Chapter 54: Batangas beach resort last part

22 2 0
                                    

Leola's pov

Gumising ako ng maaga habang tulog pa silang lahat, nag-usap kami ni Max kagabi at sinabi ko sakaniya na gusto ko hulihin si Selina at Kaitlyn. Last day na namin bukas kaya dapat ngayong araw mangyari toh, ngumisi muna ako saka nagpunta sa pinto

"Ang aga naman ata ng lakad ninyo" sabi ni Callie at kamot mata pang bumangon

"Baka kasi mahuli kami ni Lux eh, stay ka lang dito. Babalik kami agad" sabi ko sakaniya at niyakap siya, kinumutan ko siya ulit saka ako lumabas. Binilisan ko ang lakad dahil baka mamaya lumabas na silang lahat, bumaba ako sa lobby at doon ko nakita si Max na may kausap na babae

"Aga aga may babae ka" sabi ko sakaniya

"Baliw, tara na nga" sabi niya, nagpunta kami sa sasakyan ng daddy niya at sumakay kami doon. Nagpunta kami sa isang grocery store para bumili ng mga kakailanganin

"Fireworks?" Tanong ni Max

"Oo pwede, sige kuha ka" kumuha naman siya ng fireworks doon at ako naman kumuha ng marshmallows. Mag b-bon fire kami mamayang gabi at plano ko na doon sila hulihin pareho.

"Fountains?" Tanong niya kaya napaharap ako

"Why do we need fountains? Hindi pa naman new year" sabi ko sakaniya

"Duh? Para maganda, wala ka talagang taste sa decorations" sabi niya at tinarayan ako, kita mo mas babae pa sakin tong lalaking toh

"Kumuha ka rin pala ng confettis" saad ko at tumango naman siya

Niyaya ko na rin siyang bumalik sa hotel dahil baka mamaya magtaka sila saan kami galing, tinago muna namin sa sasakyan ang mga pinamili

Buti nalang pagbalik namin sa hotel tulog pa sila kaya bumalik muna kami sa rooms namin, pagpasok ko tulog pa rin si Callie kaya lumapit muna ako sakaniya. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya saka naligo na para bumaba na mamaya

Hindi ako nag breakfast dahil medyo busog ako kaya nandito ako sa beach kasama si Max

"Anong plano?" Sabi niya at umupo sa tabi ko, ngumisi naman ako

"Basta mamaya, sa lahat ng sasabihin ko makikisakay ka" sabi ko, tumahimik lang siya at ako naman nakangisi. Buong araw kami nasa beach dahil nga last day na namin bukas. Nag swimming kami at kung ano ano pa. Nag jetski si Selina at Stella kaya naman tinignan ko si Kaitlyn, nakatingin siya sakanila

"Hoy, gusto mo ba mag jetski?" Tanong ko

"Ayaw ko nga" sabi niya habang naka krus ang kamay

"Talas ng tingin mo sakanila eh" sabi ko at sumulpot naman si Max sa likod namin

"Jetski tayo tara" hindi na hinintay ni Max na magsalita si Kaitlyn dahil hinila na siya ni Max. No choice si Kaitlyn kaya sumakay siya sa likod ni Max

"Callie! Jetski tayo!" Tawag ko sakaniya, sumakay naman siya sa likod ko. Nagpunta ako sa harap ng jetski nila Selina, sila Kaitlyn naman nasa tabi ng jetski namin

"Gusto niyo mag race?" Tanong ko at nakangisi, si Selina kasi ang driver ng jetski nila ni Stella at si Max naman sa jetski nila ni Kaitlyn

"G!" Sabi nila Max at Selina, nagpunta naman ako sa dulo kung saan ang magiging finish line

"Okay ready!! Set!!!! Go!!!" Sigaw ko dahil medyo malayo sila, ang bilis ng takbo ng mga jetski nila kaya naman natawa ako. Seryoso ang mukha ni Selina at parang gusto talagang manalo, malapit na sila saamin kaya tinaas ko na ang dalawang kamay ko. Nauna si Max kaya kita ang disappointment sa mukha ni Lux

"Rematch?" Pangaasar ko sakaniya

"Ayaw ko na, bahala sila diyan" ang talas ng titig ni Selina sakanila dahil ang higpit ng yakap ni Kaitlyn kay Max. Umalis ang jetski nila Selina at nagpunta na sa beach, nag fist bump naman kami ni Max habang si Kaitlyn nakakunot nanaman ang noo

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon