In a world full of questions and unexpected situations, Leola Luan Guerrero struggles to find who her soulmate is as she has this strong belief of finding one. She almost gave up in believing that she's gonna meet her soulmate after so many heartbre...
Ice cream. Yan ang pampakalma ni Leola. Sabi niya kasi saakin tuwing malungkot ako..
"Sabi nila, pag malungkot ka mag ice cream ka para gumaan pakiramdam mo."
Yan ang motto niya sa buhay. Tignan mo nga ngayon oh, ang bilis niyang magpalit ng mood, kanina iyak iyak siya. Ngayon tawa na ng tawa, abnormal ata talaga tong taong toh ewan ko ba.
Matapos namin kumain ng ice cream ay umuwi na kami, dumaan muna ako sa bahay nila Leo.
"Oh Selina ikaw pala, maupo ka" sabi ni tita Luna
"Sige po" sabi ko. Naiilang parin ako, baguhan ko palang nakilala ang mama niya.
"Oh bakit namamaga mata mo? Sinapak ka ba?" Tanong ni tita kay Leo
Nagpigil ako ng tawa paano ba naman kasi, hindi makatingin si Leo sa mama niya!
"Wala po ma, sumakit lng po mata ko kanina napuwing po kasi ako e" pagsisinungaling ni Leo
Nagpaalam na ako kila tita dahil tumawag na si mama. Habang pauwi, nakasalubong ko si Jaimee.
Si Jaimee ay ang ex girlfriend ko nung 2nd year highschool, naghiwalay kami noong 3rd year dahil sa hindi pagkakaintindihan. Nalaman ko ring nagkagusto siya sa bestfriend ko, kaya pinasiya kong itigil na ang relasyon. Magtatago na sana ako pero bigla niya akong tinawag.
"Selina?" Humarap naman ako sakaniya at ngumiti
"Jaimee! Long time no see" pagkasabi kong yun ay niyakap niya ako. Hindi ko alam pero naiilang ako, siguro dala ng nangyaring hindi maganda. Pero hindi ko na rin naman iyon ininda, nakapag move on na ako matagal na.
'I feel like Jaimee already forgot what happened'
"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko
"Wala, namiss ko lang tumambay dito. Tambayan natin toh dati diba? Sana mabalik yung dati nating samahan. Namiss ko kayo ng sobra!" Sabi niya pa saakin, tumango lang ako.
*KRINGGGGGG* "Hello?"
"Selina asaan ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan."
"Pauwi na po."
At binaba ko na ang telepono.
"Lux sino yun?" Tanong niya,
"Ah si mama, pinapauwi na ako. Sige mauna na ako huh?" Paalam ko
"Ah sige, see you soon!"
Kumaway na ako sakanya at saka naglakad pauwi. Pag dating ko sa bahay, nagmano agad ako kay mama. Buti hindi siya nagalit dahil hindi ko alam ang idadahilan ko.
"Oh nandyan ka na pala, kumain ka na nandun yung ulam sa kusina" sabi ni mama
Tumango ako at tumungo sa kusina. Habang kumakain ay nag s-scroll ako sa twitter, tinignan ko na rin ang mga messages ko na karamihan tungkol sa school lang. Nagpatuloy ako sa pag scroll hanggang sa nadaanan ko ang post ni Jaimee, mukhang picture nila ng mga kaibigan niya.
'#SQUADGOALS!' Yan ang caption ng post niya.
Hindi ko na pinansin. At nagpatuloy nlng sa pag scroll.
Pagkatapos kumain at magligpit ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Humiga ako sa kama at nag isip
'bakit kung kailan masaya na ako saka ka pa magpaparamdam ulit?' tanong ko sa sarili ko.
Habang nakahiga tumunog ang messenger ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hay nako, kahit eto lng lagi laman ng convo namin kinikilig parin ako. Ewan ko ba ang lakas ng tama ko sa babaeng ito. Pagtapos ko isend sakaniya ang answers natulog na rin ako.
