Max's pov
Bago pa ako magsalita narinig kong nagring ang cellphone ni daddy
"Wait lang anak" sabi niya kaya tumango ako
"Hello?" Sagot ni daddy sa phone niya at lumabas ng room, binalik ko naman ang tingin ko kay Cindy. Maamo ang mukha niya pag natutulog, para siyang hindi masama na tao. Hindi parin siya nagigising kaya dito kami sa ospital nagpalipas ng gabi. Nagpaalam din sila Leo saamin na uuwi muna sila
Kinaumagahan ginising ako ng doctor dahil gising na raw si Cindy. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nakaupo
"Nasaan ako?" Tanong niya habang nakahawak sa ulo
"Nasa ospital ka" saad ko kaya napatingin siya saakin
"Ikaw?! At anong gagawin mo? Masaya ka na? Nakaratay na ako dito nakaposas pa!" Sigaw niya,
"Cindy, kumalma ka muna please" sabi ko, sakto namang may pumasok na nurse at chineck siya
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Cindy sa nurse
"Ma'am, check ko lang po mga sugat niyo" sagot niya
"Ayaw ko! Lumayo ka saakin, okay lang ako!" Sabi niya at umupo siya, bigla naman siyang humawak sa ulo niya at parang nananakit parin yun
"Nurse I'll call you later nalang, give us some alone time" sabi ko, tumango naman ang nurse at iniwan kami sa kwarto
"Cindy, grabe ka" sabi ko sakaniya
"Ano nanaman?" pagsusungit niya
"Dahil lang sa hustisya kinidnap mo si Leo at muntik mo kaming patayin lahat" sabi ko sakaniya
"Hindi naman si Leola ang pakay ko kundi ikaw. Gusto kong maranasan ng daddy mo ang sakit noong nawala ang mga magulang ko" cold niyang sabi
"Pwede ba ako magtanong? Ano bang nangyari sa magulang mo?" Tanong ko, tinignan niya naman ako
"Bakit hindi ang daddy mo ang itanong mo? Mga mamamatay tao" saad niya, uminit ang ulo ko pero mas pinili ko ang kumalma
"Max, nagpadala yung mom mo ng breakfast" nagulat ako ng biglang pumasok si dad sa room
"Ikaw?! Ang kapal ng mukha mong magpakita saakin ano? Alis!" Sigaw niya kay daddy
"Cindy, calm down" sabi ko
"What are you talking about?" Inosenteng tanong ni Daddy
"Nag mamaang-maangan ka pang hayop ka!" Sigaw ni Cindy
"Cindy, please respect my dad" napipikon kong sabi
"Respeto? Ang isang mamamatay tao rerespetuhin ko?!" Iritang tanong niya
"Ako? Mamamatay tao? I'm sorry miss but I don't even know how to use a knife or a gun" paliwanag ni daddy sakaniya
"Hindi marunong pero napatay mo ang magulang ko!" Sigaw ni Cindy
"Miss hindi ko kilala ang magulang mo, ni hindi nga rin kita kilala eh" sabi ni daddy
"Ang tatay ko ay si Steven De Vera at ang nanay ko si Celestine Torres, naaalala mo na ba?!" Sigaw niya
"You mean Steven De Vera? My company's best employee?" Tanong ni Daddy
"Oo, at pinatay mo sila" seryosong sambit ni Cindy
"Iha, hindi ko pinatay ang magulang mo" sabi ni daddy at umupo sa sofa.
"Okay, I'll tell you guys what happened" sabi ni daddy, umupo ako sa tabi niya

BINABASA MO ANG
A Heart's Desire (Book 1)
Fiksi RemajaIn a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...