Epilogue: Leola's special chapter

132 3 2
                                    

Leola's pov

Natawa kami sa inasta ni Kaitlyn at ni Selina, nagulat kami ng bigla siyang hilahin ni Kaitlyn papunta sa kwarto ng unit ni Eleanor

"Ang cute nila tignan dalawa noh?" Tanong ni Alaina, tumango naman sila Trinity sakanila

"Callie" pagtawag ko kay Callie habang kumakain siya

"Punta ka sa pool area mamayang 12" napatingin naman saakin si Eleanor at Kalila

"Ano naman ang gagawin natin doon?" Tanong niya, tinignan ko si Eleanor at Kalila at saka ko sila nginisian

"Basta magpunta ka ha, magtatampo ako kapag hindi" sabi ko sakaniya

*Flashback
Noong gabi bago ang graduation namin nagpunta ako sa unit ni Eleanor dahil kinausap ko sila ni Kalila kung pwede nila akong tulungan sa gagawin ko bukas

"Sinabi ko na gagamitin mo yung pool area bukas, okay na nakahanda na yon doon" bilin ni Eleanor

"Thank you talaga ah" sabi ko sakanila

"Sus wala yon, kaibigan namin kayo ni Callie. Isa pa number 1 shipper kami noh" natatawang sabi ni Kalila

"Oo nga pala Leo, bakit kasi naisip mo doon sa pool area gawin yung surprise mo?" Tanong ni Eleanor

"Nag research kasi ako, sabi may super moon bukas. Kaya mabuti ng makita namin yun ng magkasama" sabi ko sakanila

"Ay wow grabe huh, sana ganyan maging boyfriend namin" sabi ni Kalila, natawa naman ako

"Sure ka ba Leo na hindi mo na kailangan ng kung ano anong design sa pool? Like balloons or something?" Sabi nila saakin

"Hindi na, ang gusto ko lang naman maview namin ng magkasama yung super moon bukas. Saka para mabigay ko din toh" nilabas ko ang moon necklace na binili ko nung nakaraan kaya nagulat sila

"Swerte talaga ni Callie" sabi nila, nginisian ko naman sila at pinagmasdan ang kwintas

*End of flashback

"Guys!" Bumalik ako sa realidad ng marinig ang sigaw ni Selina

"Oh ano? Kamusta? Biglang walk out ah" pagbibiro ni Eleanor

"Guess what?" sabi niya

"What?" Sabay sabay naming sabi

"Girlfriend ko na si Kaitlyn!" Sigaw niya, nagulat naman kami saka namin sila nginitian

"Nuks! Congrats Lux, I'm happy for you both" sabi ko sakanila at inakbayan sila

"Stay strong Lux at Kaitlyn!" Sabi ni Callie, niyakap naman siya ni Kaitlyn

"Ano na Leo, nahuhuli ka na" sabi ni Selina, sinamaan ko naman siya ng tingin

"Alam mo, kapag minadali mo ang isang bagay pangit ang kakalabasan. Kaya mas mabuti ng maghintay" sabi ko, tumango naman siya saka sila umupo ni Kaitlyn sa sofa

"Baka si Callie at Leo sunod ha? Nahuhuli na kami ano na" sabi ni Kalila natawa naman kaming lahat

"Bakit kasi hindi nalang kayong dalawa ang maging end game?" Sabi ni Sophia

"Oo nga" pagtugon ko

"What? Ako at si Kalila? Alam kong bading yang apat, pero kami ni Lila gwapo hanap namin" sabi ni Eleanor, natawa naman kami sakanila. Umupo na ulit ako sa tabi ni Callie at tinignan ang orasan

'11:30 na' sabi ko sa isip ko, tumayo ako kaya napatingin sila saakin

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Selina

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon