Chapter 16

39 2 0
                                    

Kaitlyn's pov

Nandito kami sa mall nila mommy dahil birthday ni ate. Munting salo salo lang para sa birthday niya at music pa ang theme. Mahilig sa musika ang pamilya namin kaya yun din ang theme niya. Kinalabit ako ni Mommy habang kumakain ako at may binulong

"Nak, wala pa pala tayong regalo para sa ate mo. Pwede bang ikaw na bumili after ng salo salo natin tas dalhin mo nalang pauwi? May friends pa ang ate mo na pupunta sa bahay natin eh mag sleepover daw sila" saad ni mommy

"Talaga ma? Hala excited na ako makita friends ni ate Kaylie. Sayang lang wala si ate Mica" sagot ko

"Pupunta ata si ate Mica mo. Narinig ko sa mom niya kakauwi lang galing states" sagot niya

"OMG I'M SO EXCITED" sagot ko

"Sige po ma, after natin dito bibili na ako agad" dugtong ko

Natapos na kaming kumain at sumenyas na saakin si mom na bumili ng regalo, nag abot siya saakin ng pera para sa regalo. Nagtaka ako kung bakit masyadong malaki ang halaga, sabagay matanda na si ate deserve niya din ang maganda at mamahalin na regalo dahil ang sipag niya sa school. Mag tatapos na rin siya ng college as a law student kaya dapat lang na maganda ang ibibigay ko sakaniya.

Habang naglalakad nag iisip ako ng pwedeng iregalo sakaniya. Naalala ko ang sinabi saakin ni ate Kaylie na gusto niya ng keyboard or yung piano. Kaya para sakaniya bibili ako ng keyboard para makapag practice siya at hindi na pupunta sa simbahan para mag practice.

Dumeretso ako sa bilihan ng instruments dito sa mall at naghanap ng mga piano nang tumunog yung bell ng pinto ng store. Napaharap ako sa pinto at nakita ko si Leola na pumasok sa store at dumeretso sa guitar section. Mukhang hindi niya ako napansin dahil derederetso ang lakad niya

'naggigitara tong babaeng toh?' tanong ko sa isip ko

Dahil sa curiousity dahan dahan akong pumunta sa aisle kung nasaan siya at sinilip ko ano ang binibili. Nabangga ako ng isang customer kaya napaurong ako sa gitna nung aisle kung nasaan siya. Lumingon siya at buti nalang nakapag tago ako.

'ang lapit na non ah' saad ko sa isip ko. Nakita kong naglakad si Leola papunta sa direksyon ko kaya nagtago ako sa malalaking piano na naka display dito. Dumeretso siya sa counter at agad na umalis.

Pinabayaan ko nalang siya at saka nagpatuloy sa pag pili ng piano. Binili ko ay 'yong may stand para sakto lang sa kwarto ni ate at hindi na siya mahihirapan ilagay sa desk niya. Pinadeliver ko nalang yung piano sa bahay namin at tinext si mommy na on the way na ang regalo ni ate.

Dahil maaga pa naman naisipan kong umikot muna sa mall ng makita ko sa di kalayuan si Max habang kasama yung girlfriend niya magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa direksyon ko. Na estatwa ako at hindi nakagalaw hanggang sa makita na rin ako ni Max.

"Kaitlyn?" Tanong niya

"Hello" tanging na sagot ko

"Anong ginagawa mo dito?" Saad niya

"Ah wala, kakabili ko lang ng regalo para sa ate ko." Sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ko talaga kaya titigan si Max mata sa mata.

"Birthday niya? Happy birthday paki sabi, may kasama ka ba?" Tanong niya

"Wala eh" sagot ko

"Sumabay ka nalang saamin" sagot ng girlfriend niya.

"Ay hindi wag na, baka maistorbo ko pa yung date niyo hehe. Stay strong nalang" sagot ko sakaniya

"Sigurado ka huh? Sige mauna na kami ah?" Saad ni Max

"Oo sige ingat"

"Sige ikaw rin. Baby, let's go?" Pag yaya ni Max sa girlfriend niya at umalis na. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

Matagal ko ng gusto si Max. Wala akong boyfriend dahil siya parin yung hinihintay ko kahit na pumunta sila ng Korea dahil sa business nila, umaasa ako na magugustuhan niya ako pag uwi nila. Pero pag balik niya hindi parin pala ako yung hanap niya, hanggang kaibigan parin pala ako hanggang ngayon.

'I expected this to happen, but why does it still hurts?'

