Chapter 32

25 2 0
                                    

Selina's pov

Pinipigilan ko ang luha ko habang paalis sa coffee shop. Kaya pala naiilang si Kaitlyn pag katabi si Max, kaya pala nag iiba yung mood niya pag si Max na yung usapan kasi gusto niya pala si Max. Masakit isipin na yung taong gustong gusto ko, may gustong iba

Naglakad lang ako at napadpad sa park, umupo ako sa bench saka tumingala. Hindi pa ako pwedeng umuwi dahil panigurado mag aalala sila mama, habang pinagmamasdan ang langit may tumabi saakin

"Diba ikaw yung bestfriend ni Leola?" Tanong niya, humarap ako sakaniya at nagulat ng makita si Stella

"Ahh oo" sagot ko

"Ayos ka lang?" Pag aalala niya

"Oo naman" sagot ko. Tumahimik lang kami at nag stay siya sa tabi ko, mabait naman pala toh eh bakit ayaw na ayaw ni Leola dito

"Gusto mo ice cream?" Tanong niya nang marinig ang bell ng ice cream. Hindi ako nagsalita at tumayo siya, pagbalik niya may dala siyang dalawang ice cream

"Oh, hindi ko alam gusto mo kaya vanilla nalang" saad niya, tinanggap ko ang ice cream saka kinain ito

"Mabait ka naman pala, bakit ayaw na ayaw sayo ni Leo?" Tanong ko sakaniya

"Ewan ko dun, nilalambing lang eh" sagot niya habang nakain ng ice cream

"Kilala ko yun si Leo, sweet siya pero ayaw niya sa taong flirty kaya siguro inis na inis sayo" saad ko

"Flirty? Hoy hindi ko siya nilalandi, ang kapal niya" pagtataray niya

"Hindi I mean ayaw niya sa taong dikit ng dikit sakaniya pag di niya kilala o kaclose, mainit ulo nun sa taong di niya kilala masiyado" natatawa kong sambit

"Ay ganun? Ang sensitive naman niya" tumawa rin siya

"Bakit mo kasi siya ginaganun" tanong ko, natahimik siya saka nagsalita ulit

"Ganun lang talaga akong tao, yung dikit ng dikit. Gusto ko lang siya maka close, you know.. to know her better" paliwanag niya tumango naman ako.

"By the way, ano pala pangalan mo?" Tanong niya

"Selina, call me Lux nalang" sagot ko

"Ahh kilala mo na siguro ako kaya hindi na ako magpapakilala, so ano friends?" Inalok niya ang kamay niya saakin, tinignan ko muna yun saka tinanggap

"Friends" saad ko. Tumahimik kaming dalawa saka siya nag paalam na umuwi, umuwi na din ako dahil gabi na at baka hinahanap na ako sa bahay

"Oh bakit ngayon ka lang?" Tanong ni mama pag uwi ko

"Nagka yayaan lang po sa coffee shop, ma" pagsisinungaling ko. Hindi niya pwedeng malaman kung ano ang totoo dahil mag aalala sila

"Oh sige na halika na at kumain" yaya ni papa, sumunod naman ako

"Oh siya nga pala, anong plano mo sa birthday mo? Sa susunod na biyernes na ha" tanong nila Papa

"Wala po, gusto ko simple lang kasama kayo saka mga kaibigan ko" sagot ko, tumango naman sila saka nagsimula ulit kumain, pagtapos namin kumain naligo na ako at nagtungo sa kwarto ko. Hindi mawala sa isip ko yung narinig ko kanina, para akong sinasaksak sa dibdib.

Nagising nalang ako sa sikat ng araw, chineck ko ang phone ko at nakitang maaga pa. Bumangon na ako nag stretching muna bago pumasok, naligo na ako at nag almusal. Pagpasok ko sa campus nakita ko si Stella malapit sa locker ni Leola

"Oh pati pa naman sa locker ni Leo napunta ka" tanong ko sakaniya

"Hindi ah, akala ko kasi locker ko" nagtaka ako sa sinabi niya dahil may mga apilido ang pangalan namin. Pinabayaan ko nalang siya saka umalis, nag restroom muna ako bago ako pumunta sa cafeteria

Pumasok ako sa isang cubicle at nakarinig ng boses ng babae

"Hello Rica? Asaan si Ate?" Tanong ng babae, teka si Stella ba yun?

Lumabas ako ng cubicle at nakita niya ako at biglang binaba ang tawag

"Ikaw pala" saad niya

"Oo, sino kausap mo bakit binaba mo?" Tanong ko

"Ah nag choppy kasi eh" sagot niya, tumango nalang ako saka lumabas ng restroom. Pagpasok ko sa cafeteria nakita ko si Leola kasama si Kaitlyn, si Callie naman ginagamit ang cellphone

"Lux!" Pag tawag ni Callie, tumabi ako sakaniya

"Luxie!" Sigaw ni Kaitlyn hindi ko siya pinansin

"Uy ang tagal mo?" Tanong ni Leola, pati siya hindi ko pinansin at kumain nalang ng kung anong meron sa table. Umakyat kami sa room ng hindi ako nagsasalita at humaharap kung kanino, matapos ng malaman ko na gusto ni Kaitlyn si Max nawalan ako ng gana.

Pagtapos ng klase nagtungo ako sa locker ko at sumunod naman si Callie

"Ang tahimik mo ata?" Tanong niya, hindi ako sumagot

"Ahh dahil ba toh sa narinig natin kahapon?" Tanong niya ulit, tumango lang ako

"Ice cream nalang tayo, sabi ni Leo yun daw yung pampakalma niya eh baka gumana rin sayo" yaya niya

"Kabisado mo na si Leo?" Tanong ko

"Hoy shhh" pagpapatahimik niya saakin, umakyat na kami sa next class namin. Hindi ako umiimik at nananatili akong tahimik sa buong klase

Nang mag break time naguusap si Kaitlyn at Leo at eto ako tahimik lang habang kumakain, si Callie naman kausap sila Kalila

"Luxie, bakit ang tahimik mo ngayon?" Inis na sigaw ni Kaitlyn. Nakita ko namang sinaway siya ni Leola, siguro alam ni Leola kung bakit. Pagtapos kumain bumalik na kami sa mga rooms namin, pag upo ko nagulat ako ng biglang makipagpalit ng upuan si Stella kay Callie

"Hey, pwede bang dyan muna ako? Usap lang kami ni Lux" saad ni Stella, tinignan naman ako ni Callie

"Psst Callie! Dito ka" utos ni Leola, dali dali namang lumipat si Callie at umupo si Stella sa tabi ko

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Stella

"Oo nga" maikli kong sagot at nakinig nalang sa klase. Nang mag uwian na sabay sabay kaming nagpunta sa locker at nagtungo sa gate nng biglang may tumawag kay Leola

"Leo!" Sigaw ni Max

"Max, uh dun tayo sa coffee shop malapit samin. Sandali lang magpapaalam lang ako" yaya ni Leola. Kumaway si Max samin pero nilayo ko ang tingin ko at tumingin kay Kaitlyn. Umiiwas din siya ng tingin, lumapit saakin si Leola at bumulong

"Lux, mauna na kayo. Hindi ko nalang isasabay si Max sa atin dahil alam ko na narinig mo ang sinabi ni Kaitlyn kahapon" saad niya, tumango naman ako

"Tara? KKB nalang para walang lugi" saad ni Leola habang papalapit kay Max. Pag alis nila umalis na din kami, nag usap kami ng kung ano ano at kinukulit nanaman ako ni Kaitlyn

"Kanina ka pa tahimik ano ba, hindi ako sanay" saad niya habang hinihila ako. Nagulat naman ako ng abutan niya ako ng chocolates

"Oh ayan na, sorry na kasi! Nag kayayaan lang naman kami ni Leola sa coffee shop pero hindi ko siya aagawin sayo" saad niya, nagtaka naman ako

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko

"Baka kaya tahimik ka kasi akala mo bestfriend ko na si Leo at inaagaw ko siya sayo hays" saad niya at nagpout, umiling ako saka ngumiti sakaniya

"Thank you" sabi ko, ngumiti siya

"Yiieee, nginitian niya na ako. Bati na tayo?" Tanong niya

"Hindi" nagpout siya, natawa naman ako.

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon