Chapter 14

50 3 0
                                    

Callie's pov

"Hi darling" bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin ni Leola iyon. Naka-akbay rin siya saakin kaya mas lalo akong hindi makagalaw. Usually sila Kaitlyn lang talaga ang touchy saakin, anong nakain neto?

'woy Callie ano na gumising ka'

Nagulat si Eleanor ng sabihin ni Leola saakin yun.

"Hoy teka, tama ba ang rinig ko Leo?!" Tanong niya

"Ang alin?" Tanging nasagot ni Leola at lumingon sa likod namin.

"H-hoy Leola ano nangyayari sayo?" Naiilang kong tanong dahil nakaakbay parin siya saakin habang ang kabilang kamay niya ay nasa kabilang bulsa.

"Wala naman" sagot niya. Hinayaan ko nalang siya na akbayan ako dahil maya maya mananawa rin toh.

Pero napaka laking pagkakamali na naisip ko yun. Hanggang makapunta kami sa shop na pagbibilhan namin ng damit ay naka akbay siya saakin. Hindi ko masabi kung kinikilig ako o ano, pero mabilis talaga ang tibok ng puso ko. Siguro dulot ng kaba, wala namang ibang meaning toh eh. Diba?

These past few days, I have my eyes on her. Maybe I'm just concerned dahil broken siya with her ex, concerned bilang kaibigan lang!

Habang namimili kami ng damit bigla niya akong tinawag at pinakita saakin ang damit na kinuha niya.

"Callie" pagtawag niya saakin pero narinig kong sumitsit si Selina sakaniya kaya napalingon siya

"Este darling, bagay ba?" Tanong niya habang tinapat sa katawan ang damit na sinasabi niya

"Ang corny talaga ng darling" sagot ko, tumahimik lang siya at tinaas ang dalawang damit na dala niya. Lumapit ako at tinignan isa isa

"Mas bet ko sayo tong plain, hindi bagay sayo yung polka dots" sagot ko sakaniya

Kinuha ko ang damit na babagay sakaniya at agad niya naman itong sinuot

"Oh bagay ba?" Tanong niya habang nakataas ang dalawang kamay

Lumingon ako para tignan ang itsura niya at aba masasabi kong bagay talaga! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ngunit hindo ko nalang pinansin

"Oo yan bagay na yan sayo" sagot ko

"Eh ano naman susuotin ko pangbaba?" Tanong niya saakin

"Trousers na black or brown"

"Ahh okay, thank you!" Dumeretso siya sa counter para bayaran ang damit niya nang pigilan ko siya

"Hintayin mo ako" saad ko

"Oh okay" ilang niyang sagot at napakamot sa batok

Namimili ang apat kung ano ang susuotin nila. Si Selina at Kaitlyn naguusap, at si Eleanor at Kalila naman ay nagsusukat ng babagay sakanila

"Lila, bagay?" Tanong ni Eleanor kay Kalila

"Oo, pero mas bagay kayo ni Trevino" sagot ni Kalila ng nakangisi

"Huy bes wag here, parang sira naman eh" kinikilig ni Eleanor na tugon

Natawa nalang ako sakanila at namili ng damit

"Callie!" Sigaw saakin ni Leola. Tumakbo siya papalapit saakin at may dalang dalawang damit

"Ano?"

"Bagay sayo toh" sabay abot saakin ng isang dress na fit lang saakin

"Eto?! Hindi ako nag d-dress!" Pagrereklamo ko

"Ganun ba, eto nalang" abot niya saakin ng isang black and white checkered skirt

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon