Selina's pov
"Hoy gising" tinapik ako ni Stella sa paa kaya idinilat ko ang mata ko at tumingin sakanila, gising na sila ni Kaitlyn
"Aga ah" sabi ko at kinamot ang mata
"Good morning!!" Binuksan ni Leola ang room namin at nakita namin sila ni Callie
"Teka bakit ba ang aga niyo?" Tanong ko sakanila
"Uh hello? 8 am na?" Sabi ni Callie, tumayo naman ako at naligo na. Nagpunta kami sa taas ng hotel para sa breakfast buffet.
"So kamusta tulog?" Tanong ni Eleanor saamin
"Maayos naman, malamig pero may kayakap" natatawang sabi ni Leola
"Eh kayong tatlo?" Tanong ni Callie saamin
"Hindi ako makatulog, pero okay lang" sabi ni Kaitlyn
"Naisip kong papuntahin si Max dito para may partner si Kaitlyn, mukhang may date kasi si Lux at Stella" nakangising saad ni Leo. Seryoso ba toh? Isasama niya talaga yun?
"Hindi siya kasama sa binayaran natin" sabi ko
"Mag dadala si Max ng pera ano ka ba, yon mawawalan? Impossible" sabi ni Leola, tinignan ko lang siya at pinabayaan na sa gusto niyang mangyari
"Pwedeng kumuha ng sariling room si Kaitlyn at Max noh?" Sabi ni Callie habang nakatingin kay Leo, nginisian naman niya ako
"Pwedeng pwede" tumawa naman si Callie
"Ipapakain ko sainyo tong sili pag hindi pa kayo nanahimik" banta ni Kaitlyn kila Leola at Callie
"Ang sungit mo! Aga aga eh" sabi ni Kalila kay Kaitlyn
"Isa ka pa" sabi ni Kaitlyn, natawa naman sila Leo sakaniya
"Mamaya tatawagan ko na si Max pagtapos kumain, nako masaya ito!" Sabi ni Leo at tonong nangaasar, alam naman neto na nagseselos ako doon tapos papapuntahin niya dito. Minsan tinatanong ko na sarili ko kung kaibigan ko ba toh eh.
"Bakit hindi nagpapansinan si Lux at Kaitlyn? Cold nyo sa isa't isa ah" sabi ni Eleanor kaya natigilan ako
"Hindi naman, okay lang kami" sabi ko sakanila, tinignan ko naman si Kaitlyn
"Eh bakit hindi na kayo naguusap?" Tanong ni Kalila, hindi kami umimik
"Guys bukas daw nandito na si Max" pagiiba ni Leo ng usapan, nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na nagtanong sila Kalila. Napapaisip din ako, bakit nga ba hindi na ako kinakausap neto ni Kaitlyn?
Pagtapos namin kumain umakyat muna ako sa room namin para mag palit ng pang swimming ko. Lalabas na sana ako kaso nakita ko si Kaitlyn sa pinto, nakatinginan lang kami
"About sa sinabi nila Eleanor kanina na hindi tayo nagpapansinan" panimula niya, nagtaka naman ako kaya napatingin ako sakaniya
"Bakit nga ba hindi tayo naguusap?" Seryoso ang mukha niya ngayon at ngayon ko lang siyang nakitang ganyan makatingin sakin, simula pa noon ang goofy ng ugali niya at never ko siyang nakita na ganyan ka seryoso
"Hindi ko alam, ikaw tong hindi ako kinakausap eh" sabi ko sakaniya
"Lumalayo ka kasi" deretsong sabi niya, natigilan naman ako. May rason naman ako kung bakit eh..
"Hindi naman ah?" Pagsisinungaling ko
"Talaga ba? Nilalayuan mo nga ako at kay Stella ka sumasama" sabi niya at nilayo ang tingin
"Eh? Nagseselos ka noh?" Biro ko, nagulat siya kaya tumingin siya saakin
"Umasa ka! Tabi!" Sabi niya at pumasok sa loob, natawa naman ako sakaniya. Pumasok siya sa banyo kaya hindi muna ako bumaba, paglabas niya tinignan niya lang ako
BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
Подростковая литератураIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...