Selina's pov
Sabado ngayon at ngayon ang birthday ng kaibigan ni Stella, hindi ko alam kung saan ang venue pero sabi niya wag naman daw ako mangamba. Paglabas ko ng kwarto ko naninibago parin ako dahil sa mga nakasabit na pictures namin sa pader lalo na ang dulong picture namin ni Kaitlyn. Tinitigan ko yun saglit bago ako bumaba.
*Flashback
"Because you were my what if" sabi ni Max
"What if I confessed? May chance ba?" tinignan ko lang si Kaitlyn at Max habang sinasabi ni Max yun kay Kaitlyn.
Nagaabang ako ng taxi pauwi sa malapit na convenience store sa university nang nakita ko silang dalawa na magkasama sa isang street kaya lumapit ako, sakto naman at may heart to heart talk silang dalawa.
Hindi ko na kayang marinig pa ang magiging sagot ni Kaitlyn kaya naman umalis na ako doon, habang naglalakad kinakausap ko ang sarili ko
"Sino ba naman ako para masaktan, hindi naman kami ni Kaitlyn diba?" Natatawa kong sabi, umiyak ako habang naglalakad at naghahanap ng taxi na masasakyan.
*End of flashback
Nilayo ko na ang tingin ko sa picture, kapag naaalala ko ang gabi na magkasama sila ni Max para akong sinasaksak ng paulit ulit. Pinigilan ko ang mga luha ko, at bumaba na para kumain
"Ma, mamaya pong gabi birthday ng kaibigan ko" paalam ko kila Mama
"Oh aalis ka nanaman?" Tanong ni Mama
"Ma, nagpaalam na po ako sayo nung nakaraan, maraming beses na. Babae naman po yung mga kaibigan niya, isa pa dun lang po kami sa bahay nila. Kasama ko po si Leo" pagsisinungaling ko dahil hindi ko pa alam kung saan ang venue, at mas lalong hindi kasama si Leo. Hindi kasi papayag sila mama kapag hindi ko siya kasama.
"Basta tawagan mo kami ah" sabi ni papa, tumango nalang ako at pagtapos kong kumain naligo ako at naglibang nalang habang hinihintay mag gabi. Nang mag gabi na nagsuot na ako ng maayos na damit saka humarap sa salamin
"Kalimutan muna natin yun, mag enjoy tayo ngayong gabi" sabi ko sa sarili. Bumaba na ako at nagpunta sa meeting place namin ni Stella, pagbaba ko nakita ko siya agad doon. Nakasuot siya ng isang fitted dress na kulay itim, maganda ang katawan ni Stella at may itsura pa. Nilayo ko ang tingin ko ng lumapit siya saakin
"So let's go?" Yaya niya, sinabit niya naman ang kamay niya sa braso ko kaya mas lalo akong napatigil.
"Umiinom ka ba?" Tanong ni Stella
"Hindi" sagot ko
"Eh paano yan sa bar ang party niya?" Nanlaki ang mata ko
"Hindi nalang ako iinom, sasamahan lang naman kita doon diba?" Tanong ko, nag buntong hininga lang siya at saka tumango. Pagdating namin sa bar ang ingay agad sa loob, umakyat kami sa VIP area at nandoon na ang kaibigan ni Stella
"Hey girl!" Bati nila kay Stella, teka akala ko ba left out siya? Siguro tama ang sabi ni Leo saakin, pero huli na kasi dahil pumayag na ako. Hindi ko alam kung nagayuma ba ako neto oh ano eh
"Hi! Happy birthday!" Sabi ni Stella at nakipagbeso
"Oh sino kasama mo?" Tanong nung friend niya
"Selina, my girlfriend" nagulat ako sa sinabi ni Stella kaya napatingin ako sakaniya
"Hello! Nice to meet you! Im Aliza, upo na kayo. Enjoy the party!" Sabi nung Aliza, hinila naman ako ni Stella at naupo kami sa isang couch
"Girlfriend? Ano yun?" Tanong ko kay Stella
![](https://img.wattpad.com/cover/272470568-288-k191882.jpg)
BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
Teen FictionIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...