Dito ko pinatulog si Kaitlyn sa bahay namin. Katabi namin si mama at naguusap silang dalawa
"Iha, buti pala pinayagan kang mag stay dito?"
"Ah, opo tita eh. Wala din po si mommy sa bahay si daddy lng, kaya sumama nalang po ako kay Lux" sabi ni Kaitlyn
Matapos nun ay umakyat kami sa kwarto namin, humiga kami at sumandal siya saakin.
"Lux nagustuhan mo ba yung pinanood natin?" Tanong niya
"Oo naman, kung ano naman panonoorin nyo dun ako eh, basta wag lang..." Sabi ko habang nakangisi
"Wag lang ano?" Taka nya
"Secret" sabay tawa ko ng malakas. Tsk feeling inosente.
"NAPAKA DAYA MO TALAGA SELINA" sabay bato niya saakin ng unan. Dinilaan ko siya at binatuhan ko din siya ng unan.
"Lux, kanina pa kita hinahampas ng unan hindi ka parin magising!" sigaw ni mama dahilan para magising ako.
'panaginip lang pala, sana nagtuloy tuloy nalang'
"Late ka nanaman!" sabi sakin ni mama
"Opo eto na babangon na!" Sigaw ko pabalik
"Ikaw talaga pag natulog parang mantika! Eh kung wag ka na kaya maligo? Pumasok ka ng may laway sa mukha?!" Sabi sakin ni mama, aish late na nga ako nagbiro pa!
"Si mama madaling madali eh"
Hindi na ako nag almusal dahil late na talaga ako sa school. Sumakay ako ng taxi dahil sa sobrang pagmamadali, na traffic pa ako malapit sa university dahil maraming sasakyan ang papasok na sa trabaho at dahil dun naglakad ako papunta ng school! Hindi na ako nag alangan dahil malapit lapit naman na ako.
Pag pasok ko sa campus, binilisan ko ang paglakad at pag akyat papunta sa room ko. Hindi ako pumasok sa 1st class ko dahil late nanaman ako, 2nd period na ako makakapasok. Napasarap tulog ko ang ganda ng panaginip eh!
After ng 1st period lumabas na ang mga kaklase ko para sa ICT subject namin sa 5th floor, sinalubong ko si Leo at sabay kami umakyat.
"Woy Lux bakit late ka?! Akala ko di ka papasok" sabi niya na naka pout pa.
"Baliw hindi ako pwede umabsent mamimiss ako ni Kaitlyn" pagbibiro ko pa
"Tss hindi ka nga niya hinahanap" tawa pa niya, babatukan ko na ito panira ng araw.
"Ay Leo napaginipan ko siya!" Sabay palo sa balikat niya
"Oo na! Di kailangan mamalo, kwento mo sakin mamaya sa break time"
As always magkatabi kami ni Leo tuwing ICT, kami rin yung madalas pagalitan dahil sa ingay naming dalawa. Si Kaitlyn naman ay sa likod na kaupo kasama sila Eleanor, mamayang history time saka yun mangungulit, lagi namang ganun yun.
Pagkatapos ng ICT class namin lumapit samin si Kaitlyn, mangungulit nanaman toh panigurado.
"Luxie! Bakit late ka???" Sabi niya saakin
"Luxie?" Tanong ko
"Cute diba? Pangit ng Lux napaka plain!" Sabi niya saakin.
"Pangit ka pala Lux eh" asar ni Leo sa tabi ko, siniko ko siya at napahawak siya sa tiyan niya.
Maya maya pa nakita kong lumayo sakin si Leo at pumunta kay Eleanor at nakipag chikahan. Alam ko na yang galawan niya na yan, ibig sabihin niyan inaasar nanaman niya ako at sasabihin na naglalandian nanaman kami ni Kaitlyn.
At yun na nga habang history subject kinukulit ako ni Kaitlyn, pinabayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. Nag bell na at nag hudyat na ng breaktime kaya bumaba na kami sa cafeteria.