Chapter 21

31 2 0
                                    

Leola's pov

Natigilan ako nang makita sa likod ko sila Sophia. Nung narinig ko yung boses niya kanina parang kumakain ako ng butterflies hays.

'Leo, keep it together, maangas ka'

Naisip ko rin na umamin sakaniya sa acquaintance, bibigyan ko lang naman siya ng letter tapos ayun. Para lang hindi ako gambalahin masiyado ng nafifeel ko.

Sabay sabay kaming pumasok sa room at nagsimula na ang test, pinaghiwa-hiwalay namin ang mga upuan dahil iniiwasan ang kopyahan. Science agad ang test namin, medyo madali naman kaso hindi ako makapag concentrate. Ilang agwat lang kasi ang upuan namin ni Sophia, medyo nakikita ko pa nga siya sa peripheral vision ko. Umiling ako at nagfocus sa sinasagutan ko

Maaga kong natapos ang test kaya naisipan kong matulog muna, yumuko ako sa desk ko at naka idlip. Maya maya nagising ako dahil pakiramdam kong may nakatitig saakin sa harapan, bumangon ako at nagulat ako dahil nakatingin saakin si Alaina at Sophia at pareho pang nakangiti.

"Good morning!" Bati nilang dalawa

"Anak ng, ano ba!" Inis kong sigaw at sila naman ay tumawa lang.

"Trip niyo nanaman ako eh noh?" saad ko habang inaayos ang desk ko

"Medyo lang" saad nilang dalawa

"Bakit ba sabay kayo magsalita? Pareho ba kayo ng utak?" Nagkibit balikat lang sila at saktong nag ring ang bell. Ipinasa namin ang test papers at tinapik ako ni Selina sa likod.

"Kanina pa kita sinisitsitan pre, ayaw mo humarap di ko tuloy nasagutan yung number 43!" Singhal saakin ni Selina ng makalapit siya sa desk ko

"Aba malay ko ba! Sorry na, di kita marinig!"  Pagpaumanhin ko

"Bahala ka diyan" saad niya

"Hoy, wag ka na magtampo di bagay sayo!" Pagbibiro ko, nag make face lang siya at saka bumalik sa upuan niya ng pumasok si Mrs. Diaz at iniabot ang pangalawang exam.

Natapos na rin namin ang exam na yun at saka nag ring ang bell para sa break time. Sabay sabay kaming bumaba papunta sa cafeteria, grupo grupo kaming bumaba at napansin kong katabi ko si Callie sa pagbaba. Napansin ko namang bumilis ang pagbaba niya na para bang nilalayuan ako.

'problema non?'

Hindi ko na siya pinansin dahil naguusap sila nila Kaitlyn. Sila Sophia naman ay nasa likod namin at kami ni Selina ang magkasabay bumaba.

"Bakit lumalayo sayo si Callie?" Tanong ni Selina saakin

"Aba malay ko" ang tanging nasagot ko, hindi ko rin kasi alam. Nakababa na kami sa cafeteria at saka umupo sa table namin at umorder naman kami ng kakainin namin. Habang kumakain nakarinig kami ng malakas na pag iyak sa tabi ng table namin.

"WAHHHHHHHHH" sabi ng babae habang umiiyak, nag papadyak padyak pa ang paa. Para siyang bata pero nakakaawa siya tignan, may dalawang babae sa harapan niya at mga nakangisi

"Uy Leo, lapitan mo nga kawawa naman" utos ni Eleanor, kumunot ang noo ko

"Bakit ako?!" Pagmamaktol ko

"Ikaw naman pinakamatanda saamin eh, mag 18 ka na next month noh!" Saad ni Kalila

"Hoy hindi porke mas matanda ako sainyo ako na agad!Ayan si Lux oh, dalawang araw lang naman agwat namin ah?" Sigaw ko. Tinignan ko si Selina at hindi siya nagsalita, binabasa ko ang mata niya at parang sinasabi ding ako nalang ako gumawa.

"Ewan ko sainyo bahala kayo dyan, may kasama naman siya sa table oh!" saad ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Kahit na Leo tignan mo hindi nga siya kinocomfort oh!" Saad ni Eleanor.

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon