Chapter 37

26 2 2
                                    

Kaitlyn's pov

Pumasok ako sa campus at hinintay sila Callie sa cafeteria, napaaga ata masiyado ang pasok ko ngayon hays. Bumili muna ako ng makakain at saka nag cellphone nalang habang hinihintay sila

"You're early?" sabi ni Callie sa likod ko, napatalon naman ako saka tumingin sakaniya

"Required ba manggulat?" Tanong ko, tumawa naman siya. Pumasok na rin sila Kalila at Eleanor kaya madami dami na kami. Habang naguusap kami pumasok si Leola at mukhang maganda ang tulog dahil good mood ngayon

"Nauna ako kay Lux noh?" Tanong niya, tumango naman kami

"YES" sigaw niya, parang bata amp

"Ano toh competition kung sino maaga pumasok?" Tanong ni Eleanor

"Medyo, ayaw ko na malate hehe" sabi ni Leola saka umupo sa tabi ko. Napansin ko naman ang relo na suot niya

"Bago relo ah" pagbibiro ko

"Bigay ni Max saakin, suotin ko raw palagi eh" sabi niya, natigilan naman ako ng marinig ang pangalan ni Max. Argh, kailan ko kaya makakalimutan yang taong yan lagi nalang siya sumasagi sa isip ko.

"Leo" tawag ni Callie kay Leola kaya naman napatingin ako sakanila

"Mm?" Sagot ni Leo habang nakain

"Sayong pabango yun?" Tanong ni Callie, kumunot naman ang noo ni Leola saka inamoy ang damit niya

"Ahh oo, thank you nga pala sa pabango ha? Sakto paubos na yung akin" naiilang na sabi ni Leola. Nagkakahiyaan pa kayo eh

"Yow what's up everybody, it's me the one and only Selina Santos" sabi ni Selina habang papasok sa cafeteria, isa pa tong mukhang good mood. Magaganda ata panaginip ng mga toh.

"Bakit ba good mood kayong dalawa? Ano meron?" Tanong ko sakanila. Umupo naman si Selina sa tabi ni Callie

"Kapag bad mood kami magtatanong kayo, ngayong good mood magtatanong parin tss" pagsusungit ni Leola, tumawa naman sila Eleanor

"Oo nga naman, pag good mood wag na tanungin at least di sila masungit" sabi ni Kalila, tumahimik nalang ako saka uminom ng tubig. Nang mag ring ang bell umakyat na kami sa room at nakita namin si Stella na nasa upuan niya na at nginitian kami

Magsisimula na ang klase namin at etong si Leola hindi mapakali sa tabi ko dahil ayaw daw niya katabi si Stella. Dahil sa likot nilang dalawa nakipag palit ako ng upuan kay Leola

"Oh diyan ka na simula bukas, isa pang galaw mo Leo tatamaan ka sakin" banta ko sakaniya, natahimik naman siya at nakinig kay mrs. Diaz

Pagtapos ng mga klase namin nagpunta kami sa cafeteria para kumain, habang hinihintay ang order namin nag ring ang cellphone ni Leola

"Oh ano nanaman, Maximus?" Tanong niya, tumahimik ulit ako saka tumayo. Tumingin silang lahat saakin

"Restroom lang ako" sabi ko sakanila pero hindi talaga sa restroom ang punta ko. Habang walang nakakakita umakyat ako sa rooftop ng campus at dinamdam ang preskong hangin sa mukha ko, makulimlim na rin kaya hindi masiyadong mainit.

Kapag naririnig ko ang pangalan ni Max hindi ko siya maiwasang maisip. Noon patay na patay ako kay Max, maliban kasi sa itsura niya ang bait niya saka maganda ang ugali. Bonus points na ang pagiging matangkad, mapangasar, mabango, maputi at matangos ang ilong.

"Cookies?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Selina sa likod ko, nakapamulsa at inaabot saakin ang isang plastic ng cookies. Natahimik ako at pinagmasdan ko lang ang mukha niya ng biglang sumakit ang ulo ko dahil naranasan ko na itong pangyayaring toh noong bata ako.

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon