In a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...
"Merry Christmas!" Sigaw naming lahat pag dating ng 12 midnight. Kumain na rin kami ng noche buena at masayang nagkwentuhan. Binuksan na rin nila ang mga pinamili ko at nagustuhan naman nila yun
"Ayos ah, big time ba pare?" Pangaasar ni Max
"Ipon ko yan, wag ka" sabi ko, tumawa naman siya. Umakyat muna ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko, binuksan ko ang social media ko at doon nabasa ko na nagchat sila sa GC
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Natawa nalang ako sa groupchat namin, kahit sa chat lang naririnig ko ang mga boses netong mga toh eh noh. Naisip ko na tutal bukas naman magkikita kami, bukas ko nalang din ibibigay ang regalo ko kay Callie. Bumaba na muna ako at nakita ko silang lahat sa sala at mukhang may tinatago
"What's going on?" Tanong ko sakanila
"Bro, tignan mo oh!" Sabi niya at pinakita saakin ang buhat niyang pusa
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hoy ang cute!!! Sayo yan?" Tanong ko
"Baliw, ikaw may ari neto. Bigay nila tita at tito sayo" sabi ni Max, napatingin naman ako kila daddy at nakangiti sila saakin. Lumapit ako sa pusa at baby na baby pa siya, ang cuteee
"Ano ipapangalan mo sakaniya?" Tanong ni daddy
"Hmm, Leola the second? Leo jr.? Argh" naiirita ako kasi hindi ko alam ang ipapangalan
"Why not Cleo?" Tanong ni Max
"And where did that came from?" Tanong ko
"Duh? Sainyo ni Callie!" Oo nga noh!
"May tulong ka parin pala kahit papano" natatawa kong sabi, sinamaan niya lang ako ng tingin at yumuko ako para mabuhat ang pusa
"Hi baby Cleo" sabi ko at kiniss ang ulo niya. Buong gabi na yun nagusap usap lang kami habang ang parents namin umiinom ng wine, hindi ko naman na mabitawan si Cleo.
Nakaramdam na ako ng antok kaya umakyat na muna ako sa kwarto ko, sumilip muna ako sa bintana at inamoy ang simoy ng hangin. Aaminin kong masiyadong polluted ang hangin sa Manila, pero kakaiba ang hangin kapag gabi. Maya maya pa nag ring ang cellphone ko