Pumunta ako sa seaside at bumili ng softdrinks at doon ko binuhos ang luha ko. Wala akong pakialam kung may makakita saakin dito. Basta ang alam ko lang masakit makitang yung taong gustong gusto mo na nasa kamay na ng iba.

Minsan iniisip ko kung paano kung umamin ako dati? May chance kaya?

Pinagmamasdan ko lang ang papalubog ng araw ng biglang nay tumawag saakin sa likod.

"Miss? okay ka lang?" Tanong niya

Humarap ako sakaniya at nagulat siya. Si Leola pala

"KAITLYN?!" Sigaw niya, pinabayaan ko lang siya at binalik na ang mata ko sa papalubog ng araw. Nagmamadali siyang umupo at tumabi saakin at tinanong kung bakit ako umiiyak

"Bakit mag-isa ka dito? At bakit ka umiiyak ano nangyari?" Pagaalala niya. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sakaniya

"Leo may tanong ako, masakit ba talagang makitang may ibang mahal yung taong gusto mo?" Tanong ko sakaniya. Tumahimik siya at humarap din sa dagat. Parehong tinatangay ng hangin ang buhok naming dalawa.

"Oo, sobrang sakit." Maikling tugon niya na para bang may inaalala.

"Bakit may gusto ka? Kanino?" Pagiiba niya ng usapan, hindi ko pwedeng sabihin kay Leola na si Max ang gusto ko dahil kaibigan niya si Max

Tumango ako lang ako

"Oo may gusto ako, matagal ko na siyang gusto pero hanggang ngayon kaibigan lang ang turing niya saakin" sagot ko at umiyak na lang ulit. Hinahawakan niya ang likod ko bilang pagpapakalma

"Kaitlyn, wag mo siyang iyakan. Diba nga sabi nila that there are plenty more fish in the sea? Maybe he's not the right guy for you, maybe you are meant for someone else. Wag ka mag alala nandito lang kami para damayan ka, hindi ka nag iisa. Okay?" Sabi niya. Tumango ako at sumandal sa balikat niya.

"Pagod na ako maghabol at umasa Leo" sabi ko

"Then stop chasing and start moving on" sagot niya

Maya maya pa nag vibrate ang cellphone niya atsaka humarap saakin.

"Kaitlyn, uuwi na pala kami ng family ko, may kasama ka ba? Asaan si tita?" Tanong niya

"Wala, umuwi na. Inutusan lang ako ni mom bumili ng regalo para kay ate Kaylie at nauna nang umuwi dahil may bisita ang ate ko." Sagot ko

"Ganun ba, ipapahatid nalang kita kay Lux pauwi okay ba?" Tumango nalang ako, wala na din akong gana umuwi mag isa kaya pumayag na ako.

"Sige tatawagan ko lang siya huh? Hihintayin natin siya bago ako umuwi para hindi ka mag isa" sagot niya

"Thank you" tanging nasagot ko

Tinawagan na ni Leola si Selina at sinabi kung nasaan kami para masundo niya ako. Ilang sandali pa ay dumating na si Selina at hinihingal pa

"Hindi ko kayo mahanap, buti nalang talaga malapad noo mo Kaitlyn. Lumiwanag kaya nakita kita agad eh" pagbibiro niya, sinamaan ko lang siya ng tingin, wala akong gana para makipagbulyawan pa dito.

"Oh maiwan ko na kayo huh? Uuwi na kami eh. Sige na, ingat kayo pauwi" pag paalam ni Leola, kinawayan lang namin siya at niyaya na din ako ni Selina umuwi.

Hindi kami nag kikibuan nang makasakay kami sa taxi.

"Okay lang yan Kaitlyn, nandito lang ako" out of nowhere niyang sambit

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Alam ko kapag hindi ka okay ano ka ba, malakas yung Luc instincts ko" Saad niya. Sumandal nalang ako sa balikat niya at pinahinga ang sarili ko.

Nang marating namin ang bahay namin bumaba ako ng taxi at niyakap ko si Selina.

"Ingat ka pauwi" sabi ko, tumango lang siya.

Pumasok ako sa bahay at nakita kong masaya si ate sa regalo ko sakaniya.

"Ikaw daw bumili? Bakit ngayon ka lang? Thank you ah!" saad ni ate at tuwang tuwa

"Nag-ikot po muna ako sa mall, anyways you're welcome!" niyakap ko siya at tinignan ang friends niya na matutulog dito at nakita ko si ate Mica. Naguusap usap kami at nag kwentuhan habang nagpapatali ako kay ate Mica. Natulog na rin kami pagkatapos.

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon