate ko. Pero isa lang ang masisiguro ko, hindi si Amanda iyon.
"Alright, from now on Amanda, I'm letting you go. Please be happy without me, love your next man with all your heart cause he deserves it more than I do."
Habang sinasabi ko yun nakita kong masayang naglalakad si Amanda at Chester, mukhang hindi naman nila ako napansin.'Dapat ako yun eh, dapat ako yung kasama mong kumain sa cafeteria, yung kahawak kamay mo pag uuwi na, yung kayakap mo. Saan ba ako nag kulang? Anong meron kay Chester na hindi mo nakita saakin?'
Tumayo ako at pinunasan ang aking mga luha.
"Selina, ice cream tayo?" Sabi ko habang nakatingin ng deretso sakanya. Tumango nalang ito bilang pagpayag.
Dumeretso kami sa 7-11 at bumili ng ice cream. Favorite ko talagang flavor ay cookies and cream, ito ang laging pampakalma ko. Sabi kasi nila kapag malungkot ka mag ice cream ka, nakakagaan ng kalooban yun.
Nagkwekwentuhan kami ni Lux at grabe ang bilis mag palit ng mood ko. Baliw kasi toh si Lux puro kalokohan, abnormal ata ito eh. Pero kahit papaano napagaan niya ang loob ko.
Naguusap din kami ni Selina tungkol sa mga bagay bagay. Napagkwentuhan din namin ang past lives naming dalawa.
"Ay may sasabihin ako sayo" sabi niya saakin
"Ano yun?"
"Tutal mapagkakatiwalaan ka, sasabihin ko sayo ito. Basta wag ka maingay ah!" sabi niya saakin, hindi ako nagsalita at pinatuloy siya sa kaniyang sasabihin
"Gusto ko si Kaitlyn" sabi niya, hindi na ako nagulat dahil halata naman sa kinikilos niya tuwing magkakasama kami. Tumawa naman ako
"Hay nako Lux matagal ko ng nahahalata" sabi ko
"Bakit hindi mo sinasabi? Nahihiya tuloy ako!" sabi niya at tumawa ako
"Baka kasi maling akala diba, eh umamin ka na saakin edi alam ko na tama yung akala ko" sabi ko sakaniya
"Masiyado na ba akong halata?" Tanong niya at mukhang kabado
"Para saakin oo kasi nga diba lagi tayo magkakasama, pero sa iba mukhang hindi naman" pag papakalma ko sakaniya
"Mabuti naman, wag ka magsasabi ah!" Sabi niya
"Oo naman wag ka matakot safe secret mo saakin, pres" pangaasar ko
![](https://img.wattpad.com/cover/272470568-288-k191882.jpg)
BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
Teen FictionIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...